Chapter 17 - A Talk To Remember

41.5K 1.6K 538
                                    

Sinong nakakamiss kay Diamond? Well... brace yourselves. Eching! Haha!

Keep the 'vomments' coming! ^o^

Use the hashtags #MagiqueFortress and, #YuTine or #ValenTine kapag natritripan niyo mag-tweet or mag-instagram. Salamat mga babes!

==========

Chapter Seventeen
A Talk To Remember

Just as when I'm waiting for Val to kill me, itinaas niya bigla ang aking dress, kinuha roon ang aking wand, at binigay sa akin. "Tine, now!!!"

Mabilis kong kinuha ang wand at ikinumpas ito kasabay ang pag-cast ng disarm spell kay Professor Norfenfal. "Aldromify!" Nang tumilapon ang hawak niya na wand ay sinundan ko agad ito ng attack spell. "Davrantus!"

"Mga hampaslupa!" hiyaw ng estranghero sa amin. Bumagsak si Sage mula sa ere. I was about to cast another attack spell when he attacked me first with his dark magic! Muntik na akong tamaan kung hindi ako nagpataw ng counterspell.

Bago pa siya makapagpataw muli ng spell ay agad ko siyang binawian. "Sillen!" I prevented him from talking, which also meant I stopped him from casting dark spells.

Nang makalag ni Val nang tuluyan ang aking chains ay tumakbo agad ako kay Sage at si Val naman ang lumaban kay Professor Norfenfal. Wala pa ring malay si Sage ngunit mabuti na lang, napigilan namin ang tuluyang pagkakahigop ng kaluluwa niya. Dahil walang scepter na dala si Val ay may ginawa siyang charm magic gamit ang stones para patalsikin ang mga outcast. Hindi ko naman inalis ang atensiyon sa estranghero at pinag-igting ko ang aking konsentrasyon sa pag-iisip.

'Masunog ka sana. First, second, or even third-degree burn. Fire, eat him! Burn him!'

Humalakhak siyang bigla hudyat na walang-bisa ang silence spell ko sa kaniya. Lalapit na sana siya sa amin, pero sinilaban ko na siya ng apoy sa kaniyang damit at kapa. Ha! Akala mo, ah? Tawa pa more!

Dali-dali ngunit maingat kong isinandal si Sage sa isang puno. Akmang susugod na ako sa estranghero, pero nagsimulang pumaligid sa akin ang mga alagad niyang dark outcast. Kung iisa-isahin ko silang sasabihan ng attack spell, baka abutin ako ng siyam-siyam.

Ano bang spell ang nababagay sa kanila?

Aha! That's right!

I summoned the Circle of Insignia and grouped a special spell to all the outcasts. Iyon ang nag-iisang level two spell na pinagtiyagaan kong i-advance study at kabisaduhin sa isang libro sa Fortress Library noon. Nawa'y magtagumpay! 

"Dart of fart, release to your target. Sorry's the sword, unleash the magic word. If said not, be it not. A lesson from the heart, the grant of whistle fart!"

Saglit lamang ay nagsiututan na silang lahat at na-distract sa pagpuntirya sa amin. Hindi pa ako nakontento at dinagdagan ang patama sa kanila, "Penvo!" That's a severe pain spell. I hoped it would work.

Proven enough, bumagsak sila at dumaing sa sakit. Ewan ko na lang kung hindi kayo sumuko habang umaaray at umuutot! Sinamantala ko ang sandaling iyon para protektahan ang ibang estudyante na tulad ni Sage na wala pa ring mga malay. I created a magic bubble to guard them against our ongoing fight. 

Pinatakbo ko ang mga estudyante kalapit ni Sage habang si Val ngayo'y pinupuruhan pa ang estranghero. Maging silang dalawa ay nadistract sa amoy sa paligid namin. Mukhang tagumpay na palpak ako. Ang sakit sa ilong!

Nakita kong dumating ang guardians kabilang na sina Kierre at Lindrenne. Nang mamataan sila ng estranghero ay tumakbo na ito at tumakas. Naging balakid naman sa paghabol ko sa kaniya ang unti-unting pagguho nitong glass chamber na nakapaligid kaya animo'y umuulan ng bubog. 

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon