Chapter Fifty Six
Identity Impossibility"Crystal anak..." Yakap agad ang sumalubong sa akin mula kay Diamond pagkarating namin sa Prime Kingdom ng MFU.
Kung kanina'y napupuno ng galit ang sistema ko ay parang unti-unti na itong natunaw gawa ng kanyang yakap at boses. Parang bumalik iyong lungkot na naramdaman ko kanina lang sa pangungulila kay Roar. I won't lose hope that he can be healed.
Kumawala ako sa yakap at agad pinuna ang kanyang mga galos na paniguradong gawa ng demonyong iyon. "You're hurt..."
Hindi na nakatiis pa ang luha ko. I'm being emotional again. Matagal ring panahon na nawalay siya sa amin ni ina kaya marami rin siyang mga bagay na hindi pa alam.
"Kaya kong indahin ang lahat. Anong ginawa sa'yo ng Death na iyon para humantong ka sa ganito? Sumugod kang nagpasindak sa buong dimension. You've gotten stronger, my daughter. What did you do?" Pansin na pansin ko ang sobrang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Mon-Mon? Mahal ko?" Isang boses ang umalingawngaw sa bukana ng kaharian. Lumingon kaming lahat kay ina kasama si Ellie. Nagbasa ang kanyang mga mata.
Bakas ang gulat sa itsura ni ama. "Enikka?"
Tumakbo na si ina kay ama at mahigpit itong niyakap. Nag-iyakan silang pareho kaya pati sina Kierre ay hindi na napigilang maiyak sa eksena.
Ang paggising ni ina, ang duwelo namin ni Death, at ang anak ko sa aking sinapupunan. Hindi ko tuloy alam kung paano makakayanang tanggapin ni ama ang lahat ng ito. Ngunit kailangan niyang malaman ang lahat.
Ginamot namin ang Royalties dahil tila napaliliguan sila ng mga sugat. Sina Queen Gwyneth at Queen Shayne ay pansin kong namayat at naging matamlay. Sina King Darius at King Ralf naman ay humaba ang buhok at ramdam ko rin ang panghihina nila kahit sa tingin lang.
Kierre and Lindrenne looks the same, only lacking the confidence and the look of strength. And the very obvious thing I've noticed from all of them is their same expression of loneliness. Same as me, they have been through worse.
"Salamat Crystal, nagawa mo kaming bawiin sa kanila."
"Matagal ko nang gustong gawin iyon, King Ralf."
Nagtipon kami sa isang silid sa Prime Kingdom. Hindi pa rin matanggal ang tinginan nina ina at ama. Miss na miss nila ang isa't isa. Napangiti ako sa nasasaksihan. Wala ng mas sasaya pa na makita mong magkasama ang mga magulang mo. Ligtas at buhay.
"Ama, Royalties, palagay ko'y hindi na kayo magugulat pa sa sasabihin ko. Few days from now, magaganap ang ikalawang digmaan."
Napukaw ko ang atensyon nila pero nabalot kami ng katahimikan. Para bang pati sila ay kinokonsidera na ang takot sa mangyayari. That's the truth anyway. Fear will always be the shadow of war.
"At kailangan nating paghandaan iyon. I will kill Death for sure." Matapang na pahayag ni King Darius ngunit ramdam kong babasagin ang kanyang mga salita. May kakabit na pangamba.
"Death and I have a deal."
"No!" Sigaw agad ni ama. "No you won't, Crystal!" Mukhang nabasa niyang agad ang sasabihin ko pa lang.
Pero nagpatuloy ako. "Sa muling pagsasama ng araw at buwan, magkakaroon kami ng duwelo ni Death. Kapag siya ang nanalo, mapapasakanya nang tuluyan ang lahat at maghahari na talaga ang kasamaan. Pero kapag ako ang mananalo, hindi niya papatayin o ni sasaktan ang ni isa sa atin. Sa ating muli ang Magique Fortress."
"Kalokohan iyan!" Tumayo si King Darius. "Alam nating lahat kung saan gawa ang kaluluwa ng Death na iyon! Sa kasamaan! Isa siyang demonyo! Walang awa! Masama ang kanyang budhi!"
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasyPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...