Chapter 12 - Stranger

51.2K 1.6K 447
                                    

Chapter Twelve
Stranger

INILIBOT ko ang tingin sa paligid at napansing narito na ako sa medical wing ng Fortress High. Nakita ko sina Yuan at Ellie na biglang tumayo at lumapit sa akin.

"Honeybar! Finally, you're awake!" Bakas ang malaking ngiti ni Yuan sa mukha niya. Sumunod sa kaniya si Dan na tahimik lang na nakamasid sa amin.

"Nagising kami ilang oras lang ang nakalipas. Pagdilat namin ni Sage ay wala nang kalaban. Nailigtas tayo." Tumabi si Ellie sa akin at niyakap ako. Gayundin ang ginawa ni Sage saka umupo sa bandang paanan ko. Lumabas muna ang guardian nurse na nakabantay sa amin.

Pilit kong inalala ang lahat at para naman itong nag-flashback sa aking isip.

Pagkatapos matalo ng dark outcasts ay natumba ako't umikot ang aking paningin hanggang sa naramdaman kong may umakay sa aking lalaki dahilan para hindi ako tuluyang bumagsak. Hindi siya malinaw sa paningin ko. Basta nakasuot ito ng itim na kapa at hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang mukha. Dahan-dahan niya akong inalalayan para maupo.

"Sino ka?" tanong ko.

"Ako si V. Hindi ako kalaban. Ligtas ka na." Nawalan na ako ng malay pagkatapos niyang sabihin iyon.

Nang mabalik ako sa realidad ay bumaling ako kay Yuan. "Iniligtas kami ni V. Siya ba ang nagdala sa 'min dito?"

"Sinong V? Si Queen Gwyneth ang nagdala sa atin dito sa clinic. Na- monitor niya ang nangyari mula sa Prime Kingdom kaya sumunod siya agad at naabutan na lang niya tayong nakalupasay na't walang-malay," kuwento ni Sage. Kung gano'n, ang queen ng Black Realm na si Queen Gwyneth ang sumagip sa amin. Lalo tuloy akong naguluhan.

"Pero may tumulong sa atin. V ang pangalan niya at hindi raw siya kalaban," pagpipilit ko sa kanila.

"V? Baka naman si Val?" sabi ni Ellie.

"Oo nga, Tine! Baka si Val nga," dagdag naman ni Sage.

Tinutulan ko agad ang kanilang ideya. I knew Val's touch, so it's impossible to be him. I really sensed he's a complete stranger.

"Malabo, Els. Kasama ko sila ni Dan kanina. Pagkatapos nila sa service, dumeretso kami sa Circle at naglaro ng arcade. Imposible," suporta naman sa akin ni Yuan.

Sinapo ko ang aking ulo. What happened to me was so weird!

"Kayong tatlo, 'wag na kayong aalis nang kayo lang, ah? Mga pasaway kayo. Dapat sinabihan n'yo ako. Sinamahan ko sana kayo sa pagbili. Delikado sa village dahil manipis ang shield barrier. Alam n'yo naman 'yon, 'di ba?"

"Sorry na, Lolo Yuan," sabayang pagbigkas namin.

"Sasamahan na namin kayo lagi. 'Di ba, Dan?" Tumango naman ang huli. "Bilin din 'yon sa 'min ng guardians na nag-alaga sa inyo."

Bukod doon sa estranghero ay may isa pang lalong bumagabag sa akin. Vague pieces of the past flashed in my memory. I think I cast a spell without me knowing it!

Hindi ko alam kung bakit parang automatic kong itinaas ang wand ko at nagbanggit ng spell. Spell na kahit kailan ay hindi ko pa naman nababasa at nae-encounter. At kahit ano'ng pilit kong alalahanin kung ano ang nilalaman ng spell, hindi ko na talaga ito matandaan.

Ilang sandali pa ng kuwentuhan ay dinalaw naman kami nina Kierre at Lindrenne. Nang makita siya ni Ellie ay nakitaan ko agad ng twinkle-twinkle- little-stars ang mga mata niya.

"Girls! Okay na ba kayo ngayon? Nagulantang kami sa nangyari. It's been only a month since their last attack. Bagong unknown creatures 'yong sumalakay sa inyo kanina," nag-aalalang tanong ni Lindrenne.

"May lalaki pong sumalo sa 'kin bago ako mawalan ng malay. Hindi ko lang po talaga masyadong maalala kung natalo ba naming tatlo ang dark outcasts o 'yong lalaki po talagang 'yon ang tumalo sa kanila. Basta ang sabi niya, ang pangalan niya ay V at hindi raw siya kalaban."

"Lalaki?" Nagtinginan ang dalawa.
"I wasn't able to see his face, but it was a male's voice." Kumunot ang kanilang noo at animo'y nag-iisip nang malalim.

"Na-monitor namin ang nangyari sa Calle Haflux. Nagkaroon ng dark barrier sa parteng iyon ng komunidad. Pero bago nila malagyan ng barrier ay nakita namin sila. Black spirits with no faces. Nang mawala ang barrier ay wala na ang ibang nilalang doon kundi kayong tatlo lang na walang mga malay. Nang datnan kayo ni Queen Gwyneth para sagipin, wala nang bakas ng mga kalaban. Kung hindi isang kalaban 'yong nakausap mo, bakit kasama siya sa paglaho ng barrier na ginawa ng outcasts? Mga halimaw ang sumalakay kaya't paano niya nagawang kausapin ka? I don't want to conclude, but I think whoever that was, may dala siyang panganib. Here in MFU, trust no stranger. Kaya mag-iingat na kayo. Kung may mangyari man uli na ganito, ipaalam n'yo agad sa amin," paliwanag ni Kierre na nagpakilabot lang lalo sa akin.

"And we're glad that you're all safe. 'Buti at may mga alam na kayong spells."

Nagtinginan kami nina Ellie at Sage sa sinabi ni Lindrenne. Hindi pa kami natuturuan ng spells. Kung gano'n, hindi pala nila nakita ang paggamit namin ng elements. Hindi rin nila nakita iyong kakaibang nangyari sa akin—ang bigla kong pag-produce ng kapangyarihang hindi ko rin alam kung paano ko nagawa!

Matapos ng maiksing pag-uusap ay nagpaalam na rin sina Kierre sa amin saka umalis.

"Grabe, ang guwapo-guwapo pala talaga ni Kierre!" Kilig na kilig si Ellie.

"Ang ganda rin ni Lindrenne. Bagay sila. Kawawa ka naman," pang-aasar ni Yuan kay Ellie kaya nakatikim na naman tuloy siya ng hampas.

Nang makalabas kami ng medical wing pagkatapos ng ilang oras pang pahinga ay napagpasyahan ni Yuan na i-treat kami ng pagkain.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon