Damang-dama ko ang mga mura niyo kay Valentine. Ako na ang umaako. Haha! Vote and comment para sipagin ako mag-UD. :)
==========
Chapter Twenty Four
Fighting FateValentine's POV
ANG deretso kong pag-iisip ay nasasapawan na ng sobrang takot. No'n lang ako natakot sa buong buhay ko at wala akong ideya kung bakit hindi ko magawang kumalma.
"Magiging okay siya, 'di ba?"
Nagbuntonghininga lang si Kierre sa tanong ko.
"Sumagot ho kayo, please!" Yuan said with bloodshot eyes. "We don't know yet. We will try to revive her."
Umakyat na sa ulo ko ang galit at kwinelyuhan si Kierre. "Hindi niyo alam? Paanong hindi niyo alam eh kayo ang mga pinakamakapangyarihan dito! Try? Susubukan niyo? Kaya nga ginawa ang magic para gawing posible ang mga imposible! Royalties kayo! Akala namin magaling kayo?! Say it! Say it that she's alright, that she's safe, that she's alive! Sabihin niyo sa'kin ngayon!" kinakapos kong hiningang panghahamon sa kanya. Kung hindi lang ako nanghihina dahil sa paglangoy kanina'y baka nasuntok ko pa siya.
"Val, tama na! Royalties sila! Ano ka ba?" pag-awat ni Daniel.
Dinuro naman ako ni Ellie. "Alam mo? Hindi rin naman siya magkakaganito kung hindi dahil sa 'yo! We should have not entrusted her to you!"
Nabingi ako sa paninisi nila, pero ang tanging iniisip ko lang ay ang kalagayan niya.
"Val, I know you're just worried, pero ginagawa namin ang makakaya namin at isa pa, nanghihina ka rin. Kailangan mo ring magamot," kalmadong sabi ni Kierre.
"If you're telling me that you're doing your best, bakit nandito ka? Heal her! Heal her now! Huwag n'yo akong alalahanin. Siya ang pagtuonan ninyo ng atensiyon!" I was shouting ill words to the two head guardians, and I couldn't even hold myself back.
Ikinuyom ko ang mga kamao ko at humugot ng malalim na hininga para maibsan nang kaunti ang poot ko, hindi sa kanila kung hindi sa sarili ko.
Nagmadali na silang pumasok sa silid kung nasaan si Tine at gustong- gusto kong sumunod. Gusto kong pumasok doon. Gusto ko siyang makita.
"Pain is the strongest emotion to feel." Naalala ko ang mga sinabi niya sa akin noon. 'And seeing someone dearest to your heart slowly fading away from you is the strongest pain to feel,' dugtong naman ng isip ko.
Unang beses ko pa lang nakita si Tine sa Golden Pavilion, hindi na siya naalis sa isip ko. Hindi ko man alam kung anong papel ang gagampanan niya sa buhay ko, basta ang alam ko lang ay magiging importante siya sa akin.
Nang malaman kong kaibigan siya ni Yuan ay lalo akong nagkaroon ng pagkakataon para makilala siya. Pagkakataong akala ko noon ay hindi ako magkakaroon, na hanggang tanaw na lang ako sa malayo. Kaya nga nasagip ko siya noon sa Gwendro. Lagi ko siyang ginagabayan hindi pa man niya ako kaibigan. I admit to be her full-time stalker.
Sa totoo lang, noong na-injure siya sa Elemental Dome ay bahagya akong hindi nagsabi ng totoo. Hindi naman talaga nakagagamot ng pasa at sugat ang halik ko. Totoong may power of touch ako, pero mga kamay ko lang talaga ang nakapagpapaalis ng sakit. I was so close to her and thought it was a perfect time.
Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ganoon na lang kalapit ang loob ko agad sa kaniya. Parang kilalang kilala ko agad siya. She was like someone I have always known from the past.
Kaya magpahanggang trainings ay ginagawa ko pa rin iyon. I kissed her wounds not because she believed it was a cure but because I wanted to make her feel that someone's willing to protect her. Na mawala man ang lahat sa kaniya, pero ako, mananatili lang akong nasa tabi niya . . . palagi.
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasíaPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...