Kasali na ba kayo sa facebook group? Lalo na 'yung mga active mag-vomment dito? Sali kayo kung hindi pa. Nagbabatuhan kami minsan ng mga magic spells. Haha!
Search niyo lang, Pixie Blaire's Milky Way.
May I know rin pala, ilang taon na kayo? Para alam ko 'yung age range ng readers at alam ko ang mga tamang salitang gagamitin pa sa story. :)
Salamat! Bumoto at magkumento mga babes.
==========
Chapter Twenty One
HeartbeatNagsimula akong maglakad paalis doon nang marinig ko ang boses ni Ellie, "Hoy babaeng mukhang isda! Anong ginagawa mo? Ang kunat rin ng tinik mong magsinungaling eh 'no?"
Nilapitan ko agad siya at hinihila sa braso, "Ellie..." Si Yuan ay hinawakan na rin siya sa kabilang braso. Takang-taka naman si Valentine sa sinasabi niya.
Hindi makasagot 'yung babae dahil bakas sa itsura niya ang pagkasindak kay Ellie.
"Tine, sabihin mo nga ang totoo. Hindi ako papayag na makakalampas nanaman at magtatagumpay ang isang malandi."
"Ellie tama na." sabay naming sabi ni Yuan.
"Val, si Tine ang nagbantay sa'yo magmula ng isugod ka dito at hindi 'yang sinungaling na 'yan." Pagkasabi ni Ellie non ay ipinako ni Val ang kanyang tingin sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin at ipinukaw ang atensyon doon sa babaeng hiyang-hiya na at nakatungo.
"Ano pang hinihintay mo, Miss? Chupi. Layas." Umalis ito at tumakbo palayo sa amin.
"Walastik ka Ellie, walang kupas! Amazona!" minasahe ni Yuan ang balikat ni Ellie at nagtawa 'yung dalawa.
"Ikaw naman kasi Tine, gamitin ang bibig. Ang dali dali lang sabihin na, ako, ako ang nag-alaga sa'yo. 'Di ba? Hay nako. Tara na nga. Oh Val, wala ka man lang bang sasabihin?"
Tumayo na si Val na nakatingin pa rin sa akin. "I'm sorry, akala ko siya talaga. Paggising ko kasi wala ka sa tabi ko."
Uminit yatang bigla ang pisngi ko. Hinigpitan ko ang kapit kay Ellie na pasimpleng ngumingiti.
"Kung ganon ikaw pala 'yung kumakausap sa panaginip ko at umiiyak." Ngumiti siya na pang-asar.
"Hindi ako umiyak ah! Bakit naman kita iiyakan?!" depensa ko sa sarili. Naiilang tuloy ako lalo pati na kina Yuan at Ellie na naghihintay lang sa sasabihin naming dalawa.
"But it felt real. Pero siguro nga panaginip ko lang. Salamat sa pagbabantay sa'kin, cheesecake."
"Cheesecake?!" sabayang sigaw nina Yuan at Ellie na umalingawngaw sa buong clinic. Kinagat ko ang labi ko. Natahimik bigla ang buong silid na ito at napatingin sa amin ang mga pasyente. Siniksik ko ang mukha ko sa balikat ni Ellie. "Nakakahiya."
Inakbayan ni Yuan si Val, "Anong cheesecake-cheesecake 'yan ah? Meron ba kaming hindi alam?"
Val chuckled. "Endearment, tulad niyo. Hindi ba pwede?"
"Hmm, pwede naman. Honeybar, matakot ka na. Dalawa na kami na gusto kang kainin." Humalakhak 'yung dalawa na sinundan naman ni Ellie at kinindatan pa ako ng bruha.
"Sana all, gustong kainin," bulong ni Ellie na pinanlakihan ko ng mga mata. Hinampas niya ako habang natatawa.
Baliw talaga 'to . . .
"Bahala nga kayo d'yan. Tara na. Para makapagpahinga na rin kayo. In three days, start na ng training." Nauna na akong maglakad sa kanila at hinila sina Sage at Ellie habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasyPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...