Chapter 28

14 7 135
                                        

Disclaimer: This chapter is unedited. I apologized for the wrong typos and grammar. You might encounter a lot of bad, bulgar, and foul words. Please read at your own risk.


Skye's POV


"The former executive manager of the Poblacion Scholarship Program, Mr. Douglas Estella, is sentenced to 12 or life imprisonment because of sexual assault. According to the attorneys of the Poblacion Corporation, Mr. Estella sexually assaulted college scholar students of their company-"


Nagulat ako nang biglang mamatay ang tv. Napatingin ako sa likod ng sofa at doon ko nakita si Xyronne na hawak ang remote. Mukhang kauuwi lang ng school.


Nagkatinginan kami bago ko sinusubukan bawiin sa kamay niya ang remote. 


"Hey. I'm watching." I said. Binato niya ang remote sa kabilang sofa bago ako tinalikuran.


"It's not good for you." He said before walking upstairs. Napahinga ako ng malalim bago humiga nalang sa sofa.


Things are never easy for me. Gusto ko sana pumunta sa court pero alam ko na hindi ko kakayanin. Nanay ko ang usapan dito. At kahit kailan hindi magiging madali para sa akin na tanggapin iyon.


He is guilty. Napag alaman rin na matagal na siya nagtatago sa kasalanan niya. Matagal na niya tinatakbuhan ang mga krimen na ginawa niya.


Ang kapal naman talaga ng mukha niya gawin yun.


I clenched my fist because of anger. He deserve to be in jail. A monster never deserve a freedom. At dapat lang sa kaniya ang nangyari sa kaniya.


Hindi ko napansin na nagsisimula nanaman tumulo ang mga luha ko. Agad ko pinunasan iyon at pinikit na lamang ang mga mata. Iniisip ang mga happy moments ko kasama si mom. 


Justice is served, mom. Pwede ka na matahimik. Nabigyan na ng katarungan, ang nangyari sayo. That man will spend his life behind the bars. Hindi ako papayag na hindi.


I'm so tired.


Nagising nalang ako dahil sa lamig. Napatingin ako sa paligid at napansin na nasa kwarto na ako ni Xyronne. Nilingon lingon ko ang paligid, hinahanap siya.


Natigil ang tingin ko nang makita ko siya sa study table. Nakaharap sa computer niya habang nagtatype.


Dahan dahan ako umupo sa kama para tignan ano ang ginagawa niya. There's a picture of DNA.


Submitted by: Vivienne Skye Estella


Sa'kin ba yan?


Bakit niya ginagawa ang assessments ko?


I hugged him from behind, resting my face on his shoulder. Naramdaman ko na natigil siya sa ginagawa niya.


Lost In PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon