Disclaimer: This chapter is unedited. I apologized for the wrong typos and grammar. You might encounter a lot of bad, bulgar, and foul words. Please read at your own risk.
Skye's POV
"Hi, doctora."
Napatingin ako kay Benjamin na nakaupo sa harap ko. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti habang nagtatype sa monitor.
"Yes? May kailangan ka?"
He gave me a simple smile. "Ikaw po kailangan ko doc."
Malakas ako'ng napatawa bago binaling ang tingin sa kaniya. "Unavailable e."
Biglang bumagsak ang ngiti niya pero maya maya pa ay binigyan niya ako ng matamlay na ngiti. "Ay ganon, sayang naman."
Binigyan ko siya ng maikling tawa bago tinapik tapik ang balikat niya. "Makakahanap ka rin ng ka edad mo."
Natatawa siya na umiling sa akin. "Doc ayaw ko ng bata, gusto ko matanda." Pabiro ko siya'ng binatukan.
"Sira."
Maya maya pa ay sumeryoso ang tingin niya sa akin. "Pero doc, pag sinaktan ka nung lalaki mo. Sabihin mo agad sa akin ah. Malilintekan talaga yan sa'kin." Sambit niya, making me laugh.
Pabiro niya'ng pinatunog ang mga daliri niya sa kamay habang nakatingin sa akin. "Alam mo naman na ingat na ingat kita Doc."
I looked at him with disgusted face. Binigyan niya lang ako ng tawa bago tumayo at pamulsa na tumayo.
"Pero seryoso. Bumisita ako rito kasi ito na yung huling beses." Nagtataka ako na tumingin sa kaniya.
"Huy bakit?" I don't want Benj to leave. Kahit naging pasyente ko lang siya ay masasabi ko na may pinagsamahan pa rin kami. Hindi madali para sa akin na itapon na lang iyon basta basta.
"Baka di ako makatiis, agawin pa kita sa jowa mo." Pabiro niya na sambit. He gave me a head pat bago ngumiti.
"I'm sorry," I said.
"No need." He said. Umayos siya ng tayo at ipinamulsa ang kaniyang kamay sa kaniyang bulsa.
"Basta, hindi ako galit sayo. Kaya wag ka mag sorry, Okay?" He said in a low tone voice. Tumango na lang ako, nakokonsensya sa ginawa ko.
"I'm sorry." Ulit ko. Natatawa siya na tumingin sa akin.
"Eto parang tanga, iiyak ako niyan sige ka." He said. Magsasalita pa sana ako nang biglang kumatok ang nurse.
"Andito na po yung patient niyo Dra."
Tumango na lang ako. Pagtingin ko kay Benj ay ngumiti lang siya sa akin bago tuloy tuloy na umalis. Umalis palayo sa akin.

BINABASA MO ANG
Lost In Pages
LosoweVivienne Skye, the sovereign of beauty and grace who was revered by many, had her life shattered once more when she ran into her first love for the first time in many moons.