Chapter 18 - Wizard and Guardian

44.3K 1.5K 356
                                    

Happy mother's day sa mga mother niyo. Love love =)

May kpoppers ba dito? Anong fandoms niyo? Ako Boice, Army, Exo-L, Sone, Blackjack, tsaka medyo-medyo Primadonna, I Got7, Inspirit, V.I.P.

Wala lang, natanong lang. Hahaha!

==========

Chapter Eighteen
Wizard and Guardian

ISINAMA ni Queen Gwyneth si Val para sunduin si Sage. Lumabas na rin ako ng silid at nagmasid-masid. Ang gaganda ng bulaklak sa mga vase na display rito. Siguro ay galing ito sa garden sa likod ng Prime.

Kumuha ako ng isang bulaklak at inamoy 'yon. Halos mapatalon ako sa gulat nang magbukas ang isang dingding. Wow! Secret room? Nahiwagaan ako kung bakit may tagong silid dito kaya pumasok na ako.

Nabitiwan ko ang hawak kong bulaklak nang makita ang isang babaeng nakahiga sa isang glass cylinder sa loob ng isang kuwarto kung saan mahiwagang nagbukas ang dingding. Umuusok sa loob na tila ba siya ay pine- preserve. May maliliit ding lights na kumukuti-kutitap sa kabuoan ng kuwarto. Lumapit pa ako at nakita ko ang isang magandang mukha.

She looks so beautiful. . . .

"What are you doing?!"

Nagulantang ako sa malakas na tinig. Si Diamond!

"I-I'm sorry po. Inamoy ko lang po 'yong bulaklak at nagulat po ako nang bigla na lang nagbukas itong wall." Iniabot ko sa kaniya ang bulaklak. Kinuha naman niya ito.

Hindi siya sumagot, pero lumapit siya at tiningnan din ang babaeng ito. Ilang sandali pang walang nagsasalita sa amin kaya sinubukan kong kausapin siya.

"Ganito po ba ang higaan ninyo?" sabay lingon sa kaniya. Naramdaman ko bigla ang lungkot sa mga mata niya.

"No. This is specially made for her." Tumigil siya saglit saka nagyaya. "Halika, ihahatid na namin kayo." Iginiya na niya ako palabas ng silid.

"Sino po ba siya?" pangungulit ko pa habang ibinalik niya ang bulaklak sa vase at nagsara na ang dingding. 

"She's my Enikka."

My eyes widened in shock. "Bakit po siya nandoon?" 

Nakapamulsa siyang naglalakad, "She's sleeping." Pagkasabi niya noo'y napuna ko ang marahan niyang pagbuntong hininga. 

Sleeping? Nakakahinga ba siya sa glass cylinder na 'yon? Saka bakit siya na lang ang tulog sa kanilang Royalties?

"Cristine, avoid desiring to kill. I just remembered, after casting all the spells you want, hiniling mong mamatay na ang kaaway. You should not desire death for anyone. Hindi tamang hilingin na mamatay ang kahit sino, kahit gaano pa ito kasama," pag-iiba niya ng usapan.

"Pero 'di po ba't doon din naman po iyon patungo?"

"I understand your point, but you don't seem to fully understand what I mean. Wishing for someone's death is like acquiring evil. Mapupuno ang utak mo ng kaisipang kailangang patayin ang kaaway. Think of how you will defeat an enemy instead and not how you will kill them. But you know what? The most rightful thinking is actually about how you will protect yourself and your loved ones and not how you'll deal with your enemies. Tandaan mo lang lagi 'yon. I may not be a guardian who knows well when it comes to critical thinking, but I'm sharing with you the reason for my aces."

Awed and stunned, hindi ako nakapagsalita. Instead, parang nagkusa ang katawan kong yakapin siya. I didn't know if this was just for being grateful for receiving kind words from a supreme majesty or this was an emotion of relief that at some point, I felt that someone sincerely wanted me to get protected and spared from danger.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon