Chapter 23 - Cold Agony

36.7K 1.4K 634
                                    

Thanks Mirabel for drawing the main characters and pets. Inaabangan ko 'yung sketches mo sa iba pa lalo na kay Yuan. Ang astig nung kina Val at Tine. Post ka lang don sa FB group. Bangis!

And kay Chelsea na gumawa pa ng origami ni Roar, at sa pag-drawing sa'kin. Nagulat ako don. Hahaha!

Keep sending fanarts :)

P.S. - Kung anumang mabasa niyo, mahal ko kayo guys. What happens, happens. Ganon talaga ang buhay. *shields myself*

xx villain pixie

==========

Chapter Twenty Three
Cold Agony

Lumipas pa ang mga araw at ngayon nga ay dalawang araw na lang, tournament na. Nagsikap kami ni Val sa pagsasanay at hindi nagkulang sina Adam at Bethany sa paggabay sa'min. Though mukhang mas napapasobra ang paggabay ni Bethany kay Val kasi napansin kong mas naging close sila.

Bumili lang ako ng tubig bago pumunta ng Sefriegen. Tapos na ang training namin, pero pupunta lang kami para magpasalamat kina Adam at Bethany.

Nakasalubong ko si Adam kaya nagsabay na kami papunta sa Sefriegen. Pagkapasok namin ay nabitiwan ko bigla 'yong hawak kong bote. 

Naghahalikan sina Val at Bethany habang magkayakap.

Sa isang iglap, nanakit bigla ang mga mata ko at parang gusto kong umiyak sa sakit. 

Akala ko 'yung bote lang ng tubig ang nahulog, pati pala 'yung puso ko, nahulog na rin at nadurog pa.

Ngumiti sa'kin si Adam at naglakad siya patungo sa dalawa at umubo-ubo.

Kumawala sila sa isa't isa at tumingin sa'min. Napatingin pa ako sa labi nilang dalawa na parehong basa at mamula-mula.

Binati kami ni Bethany, "Oh andyan na pala kayo." Tumingin ako kay Val at wala sa mukha niya ang bahid ng pagkagulat tulad ng dati. Ang inaasahan kong pagkausap niya sa'kin at sasabihing wala lang 'yon, ay hindi nangyari.

Gayunman ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko na magtanong. "Ano'ng meron?" Pigil na pigil ang lahat ng salita at galaw ko dahil natatakot ako na kaunting hakbang ko lang, baka madurog din ako. 

Hinawakan ni Bethany ang kamay ni Val at pinagsalikop 'yon, nakita ko namang humigpit rin ang kapit niya kay Bethany.

"Kami na. Sorry hindi namin nasabi sa inyo agad, kahapon ko lang rin kasi sinagot 'tong si Val."

I flashed my best smile, na pwede nang ipa-frame. "Masaya ako para sa inyo. Hindi ko man lang napansin na nililigawan mo pala si Bethany, Val."

One of the worse things is saying you're happy and alright, when the fact is, you're actually patronizing agony at the moment.

"Kaya pala ang galing ni Val sa trainings, inspired pala," sabi ni Adam.

Kailangan ko nang umalis. Hindi na ako makahinga sa lugar na 'to. 

"Mauna na ako. Dumaan lang talaga ako para magpasalamat sa inyo, Adam at Bethany, sa pagtuturo sa amin. Salamat!" Nagpaalam na ako at hindi na nilingon pang muli si Val.

Pagkasara ko ng pinto ay tumakbo agad ako. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa mapagod ang mga paa ko. Parang inihihiwalay ang puso ko sa katawan ko. Malakas ang kabog nito, pero sa pagkakataong ito, hindi dahil sa masaya ako. Alam kong kakaibang kabog ito. Ang sakit . . . ang sakit- sakit. Parang anumang oras ay may sasabog na kung anuman sa dibdib ko at ramdam kong unti-unti ay may pumapatak nang luha mula sa aking mga mata. 

Kung ganon, 'yung mga pinapakita sa akin ni Val, wala lang pala 'yun. Walang pahiwatig, walang kahit ano.

Ako na mismo ang nagsabi na huwag aasa dahil mahirap masaktan. Pero ano nga bang ginawa ko? Nag-assume nga ba ako? O sadyang tanga lang ako? Alam ko na una pa lang na ganoong klase ng lalaki si Val, na delikado siya, pero hinayaan ko lang ang sarili ko na mapalapit sa kanya. 

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon