Vo-mment! :)
xx pixieblabla
==========
Chapter Fifty Seven
Our Beloved"Kailangan kong bumalik sa Magique Fortress. I have to talk to Yuan." Pabalik-balik ako paglalakad sa aking silid kasama si Ellie.
Siya lang ang mapagsasabihan ko ng mga problema ko ngayon, iyong mga sinabi ni Death, pati na ang lahat ng posibleng katotohanan sa pagkatao ko.
"Last time, sinabi sa'yo ni Yuan na kapag nilapitan mo siyang ulit, hinding hindi ka na makakawala. He'll make you his slave! Though I really doubt that because he is Yuan and I know he can't do it to you, but Tine... Things have changed now! Simula noong sumugod ka sa kanila at pinagtangkaan mo ang buhay ng pinuno nila, hindi na natin alam ang kondisyon nilang tatlo. Paano kung gaano man tayo manalig na may liwanag pa rin sa mga puso nila, e sadyang pinundi na iyon ni Death ngayon? Na walang-wala na tayong aasahan sa kanila? Tine, consider this!"
Pumikit ako nang mariin. "I need to get that Witted Chapeau from Yuan!"
"Alam mo ang gamit non 'di ba?"
"Oo! I need to know the truth! Gulong-gulo na ako, Ellie! Hindi pwede 'to! All the 'what ifs' are flooding my mind!"
Humalukipkip si Ellie. She froze my feet to the floor. Damang-dama ko ang lamig. "Ellie!" Sigaw ko.
"Umupo ka nga at kumalma. Would you?" Tinunaw na niya ang yelo at umupo ako sa tabi niya.
"I'm trying to calm down! But how the hell am I gonna do that if I'm being bugged by my identity? Paano ako kakalma kung may posibilidad na isa rin pala akong masamang nilalang katulad nila?"
May kinuha siyang libro at binuklat iyon. One of our history books.
"Ang Witted Chapeau ni Blaite ang pinakamatalinong sumbrero sa Magique Fortress."
Tinuro ko ang litrato ng sumbrero sa libro. "That's the point, Ellie. Kailangan kong makuha iyan. Kailangan kong malaman ang lahat!"
Sinarado niya ang libro at hinawakan ako sa balikat. "Kapag sinuot ito ay masasagot nito ang gustong malaman ng nilalang na may suot nito ang anumang tungkol sa kanya. Tungkol sa'yo."
"Kaya nga! Let's make a plan now how to get it from Yuan. Let's try your luck too, Ellie! Alam kong malapit ka rin sa puso niya. Maybe he can listen to you this time." Yes! I'm this desperate to know the truth.
Umiling-iling siya. "Nakikinig ka ba sa'kin, Tine? Masasagot lang ng sumbrerong iyon ang mga pangyayaring naganap sa Magique Fortress. Eh hindi ba, labas na sa dimension natin ang nangyaring reincarnation of lost souls?"
Bumagsak ang balikat ko. "Holy burn!"
"It may be the wisest, but in this situation, it's useless."
Humiga ako sa kama at pumikit. Paano na ito ngayon? Dumilat ako at napabangon. "Ellie! What if I travel back in time?"
Tumitig lang siya sa akin na hindi ko matimbang kung sang-ayon ba siya o tutol sa naisip ko. "Tine, do you really consider that bad kind of what if? That you may be evil?"
I sighed. "That bad kind of what if... could be the truth to my identity. How can I not consider?"
"Naniniwala ka bang mabuti kang nilalang?"
Tumango ako, "Yes!"
"Then you don't have to worry or think about it. Magugulo lang ang isip mo. Ikaw lang naman ang magpapatunay sa sarili mo kung mabuti ka ba talaga o masama. Iyon ang totoo."
I know that Ellie's just trying to make me feel better but I don't need comforting words right now. Alam ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat para sa mga taong mahal ko at para sa aking mundo pero hindi sapat iyon para mapanatag ako.
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasyPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...