12/23/15 Merry Christmas everyone! I've been very busy, sorry for waiting.
Magbigayan na tayo ng hugs and kisses hahaha!Votelalu and commentsalism! Give me your nice/violent comments for this. :)
xx pixieblaire
==========
Chapter Forty Eight
The Flower Bloomed"Huwag kang mag-alala, anak. Hangga't nariyan ang Dragon of Peace, hindi tayo malalapitan ni Death. Hindi rin nila makikita ang ginagawa nating paghahanda ng hukbo para sa pagtutuos," determinadong deklara ng aking ina habang ipinamimigay ang mga armas sa mga Soverthells.
"Pero Ina, kami lang ni Death ang magtutuos."
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, "I trust you my baby. Alam kong kaya mong talunin si Death. Pero marami sila, hindi ba? Nasa kanila ang Gemlacks? Kung gayon, nasa panig naman natin ang Soverthells. Ayoko mang gawin ito dahil alam kong maraming buhay ang nakataya, pero anak, even the Dragon of Peace screams war."
Napapikit ako nang mariin. Hindi ko na maorganisa ang iba't ibang klase ng takot na bumabagabag sa akin. Takot para sa aking mga magulang, takot para kay Valentine, takot para sa mga kaibigan ko, takot para sa aming nasasakupan, takot para sa kahihinatnan ng Magique Fortress, at takot na rin para sa sarili.
Three months from now, magaganap ang ikalawang digmaan.
Tumungo ako sa Fortress High dahil gusto kong halughugin ang library. Ang hindi normal na tibok ng puso ko ang nagtulak sa akin para bisitahin iyon.
Nababalutan ng alikabok at napaliligiran ng spider webs ang magarbong pintuan ng library namin. Isang buwan pa lang naman ang nakakalipas nang sakupin kami ng kadiliman pero ngayon ay parang hindi na ito nabisita ng ilang taon. Ganoon katindi ang epekto ng lagim na hinasik ng Death na 'yon. Lahat ngayon sa Magique Fortress University ay nasasakop ng karimlan.
Ginalugad ko ang buong silid at napanatag akong ako lang ang tanging nandito. Mas gusto ko kasing mapag-isa lalo na't may gusto akong alamin.
"Levitaphi Fladyium Ora!" I swished my wand and in just a moment, the haul of books hovered around me.
I summoned the Insignia right after that. Lumiwanag ang aking kinatatayuan kasabay ng aking pagpikit. I mentally chant my heart's desire, at iyon ay ang makadaupang palad si Blaite. Hindi na ako makapaghihintay pa ng calling mula sa kanya. Ako na mismo ang mananawagan kay Blaite. I need this. We need this all.
"I summon I summon, dear light of sun and moon. Hear my calling, I'm now more than willing. Our world is weak, Blaite, you and only you I seek."
Umikot nang mabilis ang mga libro dahilan para humangin nang malakas. Hinarangan ko ang aking mukha dahil may mga kumakawalang pahina sa mga libro. Nasisilaw pa ako sa liwanag na taglay ng bawat isa. Ano bang nangyayari?! "Swou!" I casted a spell that slows anything fast. Bumagal ang pag-ikot ng mga libro.
Naghintay ako. I patiently waited for something to happen. May isang librong tila tumagos mula sa mga librong umiikot at unti-unti itong lumapit sa akin, katapat ng aking mukha. Nagdalawang-isip ako kung kukunin ko ba ito hanggang sa makita ko ang mga nabuong salita sa itaas, "Say the magic word."
What could possibly be the magic word?
"Blaite." I said. Iyon lang naman ang tanging sadya ko rito. Ang pagbabakasaling makausap ko man lang si Blaite o sa kahit ano pa mang paraan; kahit isulat niya sa libro ang gustong iparating sa akin, payag na payag ako.
Nakaramdam ako ng banyagang hiwaga at aura. Parang nandito siya. Parang kasama ko si Blaite. The books are still slowly surrounding me, making me feel secured in this period of time.
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasíaPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...