06/21/15 Pasukan ko na bukas huhubels. Ibig sabihin, gone are the days of fast updates na every other day or two. Haha!
Vommentsalism. :)
xx pixel blaire
==========
Chapter Thirty Three
Blank Spaces
Pinagmasdan kong maigi ang sombrerong hawak ni Yuan. "Paano napunta sa 'yo ang Witted Chapeau?"
It was one of Magique Fortress' three holy grails alongside the Gemthell Sword and Gratis Ensorcelled Stone! Ang tatlong ito ay pagmamay-ari ng creator na si Blaite at malaki ang ginampanang papel sa pagbuo sa Magique Fortress.
Nagpalakad-lakad siya, naguguluhan. "Hindi ko rin alam. Akala ko tipikal na sumbrero lang pero nung sinoot ko, nagliwanag ang mga mata ko at may mga nakita ako. Ang elemental heads. Pero hindi malinaw. Para silang humihingi ng tulong. Tapos itong elemental girdle maabutan ko na lang hawak ko na at nakaapak ako sa Circle of Insignia. It's like I summoned the girdle and the circle without my real self knowing it."
"Anong ginawa mo pagkatapos? So parang gumagalaw ang isip at katawan mo na hindi mo alam?"
"Ang natatandaan ko na lang, pinaulit-ulit ko ang mga pangalan nina Cyrus, Pennelope, Gwen, at Sefrie. Paulit-ulit hanggang sa sobrang nagliwanag at bumalik na ako sa sarili ko. Lutang ako sa mga pangyayari. 'Tapos, saktong pagbaba ko ng kastilyo, bigla nang umihip ang malakas na hangin at nagsimulang umulan."
Pinatigil ko sa paglakad-lakad si Yuan. "Hindi ko alam kung maganda o masamang senyales ito, pero dapat na tayong kumilos. Kailangan natin itong maipaalam agad sa Royalties!"
Imposibleng takbuhin o liparin namin ang Prime Kingdom sa ganitong kalagayan kaya wala akong choice kung hindi tawagin sa isip si Kierre. I closed my eyes and concentrated.
The moment our minds collided, hindi na ako nag-aksaya ng oras.
'Pumunta po kayo rito sa Golden Pavilion. Natagpuan ni Yuan ang Witted Chapeau.'
Kierre appeared before us like a bolt of lightning. He teleported us to the kingdom. Ipinaliwanag ni Yuan sa kanila ang nangyari at napagdugtong- dugtong agad nina Diamond ang sitwasyon.
"Kung gano'n, hindi sila tuluyang naglaho. Humihingi sila ngayon ng tulong para sila'y makabalik. Gwen and Pennelope made this storm," sabi ni Diamond.
Humarap sa amin si King Ralf. "Ang tanging ipinagtataka ko lang, saan galing ang Witted Chapeau? Matagal iyang nawala kaya akala namin ay nasira na 'yan nang tuluyan."
"Marahil ay napunta iyan sa kung sino—either sa kalaban o sa mabuting kamay," hula ni Lindrenne.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumali sa usapan. "Pero kung sa kalaban po galing, bakit nila ibabalik nang ganoon lang kadali?"
"Motives," tugon ni Diamond. "Now I am sure, the enemies are wise. Everything was smooth. Para sa ating lahat, oo, natatalo natin ang ilang sumasalakay, pero para sa kanila, marahil ay parte lang ang mga 'yon ng kanilang plano."
Kung ang bawat masamang nangyayari ay planado, paano namin malala- banan iyon? Paano kami magpaplano kung hindi namin kilala ang mga kala- ban?
"Tama ka, mahirap magplano, pero wala tayong ibang magagawa kung hindi ang maghanda. Nalalapit na ang muling pagtutuos," pag-sang ayon ni Diamond na nabasa ang iniisip ko.
Nakita ko ang pagsuri ni King Darius kay Yuan. "Bakit kay Yuan napunta ang sombrero? Kung sa kalaban nga galing, bakit ito sa kaniya ibinigay?"
Lahat sila ay nakatingin na sa kaniya. Kahit hindi ko mabasa ang iniisip nila, malakas ang kutob kong pinagdududahan nila si Yuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/30616818-288-k874262.jpg)
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasyPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...