Oh ito. Ang mahiwagang update. Enjoy babes!
==========
Chapter Thirteen
First and SecondDiamond and The Lost Heart. Iyan ang chapter title na dini-discuss ngayon ni Professor Norfenfal.
His whole existence was really an extraordinaire. He was entitled as a product of a wrong doing. He was the son of the late Soverthell Prince Homer and Gemlack Princess Emily.
Isang malaking kasalanan sa Magique Fortress noon na magkarelasyon at mag-ibigan ang magkaibang uri. Diamond was a legend. He was the first wizard who's half Soverthell and half Gemlack.
Bago pa malaman ng mga nakatataas ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ay naitakas na ni Kierre si Diamond patungong Mortal World.
Ang lahat ng isinisilang na sanggol doon ay kailangang dalhin sa Power Sphere para malaman ang fate of power. Iyon ang karagdagang power na ibinibigay sa lahat ng wizards at guardians. Bago dalhin ni Kierre si Diamond sa mundo ng mga tao ay ipinunta niya muna ito sa Power Sphere. At sa lahat ng mga nakalutang na ilaw doon, ang napunta sa sanggol na Mond ay ang grant of immortality. Ibig sabihin, iyon ang nakatakda sa kanya.
But what makes the situation more complicated, nauna nang magtakda ng sumpa ang mga opisyal ng Fortress noon kung magkataong nagbunga ang pagmamahalan ng mga taksil kaya hindi alam ni Diamond kung pure ba ang nakuha niyang grant of immortality.
A curse, that forbids Diamond to love. Dahil tinanggalan siya ng puso. And that's the start of his search for his lost heart. Hindi niya alam noon kung nasaan ito, hanggang sa makilala niya si Enikka, the owner of his heart.
After the war and 150th birthday of Diamond, he changed the rules. On top of that, there will be no more rules against love. Ayon nga rin sa sinabi niya, bakit pipigilan ang dalawang nagmamahalan lalo na kung wala namang rason para ang pag-iibigang 'yon ay tuldukan? I really praise Diamond for his principles and love for his dimension.
Sayang nga lang at nasira nanaman ang lahat. Sa nangyari, tila nagsimula nanaman siyang muli sa pag-ayos sa Fortress.
Pagsapit ng aming Flyology class ay nag-ensayo lang ulit kaming lumutang sa ere gamit ang broom. Nang mahagip ng tingin ko si Valentine ay nakatingin ito sa akin at biglang ngumiti. I smiled a bit back. Ganon lang ang nangyari. I guess we're still adjusting on the situation.
After dismissal sa last class ay dumiretso kami nina Sage sa dorm. Time out muna kami sa pamamasyal dahil ayaw muna naming gumastos.
Habang nandito ako sa CR ay naririnig ko sa kwarto ang pagpapractice ni Ellie ng spells na itinuro ni Professor Philia kanina. Dalawang maiikling spells lang ito ng pagpapailaw ng wand at pagpapalutang ng mga bagay. Iyong pagpapailaw nga ng wand ay nauna na naming natutunan kay Wizard Wanda.
May narinig akong kausap nina Ellie at Sage. May bisita kaya kami?
Pagkalabas ko ng CR ay wala namang iba maliban sa kanilang dalawa.
"Sinong kumatok?"
"Si Valentine. Manliligaw daw sana."
Hinampas ko si Ellie sa braso habang nagtawa naman si Sage.
"Joke lang! Ang highblood! Binigay niya lang 'tong jacket mo. Naiwan mo raw sa Flyology class niyo kanina." inabot niya sa'kin ang gray na jacket.
"Jacket... Jacket ko." sabi kong patango-tango. Eh sa kanya kaya ito. Kailan pa ito naging akin?
Iniwan ko nga itong jacket sa bag niya kanina kasi ibinabalik ko na, tapos ngayon ibinalik niya ulit sa'kin. So akin na nga siguro ito.
Salamat Val, I mentally said.
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasíaPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...