Chapter Sixteen
Forbidden Forest
PAGOD na pagod na ako, pero parang naglalakad lang naman kami sa kawalan. Magmula kanina ay hindi na ako nakaangal kay Val na hinawakan ang kamay ko para daw sa dagdag na seguridad.
"May patutunguhan ba ang gubat na 'to? Parang wala 'tong hangganan, eh. Nasaan na kaya si Sage?" natatakot at nag-aalala kong tanong. "Bitiwan mo na ako, Val. Okay lang ako." Napahinto ako saka siya tiningnan.
Hindi naman siya nakinig. He even intertwined our hands more.
"Don't let go of my hand," sagot niya sa dami ng sinabi ko. As usual, wala na naman akong nagawa kaya't itinuon ko na lang ang focus ko sa paghahanap sa kaibigan ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at sa wakas ay namataan namin si Sage sa 'di-kalayuan kaya sinundan agad namin ito. Nagtago kami sa isang puno. Para siyang lutang at wala sa sariling huwisyo. Dapat talaga ay binantayan ko sila. Naisip ko tuloy na naging pabayang kaibigan ako.
We were petrified when we saw all the missing students jailed in a glass chamber! Kung hindi ako nagkakamali ay nasa gitnang bahagi na ito ng gubat. Nakita ko si Hienna at marami siyang kasama. Nakita ko rin ang kapapasok lang na si Sage at lumapit ito kay Professor Norfenfal!
What the hell?
"I knew it—"
Tinakpan ni Val ang bibig ko.
Nakita naming ikinumpas ni Professor ang wand niya at itinutok 'yon kay Sage. Sa isang iglap lang ay napalupasay na siya at nawalan ng malay. I gasped in mixed fear and anger.
"She's alive. I'm sure of that. Calm down, Tine."
Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa kung hindi ang panoorin lang ang ginawa kay Sage. My friend needed me, and here I was, close to losing hope. Ano ba'ng laban ko kay Sir na isang Walt wizard?
"Paano natin sila tutulungan?" bulong ko pagtanggal ng kamay ni Val na nakatakip sa aking bibig.
"If only we're in the same level as him, we can fight . . . but we're just Nix levels. Magiging isang kapusukan lang ang lumaban sa kaniya gayong alam nating matatalo tayo. It will only make things worse. The only plan I'm thinking is to call the Royalties."
His words suddenly calmed me from my thoughts. I just realized that Val is a calm, logical, and composed type of person who thinks first before he acts. Maybe being wise is a guardian's nature after all.
"Ako ang babalik. Bantayan mo sina Sage," lakas-loob kong sabi.
"Hindi kita papayagan. Pumunta tayong dalawa rito kaya aalis din tayo nang sabay. I can't let you leave and walk alone in this dangerous place. You should know that well," seryosong sagot ni Val.
Hinawakan niya ang kamay ko at agad-agad ay bumalik kami sa daang aming pinanggalingan. Doble na ang pag-iingat namin ni Val sa paglalakad nang sumulpot isa-isa ang mga lintik na namang outcast! Sila ang mga halimaw na nakasagupaan namin nina Ellie noon. So alagad pala sila ni Sir?
Hinigpitan ni Val ang hawak sa akin. Binulungan niya ako. "Nasaan ang wand mo?"
"Nasa jacket ko," I whispered back.
Mabilis niya akong niyakap, pero para lang pala bulungan. "Itago mo ang wand mo kay Hello Kitty. Ngayon na."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?"
"Itago mo sa panty mo ang wand! Bilis, Tine!" "Nahihibang ka na ba—"
"Ikaw ang gagawa o ako ang maglalagay?"
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasyPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...