Chapter 53 - Wings of Fear

25.8K 901 116
                                        

Sorry baby Pixies & Sprites, natagalan! :(
xx pixiebad
==========
Chapter Fifty Three
Wings of Fear

Pinaalis ko muna ang lahat ng lumalagi sa Fortress High. Gusto kong ako lang ang matitira sa loob ng school premises para walang distraction at walang ibang mahikang maaaring sumalungat sa aking mga gagawin. Dito sa Gemthell Tower, I summoned the Circle of Insignia and created a new ritual enchantment, creating a stronger magic on my behalf.

Imbis na siguruhin ang proteksyon ng paligid ay sunod akong nagtungo ako sa Daffedille Lake

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Imbis na siguruhin ang proteksyon ng paligid ay sunod akong nagtungo ako sa Daffedille Lake. Without hesitations and second thoughts, I dive into the water. Sinisid ko para makarating sa ugat ng puno. Para makumpleto ang ritwal na ginagawa ko ay kailangan kong harapin ang kahinaan ko - ang tubig.

Ikinulong ko ang sarili ko sa mga ugat ng puno sa ilalim ng tubig, creating a water chamber na nagpahamak sa akin dati. Maliwanag ang mga ugat, katulad ng kabuuan ng puno. Isa talagang hiwaga na nagliliwanag pa rin ang punong ito. Lahat ng yamang lupa at tubig ay pinatay ni Death, ngunit ito ay hindi niya nagawang tanggalan ng kapangyarihan.

At dito sa punong ito ako kukuha ng lakas. Sa punong pinaglalagian ng kapangyarihan ni Blaite. Kailangan kong magkaroon ng immunity laban sa Dark Sorcery. Dapat ay hindi ako maaapektuhan at tatablan ng itim na salamangka ng Death na 'yon. Dapat ay hindi niya ako kayang ikontrol at manipulahin kagaya ng dati. Dapat ay hinding hindi na niya ako kayang baguhin sa kasamaan.

This involves risk but I'll wholly take it. I know that Blaite will never fail me.

That has been my ritual for three days. Ang magpalakas ng kapangyarihan sa ilalim ng tubig na aking kahinaan. Maybe that's really the secret to be stronger - to fearlessly embrace your weakness.

Next few days rolled in and I am able to regain my power. Easier than I thought. I don't feel powerless anymore. Mas nanuot sa aking sistema ang pagdaloy ng lakas at kapangyarihan.

I feel ceaseless. Ito iyong pakiramdam na dapat noon pa lang ay pinairal ko na sa isip, puso, at katawan ko.

The faith, the truth, and the claim that you are a powerful being destined to the beautiful curse of sacrificing yourself to suffice and save your world.

Nitong araw ay napasyahan ko namang pumunta sa apat na Elemental Dome para hingin ang basbas at gabay ng Elemental Heads. Inuna ko na ang Gwendro at hinanap si Gwen. Agad niya akong binigyan ng kanyang basbas para sa paparating na digmaan. Ganoon rin ang ginawa ni Cyrus nang bisitahin ko siya sa Cyruseath na naabutan ko pang sinasanay ang mga Soverthells kasama ang aking ina.


Pinuntahan kong sunod ang Pennelopair gamit ang broomstick. "Pennelope..." Pagtawag ko sa kanya.

"Hihingi ka rin ng basbas, Prinsesa?" Ngumiti ito sa akin at doon ko napansin ang hangin sa kanyang likuran. Napanood niya pala ang pagbisita ko kina Gwen at Cyrus.

Tumango ako, "Pero bago iyon ay may sasabihin ako."


While I was regaining my power as a wizard in the past few days, kaakibat no'n ang pagpapalakas ko rin ng aking elemental powers - at iyon ay ang apoy at hangin. I tried focusing on my fire power only but the more I fuel fire, the more I gain power on wind as well. At ang pinakanagpagulat sa akin sa huli ay nang may lumabas na wings sa aking likuran. Hindi ito parang ibon na nakabaon talaga sa likod ko, mistulan lamang nakalutang ang transparent wings sa aking likuran. I tried to fly, and I did, effortlessly.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon