Chapter 19 - Hugs and Kisses

49.7K 1.5K 409
                                        

Warning ang update na ito. Magshi-shield na ako mula sa inyo dahil baka lumubog ang mga ship niyo. Hahaha!

==========

Chapter Nineteen
Hugs and Kisses

ISINUKAT ko ang ipinadalang damit para sa trainings at battles na mula sa Prime. Lumabas ako ng comfort room para ipakita kina Ellie na kanina pa mga nakabihis.

"Wow!" reaksiyon nila agad pagkalabas ko. Nagmadali naman ako sa salamin para makita ang sarili ko. Ang cute nga nitong damit na ibinigay.

"Pero hindi kaya masyado naman itong revealing?" tanong ko sa kanila. Labas kasi ang puson ko dahil mistulang cropped off-shoulder blouse ito. Nagtipid yata sa tela ng pang-itaas. It was matched by a skirt carefully hugging my thighs. Everything was complemented by this light pink, semi-see-through, chiffon hooded cape extending to my legs.

"Ano ka ba? Ang cute mo nga r'yan, Tine, eh! Para kang isang warrior na sorceress na prinsesa na wizard!" ani Ellie.

Lumapit naman ako sa kanila na ang gaganda rin ng suot. White and blue waterdrop design ang dress ni Ellie. Sage, on the other hand, was wearing a black and red, dynasty-style kimonolike dress, matched with a star-studded headdress, making her look like a dream watcher on animes. These outfits were amazing!

"Sabi nga rin pala ni Miss Arlette kanina, gowns daw ang isusuot sa gaganaping Grand Snow Ball! Parang celebration ng Christmas." excited na sabi ni Ellie. 

Ang pagsasalo ay gaganapin bukas kaya aligaga rin kami sa pagpili ng susuotin. 

I wasn't able to hide my excitement. "Wow! Akala ko walang Christmas dito!"

"Pero si Blaite nga ba ang panginoon dito?" tanong ni Sage.

"Oo nga 'no? Hindi ko maiaalis sa akin ang malakas na paniniwala kay Tatay God kahit anong mangyari. At 'yung Pasko, para ipagdiwang ang birthday ni Bespren Jesus. I respect Blaite as the our creator too pero never kong iaalis sa akin ang paniniwala sa nakalakihan ko."

"Pero may nabasa ako, Blaite was just like us before. Ibig sabihin, pwedeng tao lang rin pala siya na nag-aral at nagsanay para magkaroon ng magic. And come to think of it, if he's the creator, edi sinong gumawa kay Blaite?"

"Nanay at tatay niya."

"Ellie!"

"Sorry na. Mga highblood." sabi niyang nagtatawa. Nangiti na lang ako.

"Oh edi hindi siya creator. More like he's just the proponent of magic and wizardry. Kaya siguro kahit dito eh sine-celebrate pa rin ang Pasko." mungkahi ko.

"Siguro nga. Pero para sa mga Walt levels at sa elders, iyon ang paniniwala nila. Na creator natin si Blaite. If we'll survey in Diagon Village, I bet, they'll have the same beliefs. Siguro dahil niyakap na talaga nila nang tuluyan ang pagiging kakaibang nilalang na mas angat sa tao."

"Tama Sage. Pero alam niyo, I somehow miss being human." sabi kong sinang-ayunan nila.

"Kung pagkukumparahin ko kasi, mas tahimik ang mundo natin doon. Yes, it's true, it's so magical here, pero lahat tayo risk prone eh. Maraming nakakakilabot or nakakatakot na bagay ang pwedeng mangyari, anytime." pagpuna ni Ellie.

"I guess that's what makes life more challenging, accepting who you are and living beyond the limits." I said.

"Nako tara na nga, sukat rin natin 'to. Kailan ba daw ang pagsasalo?"

"Bukas. After tomorrow, we have a week vacation. Kasi sa first week of January, after New Year, trainings na for the Nix E-Tournament. At least we're given a break. Ayos na rin."

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon