Chapter 50 - I Want To Believe

25.4K 932 80
                                    

Thank you so much for waiting! :) 
XX PIXIEBLAIRE
==========
Chapter Fifty
I Want To Believe

"Lovenhope Pristine," iyon ang pangalang ibinigay namin ni Valentine sa aming baby nang siya ay maisilang.

Nang marinig ko ang unang iyak niya ay kinurot ang puso ko. Nang ibigay na siya sa amin ng doktor at nang buhatin siya ni Valentine ay doon na tumulo ang luha ko. He is so happy na hindi na rin nakatakas pa ang luha niya. He's crying in endless joy. I am crying in infinite happiness.

Lovenhope Pristine Sylvestre-Archangel Gemlack-Soverthell—the first two-blooded half-Wizard and half-Guardian.


"I have now my queen and my princess, I couldn't ask for more," Val kisses our baby's forehead and mine. My heart keeps on melting at the moment.

Ibinangon ko ang sarili at umupo si Val sa tabi ko. Pareho naming masayang tinitignan ang baby namin. Nang hawakan ni baby ang daliri namin ni Val ay namuo nanaman ang luha ko. She's just too cute and adorable. I cannot wait to see her grow up beautiful inside and out. I cannot wait to see her taking her first step, to feel her kiss my nose, to hear her calling me 'Mommy' and Val, 'Daddy'. I can't wait to hear her sweet giggle and simply watch her play toys. I love her so much and I swear that Val and I are the happiest right now. We have now our angel. And now I know, ganito pala ang pakiramdam ng isang magulang.

Patuloy ko pa rin siyang tinitignan at pinapanood ang kanyang pagtulog. We just can't take our eyes off to Lovenhope Pristine. Her features scream Valentine all over her. She have acquired Val's beautiful and expressive brown eyes. Pati na ang matangos na ilong Val. Ang mahabang pilikmata, maliit na labi, at hugis ng mukha naman ang nakuha niya sa akin. Ngunit ang pagkapula ng labi niya ay alam kong kay Valentine pa rin niya nakuha. She almost looks like a little female version of Val. Her cheeks look so fluffy. Hindi ko napigilan ang tuwa ko kaya hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi.

Ngunit ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid. Parang may mangyayari. Bumilis agad ang tibok ng puso ko at nanlamig ako.

Hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya lang ay tila unti-unting naglalaho ang daliri ni baby. Narinig namin ni Val ang pamilyar na demonyong halakhak. Nangilabot ako sa takot lalo pa't hindi lang mga daliri ang naglalaho sa aming anak.

Sa bilis ng pangyayari, tanging ang puting telang bumabalot na lang sa aming baby ang natirang hawak-hawak ni Val. Nayanig ako nang kasagaran. Sumigaw ako ng malakas, tinatawag ang demonyong si Death na alam kong sinaniban pa ni Dreyxin. Pinipigilan ako ni Val sa pagwawala pero nag-alab na ang galit ko.


Nagpupumiglas pa ako, "Death! Ibalik mo ang anak namin! Hayop ka!" Nagpatuloy lang ang halakhak na iyon na nakakabingi.

I am screaming at the extremities, "Deeeeeeeath!!!" Hindi pwede ito! Hindi niya pwedeng kunin ang anak namin! Magkamatayan na! Kakalimutan ko na ang sinabi ng aking amang si Diamond na masamang pumatay. I would really end the life of that demon! Sigaw ako nang sigaw, walang tigil, puno ng galit. Sumabog ang liwanag sa paligid ko.


Napabangon ako na hingal na hingal. Tagaktak ang pawis ko at dilat na dilat ang mga mata ko.

Isang bangungot.

Panaginip lang. Pero bakit iyon pa ang mapapanaginipan ko. Lalo lang akong nabahala dahil alam kong sa mundong ito, lahat ng bagay ay may dahilan. Lahat ay may katumbas na pangitain. Kahit pa ang isang panaginip.

Uminom agad ako ng tubig at hinaplos ang aking tiyan. Natakot akong baka nakasama kay baby ang bangungot ko. Wala na si ina dito sa aking kwarto. Marahil ay nagising siya nang maaga at lumabas para asikasuhin ang kanyang hukbo.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon