Chapter Fifteen
Tamed EyesSA PAGLIPAS ng panahon ay mas nakilala pa namin ang ilan naming mga kaklase at mga professor. Itinuon din namin ang focus namin pare-pareho sa pag-aaral sa loob ng halos apat na buwan. Nawalan na kami ng time na mamasyal pa. Paspasan kami sa pagre-review dahil exam na namin next week.
"Anong creatures sa Wingsen ang may apat na pakpak kaya paikot kung lumipad? Tila may blade ang feathers nito, maliliit, at nakasusulasok ang mga huni?" tanong ni Sage kay Ellie.
'Torcouns,' bulong ko sa sarili. "Torcolls!"
"Mali. Torcouns, Ellie!"
"Katunog naman, eh! Haaay . . . dito pa lang ay nangangamote na 'ko, pa'no pa kaya roon sa mas out of the universe na spells?" pagmamaktol ni Ellie. "Torcouns, drakkises, and pixies are under Wingsen Tower. Ano pa ba?"
"Sprites pa, Ellie. 'Tapos sa Brown Hole, 'wag mo kalimutan ang myth midgets at dwarfs," sambit ni Sage.
"Ang dami naman kasing creatures noon sa Fortress. Ano na nga 'yong sa Crimson Underground? Dragonsparks, flame trolls, at fire hogs lang ba? Saka bakit sa Crimson ang dragons, eh lumilipad sila? Dapat sa Wingsen sila." Lalo pang bumusangot ang mukha niya na ikinatawa ko.
Sana all cute pa rin kahit nakabusangot na ang mukha.
"Eh, kasi nagbubuga sila ng apoy," sagot ni Sage.
"Buti pa si Tine, spells na ang inaaral," baling sa akin ni Ellie.
Pinakikinggan ko lang mag-review ang dalawa habang kasalukuyan naman akong nagka-cram sa pagkabisado sa counterspells. Kaunting tiis pa. Every Saturday ay nag-e-ensayo kami sa Flyology at Elemental Basics para sa practical tests. Tuwing Sunday naman ay nasa dorm lang kami at nagre-review para sa written exams. Define tulog!
• ˚ •˛•˚ * 。 • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •
KINABUKASAN, dapat ay ire-review na lang kami ni Professor Norfenfal sa history class, pero mukhang nagpahabol pa siya ng lesson tungkol kay Dreyxin Black Vlontir, the late Gemlack prince. Binuklat ko ang pahinang sinabi ni Sir.
"He's the monster," bulong ni Yuan. "Siya ang puno't dulo ng kasamaan."
Truth be told, Dreyxin was the primary opponent and enemy of Diamond. Professor ended the lesson with a statement I highly disagree.
"Si Dreyxin ay sobrang makapangyarihan. Mas makapangyarihan pa siya kay Diamond. Dahil kung tutuosin, hindi naman matatalo ni Diamond si Dreyxin kung hindi siya tinulungan ni Enikka at ng Soverthells. Dreyxin is a Lord."
Parang bawat salita niya ay may diin. Parang gusto ko nang magprotesta sa pinagsasasabi ni Sir, pero pinigilan lang ako nina Val at Sage na sumenyas sa akin. Marahil ay napansin din nila ang naging reaksiyon ko.
Habang nagliligpit kami ng gamit ay hindi ko talaga inalisan ng tingin si Sir. Para kasing may kakaiba. Kaso ay kausap niya ang kaklase naming si Hienna.
Kumunot ang noo ko nang tila nagbago ang kulay ng isang mata niya. I gave it another glance, but I saw it's normal now. Namalikmata nga lang siguro ako. Pero lalo lang nadagdagan ang pagtataka ko. Bumalik sa upuan si Hienna na parang lutang. Nasa isang direksiyon lang ang tingin at parang wala sa sarili.
Is it just me or there's really something wrong?
• ˚ •˛•˚ * 。 • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •
BUONG weekend ay wala kaming inatupag kung hindi ang mag-review. Iwinaglit ko sa isip ko 'yong kaganapan noong Huwebes, pero naalala ko na naman 'yon nang pagpasok ng Lunes.
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasiPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...