Chapter 5 - Weakness

65.9K 2.2K 303
                                        

Chapter Five
Weakness

THE night was still young as we took our time talking about our new life in this dimension. We wanted to know more—more about ourselves and about our world.

Si Ellie, water ang bonus element niya. She can freeze things using her mind, and perhaps if properly trained, she could freeze anyone, too. Nakapagpapalabas rin siya ng tubig sa kaniyang mga kamay. She's the opposite of me. Hydrokinetic siya while I am pyrokinetic.

Si Sage, wind naman ang bonus element. She can produce wind by just blowing and by flicking her fingers. Napalulutang niya rin ang mga bagay tulad ko, pero gaya sa iba, hindi ko iyon sinabi sa kanila dahil ayaw ko silang magtaka kung bakit dalawa ang elements ko.

Sage as a guardian has other abilities, too. Napag-alaman kong she has a great sight. Na-realize kong mainam nga naman iyon for protection lalo na't ang guardians nga ay for defense. Lubos na makatutulong 'yon sa kanila—the power of senses.

Kinabukasan ay pumunta kami sa Prime Kingdom para sana kumuha ng rule book, pero ang sabi roon ay sa Fortess Library daw kami pumunta. Nang makarating ay napansin kong halos pareho lang ito ng ibang libraries na kinalakihan ko. Nag-request agad kami sa librarian ng kopya ng rule book at naghanap din ng ibang aklat. Nang makakita ng magandang puwesto ay tahimik na kaming nagbasa. Sa sobrang pagka-hook namin sa mga kuwento at minsang pagtatawanan 'pag nasisita kami ng librarian ay hindi namin namalayan ang oras.

"Nakakabagot dito! Ayoko na. Ituturo rin naman kasi nila 'to, eh," sabi ni Ellie matapos humikab.

"Pero in fairness, bukod sa mga bawal at consequences, eh ang dami na nating nalaman ngayon lalo na sa Royalties," sabi ni Sage.

Nakikinig lang ako sa kanila habang binabasa pa ang huling pahina tungkol kay Diamond Gemlack-Soverthell—ang Supreme Majesty. Na-in love pala siya sa isang mortal na nagngangalang Enikka Dara Tagle, ang babaeng pinaglagyan ng nawala niyang puso.

"Ang ganda ng love story nila," sabi ni Ellie pagkasara ng libro. "Ang romantic, 'di ba? Iisa sila ng puso. Meant to be! Ang literal na puso ni Diamond ay na kay Enikka. Nakakamangha!"

"Ang ipinagtataka ko lang, kung iisa sila ng puso, ibig bang sabihin ay sabay silang mamamatay?"

"May grant of immortality si Diamond kaya posibleng double grant iyon pati kay Enikka. Pero may nabasa ako kanina na puwedeng i-void ni Diamond ang kaniyang immortality kapag gusto na niya. Enikka is also human, so mas limited ang span ng buhay niya. Maybe she can transfer Diamond's heart if the situation calls for it," pag-explain ni Sage na ikinamangha ko.

"Grabe, gusto ko nang makita ang Royalties. Akyatin natin ang Prime Kingdom, dali! Umeskapo tayo!"

"Lokaret! Mga suggestion mo talaga, Ellie. Gusto mo lang makita kung sino'ng pinakaguwapo, eh. Kung si Kierre ba, si Ralf, si Darius, o si Diamond . . ."

Natawa kaming tatlo kaya nasaway na naman kami ng librarian sa pangatlong pagkakataon. Umalis na kami roon dala-dala ang kani-kaniya naming rule book. Bukas naman ay pupunta kami sa Constellation Circle, ang nagsisilbing pamilihang bayan dito. 

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •


SA sumunod pang mga araw ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang mamasyal. Pero sa totoo lang ay maraming lugar pa rin kaming hindi napupuntahan. Ilan pa roon ang Diagon Village, ang White and Black Cryst Castles na tahanan ng Cryst levels, ang Ement Castle na para naman sa Cryst Elemental Beings, at ang Fortress High o main school na magbubukas lamang kapag pasukan na.

"Tara na, dali!" Excited na tumakbo si Ellie para makita ang Element Square. Pakuwadrado ang ayos ng apat na elemental fields na nagsisilbing bawat sulok at boundary ng main school na Fortress High.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon