Chapter 47 - A Love That Gives

27.8K 959 54
                                    

Chapter Forty Seven
A Love That Gives

Nanaginip akong nasa isa kaming magical prism ni Val. Kaming dalawa lang ang naroon pero may matibay na glass ang nakaharang sa aming dalawa. Hindi ko siya mahawakan. Hindi ko siya makausap. Ang tanging nagagawa lang naming dalawa ay pilit magbakasakaling hawakan at abutin ang isa't isa habang lumuluha.

Could I live with this? Na kahit makita ko lang siya ay sobra-sobra na para sa akin. Yes, I could live with this. Makita ko lang siya palagi, ayos na ayos na ako.

But then it was just a dream. The truth is here, Valentine with bloody eyes, pointing the sword right in front of me.

"Bring me to Death." Iyon ang tanging nailabas ng bibig ko habang nakatutok sa akin ang espada, Valentine is unstoppable. What happened last night didn't tame him, it didn't change his mind... and heart.

Bumangon ako at pinulot ang damit ko. Isinuot ko 'yon sa harap niya. Sobrang nakakapanghina ang mga pangyayari. Iyon bang hindi mo na malaman kung isa pa rin bang bangungot o totoo na.

"Just give me this, Val. Kahit ito lang." Kahit gaano ko pa ka-gustong maging manhid sa harap niya, tinratraydor pa rin ako ng mga mata ko. Sa tuwing titingin ako sa mga mata niya'y lumalambot ang puso ko. Gusto kong maging matapang at matatag. Kaya kailangan kong tiisin ang lahat ng ito.

Ibinaba niya ang Gemthell Sword. He chins me up and eyed coldly. It took a long pause before he speaks, "Tutal napakinabangan kita kagabi, sige." Ngumisi siya at hinawakan ako sa kamay para magteleport kami pabalik sa Magique Fortress. Naluha ako sa simpleng gesture niyang 'yon.

Gemlack's kingdom, Black Realm, welcomed me coldly. Para bang nagtindigan ang mga balahibo ko sa kapaligiran. Napalilibutan ng itim ang buong kaharian. May mga naglipana ring Black Torcouns sa itaas. Nanuot sa katawan ko ang kakaibang pressure mula sa hangin. Para bang magkakapasa ako sa tindi ng bumabalot na kapangyarihan dito, na talagang mararamdaman mo kung sino lang ang welcome dito.

This is a Magique Fortress version of hell. And I know I'm still about to experience more from here.

Laking pasalamat ko lang na wala pa sina Bethany dito. It's just Death, still looking just the same. Ganun pa rin ang itsura niyang parang gustong pumatay anumang oras.

Pagkalapit niya ay nayanig ako nang sinuntok niya si Val nang malakas sa mukha.

Agad ko siya dinaluhan, "Bakit siya ang sinasaktan mo?!"

Nagdidilim ang paningin niya at hindi ako pinansin, "Isa kang hangal! I told you to kill her! Hindi ba't iyon ang utos ko? Pero ano? Nagpadala ka sa libog! Hunghang!" Isang sipa niya lang kay Val ay umitsa nanaman ito sa ere. Hindi ko na alam kung paano pagkakasyahin ang sakit at galit sa puso ko. "Patayin mo siya ngayon o ikaw na ang papatayin ko?!"

Napatilapon pa ulit si Val nang igiya ni Death ang kanyang wand. Para lang siyang naglalaro! Pero si Val, namimilipit na sa sakit at sumuka na ng dugo.

Walang pagod ang mga mata ko sa pag-iigib ng luha. Panay ang pagsigaw kong tumigil na siya sa pagpapahirap sa kanya. Humagulgol na ako nang yakapin ko si Valentine.

"Hinahamon kita, Death!" Dakila kong pagharap sa kanya and he looks amused and challenged.

"Hinahamon mo ako? Nahihibang ka na ba, bata?"

Pinahid ko ang mga luha ko, "I want a duel. Tayong dalawa ang magtuos! Hindi ako makapapayag na hindi ka lalaban ng patas! Huwag kang maging duwag, Death! You can kill me? Then prove it! Prove it in your own hands! Prove it!"

Imbis na sagutin ako ay tumawa lang siya. Humalakhak siya at mukhang inubos niya ang limang minutong pinagtatawanan lang ako. Alam ko namang totoong katawa-tawa ang mga sinabi ko, pero kung hindi ko siya hahamunin, kung hindi ko siya lalabanan, mawawalan ng saysay ang lahat ng pinaghirapan namin. Lalong lalo na nina ama sa nakalipas na maraming taon.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon