Chapter 45 - Raindrop and Storm

24.2K 936 36
                                    



Sorry, natagalan. Busy ang cutest author sa crush niya. Heehee. Charot lang! Busy sa life. :)
==========

Chapter Forty Five
Raindrop and Storm

Sumulpot ang isang portal at anino pa lang ay alam kong si Valentine iyon. He came back... but with a surprise. I was actually ignoring everything at the moment. I just focused on him, focusing on me.

Nangilid agad ang luha ko at agaran akong tumakbo sa kanya. I can't help it. I miss him so much and I can't deny the fact that I'm scared of the uncertain. Niyakap ko siya na parang walang nangyari, na parang normal pa rin ang lahat, without any further hesitations. Ayokong isipin na hindi pa rin siya bumabalik sa dati. Ayokong malaman. Ayokong mapatunayang tama ang mga pangamba ko. That I should concentrate on the thought that ignorance will forever be a bliss.

But will it even work in this situation?

May lumitaw pang mga anino, at sina Yuan 'yon. At may kumapit pa sa braso ni Val-ang bitchesang si Bethany.

Pinigilan ko munang magalit dahil hinawakan ko sa magkabilang balikat si Val at niyakap siya. Two weeks felt like two years. It may sound too surreal but it was exactly how it went for me.

Ngunit nagulat ako nang itulak niya ako palayo. My face was plastered with shock. I fight the urge to welcome the pain in my chest. Valentine just pushed me away from him. Doon sunod na naglakbay ang kamay ni Bethany payakap kay Val mula sa likod at abot mata ang kanyang ngisi sa akin. Everything about her screams bitch.

Sinugod ko siya at sinabunutan! "Get your filthy hands off me!"

"Then get your filthy hands off my Valentine! Dapat tinuluyan na kita noong maldita pa ako! At sana tinapyas ko na talaga 'yang dede mo! Nakakagago ka na ah!" sinampal-sampal ko siya at pinagsusuntok, pero hinawakan ako ni Val at tinulak palayo.

Nanginig ang labi ko sa ginawa niya. "You're on her side?" I can't believe this! "This is me Cristine. Girlfriend mo. Wake up, please Val. Wake up!" pagsamo ko sa kanya sabay tayo. Tinatawag ako ni ina muna sa malayo pero kailangan kong gisingin si Val sa katotohanan.

"I don't have a girlfriend, and I don't love anyone." Itinayo niya ako at hinawakan nang masakit sa baba ko. "And do you know what I want to do with you?"

He gave me a laser gaze at natatakot ako sa sunod niyang sasabihin. "To kill you."

Sinenyasan niya sina Yuan. Umalis sila at nagsimula nang maghasik ng lagim sa MFU. Naiwan si Val na sinusulatan ng linya ang aking palad gamit ang kanyang punyal. Iyak ako nang iyak hindi dahil sa pananakit niya sa palad at pisngi ko kundi dahil sa torture na ginagawa niya sa akin emotionally. He's inflicting a great amount of pain to me and it's near impossible to stop.

"I will kill you slowly." He said coldly and way too far from his usual demeanor. Ibang iba sa Valentine na lagi akong nilalambing. Ibang iba sa dating Val na mahal na mahal ako.

I can't give up too easily. I have invested all of what I have to our relationship and I won't let it go that fast without a fight. Hindi ako pwedeng sumuko. He will come back to his true self. I just need to change him back. Hinawakan ko siya sa mukha at sinubukang halikan pero tulad kanina ay itinulak niya lang ako pero sa lakas ng pwersa ay napatilapon ako. And this time, it was triple the physical pain.

Umigting na ang galit sa sistema ko. This is all Death's fault! Humanda ka, magtutuos tayong dalawa! I need to get my guy back!

Bago pa ako malapitan ni Val ay nagmadali akong nag-teleport sa Golden Pavilion. Dumiretso ako sa puno naming dalawa at hinukay sa lupa ang sandatang sabay naming itinago noon - ang Gemthell Sword.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon