May nakalimutan pala akong sabihin last author's note. May mga nagtanggol kay Kierre nung sinabi kong hottest and most handsome si Valentine. Hahaha!
Iba kasi ang description ko kay baby Kierre. He's the wittiest, sexiest, and yummiest guardian of all time. Hahaha kbye.
#MagiqueFortressNewJourney (teleserye lang ang peg haha!)
xx pixie blazing hot
==========
Chapter Twenty Eight
Friendship Code
Nix Battles
NIX BATTLES came so fast, and I never felt so empowered not until that day. Ito kasi ang hahatol sa amin kung aakyat ba kami sa Cryst level o hindi.
"Attention, students!" Nagsalita na sa wakas si Kierre dito sa Broomstick Field. Nakaapak sila sa mga ulap para makita namin sila sa mas mataas na bahagi. Nakakalat kaming lahat at layo-layo sa isa't isa.
"Welcome to the Nix Battles!" Sa simpleng introduction pa lamang na iyon ay kinilabutan na ako. The thrill sent shivers down my spine.
"For the mechanics, you will all be sent into ten different battle dimes. You have to get a magic feather. Take note that this feather will be your key to the next battle dime. Hangga't hindi kayo nakakukuha, hindi kayo makapupunta sa kasunod. Most importantly, you just have to manage to stay in the game."
Inulit iyon nang dalawang beses ni Kierre bago gawin ni Diamond ang isang mahika. Nabalot ng liwanag ang paligid at pagmulat namin, nasa isa na kaming kagubatan. Nagkalat kaming lahat na narito.
'First battle dime, forest,' rumehistrong boses ni Kierre sa isip ko na marahil ay nakarating din sa iba kong kasama, dahil napansin kong naging alerto na sila.
Nakita ko agad ang feather na iniihip lang ng hangin. Sinundan namin ng tingin iyon at nag-unahan, pero nakuha na iyon ni Yuan nang lumipad siya. Kinindatan pa niya ako pagkakita sa akin.
Ang daya! Nakita kong naglaho na siya at malamang ay napunta na sa pangalawang dime. Ang bilis n'on, ah?
Maya-maya, namataan ko ang isang feather sa isang puno. Nag-cast ako ng invisibility spell na makapagpapa-invisible sa akin nang tatlong minuto. Mabilis akong tumakbo at inakyat ang puno. Nakuha ko iyon at napunta na ako sa sumunod na battle dime.
'Second battle dime, cave,' sabi uli ng boses sa utak ko.
Napakadilim dito sa kuweba. Wish ko lang na walang halimaw rito!
Pinakiramdaman ko ang lugar bago ako gumalaw. Pumikit ako at bigla kong na-realize, puwedeng-puwede ko nga naman palang gamitin ang light spell.
"Ilumnia!" Agad na nagkaroon ng liwanag ang wand ko, enough to enlighten half of the area.
At halos takasan ako ng ulirat nang makita kong punong-puno ng ahas ang kuwebang ito. Ang iba ay gumagapang na sa may paanan ko.
Nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Silent snakes sila? Wala kasi silang tunog. Edi sana habang madilim pa lang, narinig ko na ang napakaraming 'Sss'.
Nakita ko si Sage na parang hindi natatakot at inaamo pa ang mga ahas.
Pusa lang ang peg?
"Sage! Baka tuklawin ka!" sigaw ko.
"Dumaan ka na Tine, at kumuha na ng feather dali." nakita ko ang inginuso niyang feather na nasa may ulo nung ahas sa kanan ko. Pakshet.
Napansin ko ring inilalagay ni Sage sa gilid ang mga ahas na nasa gitna para hindi namin maapakan ang mga ito. Dinadampot niya lang ito na parang mga damit na isasampay.
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasíaPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...
