[May 2022 note] Some of the original Wattpad version of chapters would be reconstructed or replaced by the edited chapters na po to provide you a more convenient reading experience. Para lang po sa mga kakayanin ko na i-edit or i-adjust dito since the original story here has 60 chapters plus Prologue & Epilogue while I compressed the book version to 50 chapters only.
The book version was also released last March 2022 and is still available on PSICOM's official online shop platforms. To my old readers, I know it took a lot of courage to finish this story with a roller-coaster ride of emotions so thank you so much po talaga to those who really appreciated Magique Fortress. To the new ones who just came across trying to read this one, I hope you'll find to love the story and the life lessons too. Enjoy!
love,
pixieblaire───────✦───────
Chapter One
Lost SoulWHAT in the world is happening to me?
Nakatitig ako sa mga palad kong kanina lang ay biglang umusok nang pagkiskisin ko ang mga ito dulot ng lamig na gawa ng mga kaklase kong walang-habag at mala-kalabaw ang balat para itodo ang air-con. Luminga-linga ako sa paligid. Dahil late ngayon ang aming istriktong college professor ay busy ang lahat sa sari-sarili nilang mundo.
Wala namang nag-iihaw o nagsisiga rito sa room para magkausok, ah? Teka! Eh, bakit naman magkakaroon ng mag-iihaw rito sa classroom? Alam kong para akong baliw para kausapin ang sarili ko at sino ang lolokohin ko, eh kitang-kita ko kung ano ang pinanggalingan ng usok na 'to.
Haaay! Nananaginip pa nga yata ako nang gising. Epekto lang siguro 'to ng sobrang lamig na tubig sa banyo kanina. 'Buti na nga lang at nakararaos ako sa matinding pagsubok ng pagligo araw-araw. Thanks to the hot water, 'the cold never bothered me anyway.' Charot!
Sa matinding pangamba ay ikinuyom at itinago ko na lang ang aking mga kamao sa bulsa ng aking jacket. Pilit kong inalis sa isip ko ang nangyaring kababalaghan. 'Buti na lang at dumating na ang aming propesor at ipinapasa na ang mga assignment sa harapan.
Kinuha ko ang papel na naglalaman ng aking assignment mula sa aking bag. Nang akmang ipapasa ko na ay biglang namilog ang mga mata ko nang makita kong unti-unti nasusunog ang gilid nito. Nabitiwan ko ito bigla saka agad na inapakan para maagapan ang pagkasunog. Ginapangan ako ng agarang kaba nang magbalik ako sa tamang pag-iisip.
Ano'ng mayroon sa kamay ko?
Kinalabit ko ang aking katabi para makasiguro. Lumingon naman siya sa akin at nag-angat ng kilay.
"Teka, hindi ka napaso?" tanong ko.
Bumagtas sa mukha niya ang pagtataka. "Bakit naman ako mapapaso? Okay ka lang?" balik na tanong niya.
Pinagmasdan kong muli ang aking mga palad. Inilapat ko pa 'yon sa sarili kong balat para lang makumpirmang nasa normal na uli ako. Napailing na lang ako sa sarili saka muling pinulot ang papel at inihabol na maipasa.
Lumipas ang ilan pang minuto, pero kahit anong subok kong ituon ang atensiyon sa discussion ay hindi ko magawa. Naninindig ang balahibo ko. This was the first time I had this uncanny encounter that's why I was very sure that this was more than just a daydream.
Nang sumapit ang dismissal ay nagmadali akong umuwi. Medyo may sunog din ang bulsa ng jacket ko nang tingnan ko ito kanina. Para itong nasunog ng plantsa. Kinilabutan ako sa nangyayari sa akin. Natigilan lang ako sa pagmamadali nang may nakita akong pangit na lasing na minamanyak ang isang magandang babae sa isang kanto sa 'di-kalayuan.
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasyPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...