Chapter Fifty Eight
Diamond and Crystal"Yes my dear, you are our lord's child. Isn't it a wonderful surprise?" Naglaro ang demonyong ngisi sa kanyang labi.
Nanginginig ang kamay kong naibaba ang wand. "Sinungaling!" Pilit kong sigaw.
"Bakit hindi mo itanong sa magaling mong ina na malandi at hindi nakuntento sa ama mong baog?"
Akmang susugurin ko na siya pero hinatak ako ni Valentine sa gilid ko.
"Hindi ako baog at higit sa lahat hindi malandi ang asawa ko!" Sinakal na ni ama ng espada niya si Death at tinusok pa ng wand niya ang gilid ng ulo nito.
"Talaga Diamond? Eh bakit wala kayong anak ni Enikka?" Humalakhak pa rin si Death na tila walang takot malagutan ng leeg.
"Anak ko siya! Huwag mong guluhin ang isipan niya!" Galit na galit na ang tono ng pananalita ni ama.
Inipon ko ang lakas kong bawiin ang braso ko sa pagkakahawak ni Val. Matalim ang tingin niya sa akin pero hindi ko magawang makipagtagisan ng titig dahil nagtutubig ang mga mata ko.
"Hindi ba Enikka, may nangyari sa inyo ni Dreyxin? At siya ang bunga." Napasinghap ang halos lahat ng nandito. "Bakit hindi mo aminin sa kanilang lahat ngayon ang katotohanan?"
Nabitawan ni ina ang kanyang espada at napahawak sa bibig sa pagpipigil ng iyak. Lalo akong nangilabot sa kanyang reaksyon. What does that mean?
"Ina totoo ba?" Nangangatal ko siyang tinanong. Ayoko nang patagalin pa 'to.
"Pinagsamantalahan siya! Huwag mong ipilit ang hindi totoo! Anak ko siya! Ako lang ang ama niya!" Hinigpitan pa ni ama ang pagkakasakal niya kay Death. Umaagos na ang luha ko. Hindi ko na alam ang paniniwalaan.
"Ina, totoo bang pinagsamantalahan ka ng halimaw na 'yon?" Nanggigil kong tanong na lalong ikinaiyak lang ni ina.
Napasalampak na siya sa sahig at umiyak lalo. Agad siyang dinaluhan ni ama.
"Hindi anak! Hindi! Huwag kang makikinig sa anumang sasabihin ng demonyong ito!" Ani Diamond.
Dahil wala ng bumibihag kay Death ay lumapit na ito sa akin. "Cristine or should I say, Princess Crystal, si Dreyxin ang tatay mo. Sina Enikka at Dreyxin ang gumawa sa'yo. Ikaw ang bunga ng kanilang pagpupunyagi. Maganda naman ang kinalabasan hindi ba? Magandang kombinasyon!" Humalakhak siya na sinabayan ng Gemlacks.
"Ina, sagutin mo ako. Sagutin niyo ako!" Umiiyak na ako ngayon at wala akong pakialam kung makita nila ako ngayong nasa weakest state ko. Na nakikita nila ngayon ang kahinaan ko.
Hindi ko alam kung anong una kong iiyakan—iyong malamang may nanamantala sa aking mahal na ina o iyong malamang ako ang bunga ng pagkakamaling iyon.
Tumayo si Enikka at inalalayan ni Diamond. "Anak, si Diamond ang tatay mo. Huwag kang makinig sa kanya." Patuloy ang paghikbi niya. "Bago maganap ang ikalawang digmaan, kinuha ako ni Drey sa Mortal World. Alam kong susundan ako ni Mond. Na ililigtas niya ako. Ngunit huli na nang pinagsamantalahan ako ng hayop na 'yon, pero alam ko, alam namin ng tatay mo na ikaw ang anak namin. Ni isang patak ng dugo ni Drey, wala ka. Maniwala ka sa akin anak."
"Paano mo nasabing si Diamond ang kanyang ama gayong si Dreyxin ang nakauna sa iyo?" Tumawa si Death. He patted my head like I'm an innocent kid. Hindi ako makagalaw. Abot langit ang tahip ng puso ko, taas-baba ang dibdib ko dahil sa bilis ng paghinga. Gusto kong paniwalaan si ina pero bakit kay lakas ng punto ni Death.
Pakiramdam ko ay lason ang nilulunok ko. Nanghinang bigla ang mga tuhod ko. Napakapit ako sa braso ni Val na parang poste ring hindi kumikibo.
"See? See what I'm pointing out, Tine?" Hinawakan niya ang isa kong kamay. Pati ang pag-iwas o pagbawi sa kanya ay hindi ko na magawa sa sobrang panghihina.
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasyPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...