Chapter 60 - Katapusan

41.3K 1.2K 586
                                    

This is the last chapter. Wait for the epilogue (Valentine's POV).

Tip: Listen to the song I attached when you have to (maybe you'll need it). Or you can listen first before reading this.

MF citizens, time to explode vo-mments. No thank you's and goodbye's yet, okay? Don't make me cry, it's hard to move on. :'(

Love,
tine x tine x tine
==========
Chapter Sixty
Katapusan

Nakasalampak ako sa buhangin at tulala pagkabalik ko galing Galax Lumino.

Ang hirap pagkasyahin ng mga impormasyon sa iisang utak ngunit mas mahirap pagsiksikin ang sobra-sobrang emosyon sa iisang puso. Ubos na ang enerhiya ko pag-iyak kaya nanatili lang akong tulala hawak-hawak ang wand ko at ang sumbrero.

Kailanman ay hindi ko matatanggap ang katotohanan. Pero sino bang nagsabing kailangan ko itong tanggapin? Ipinaranas sa akin ngayon ng buhay na hindi lahat ng katotohanan ay dapat tanggapin... pero kailangang sundin at gawin.

Dahil hinding-hindi ko talaga matatanggap iyon. Ang tanging magagawa ko na lang ay magtiis na sundin ito kahit labag sa loob ko.

May sumulpot bigla sa ibabaw ng batong katabi ko. Kuminang ito. Gumapang ako nang kaunti at pinulot doon ang isang hour-glass necklace. Pinasadahan ko ng haplos ang maliliit na nakaukit na ancient words. Running out of time, iyon ang ibig sabihin. Kay Death marahil ito galing.

Malapit nang maubos ang buhangin sa itaas na bahagi. Nalalabi na ang mga oras bago ang digmaan.

Time was never gold to me. Time fades so I don't treat it precious. Bakit mo pahahalagahan ang isang bagay na siguradong lilipas? Iyan ang paulit-ulit kong tinatanong dati sa sarili ko.

Then I realized, it's not the time that's precious to us, it's actually the moments we shared with the ones we dearly love. The moments and the memories are the real treasures. Time is just an avenue for us to collect those precious gold and diamonds.

Ayos na. Wala na akong magagawa kundi sundin ang nararapat mangyari.

Pinagsikapan kong tumayo at ituwid ang mga tuhod kong nanlambot na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinagsikapan kong tumayo at ituwid ang mga tuhod kong nanlambot na. Nilingon ko ang abandunadong establishimyento at natanaw ko doon si Yuan. He's the first person I want to bid one last hi and goodbye.

Nang mamataan niya ako ay nagbago ang mga mata niya mula matalim na naging maamo. Sa veranda ng unang palapag ay tinabihan ko siya.

"Hi," bati ko sa kanya gaya ng dapat kong sasabihin.

Nakatitig lang siya sa harap, malalim rin ang iniisip.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" Pangungulit ko sa kanya.

"Honeybar mo ako, matitiis mo ba talaga ako ha?" Siniko ko pa siya. I genuinely smiled. This is what I want to do right now—fill in our fading time with happy memories.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon