Chapter 39 - Dawn of Doubts

29K 1.1K 263
                                    

MUMULTUHIN ko ang 'di magbasa nito haha! Sa Monday na po, August 24 (to 28, Monday to Friday) ang start ng Take It or Leave It on TV5's Wattpad Presents! Starring Bret Jackson, Eula Caballero, Megan Sharpe, Chris Leonardo, etc. Naka-chat ko si Megan ('yung gaganap na Codyne) and told me what happened sa tapings. Daldal galore kami at harinawa mabigyan ng justice talaga ang story. Please watch ha? Ha? Haaaa?

Vomments! xx please-xie blaire
==========
Chapter Thirty Nine
Dawn of Doubts

Sumakay kaming apat sa tig-iisang kabayo. Kasalukuyan kaming nasa Diagon Village. Gaya ng napag-usapan, pagkatapos malaman kung sino ang apat, ay ililibot sa buong MFU, at inuna ang komunidad ng Walt wizards and guardians.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. All this time I was longing to know and find them, tapos 'yun pala hinahanap ko pati ang sarili ko. Isa pala ako sa nakita ko dati sa nakaraan.

Sa bawat komunidad, maraming nagbibigay pugay, ngunit mayroon ring dama kong galit sa amin. Hindi naman iyon maiiwasan lalo na't kami ang sumira sa kanilang mundo. At magpahanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung bakit kaya nag-away away kami noon.

Higit sa lahat, marami sa kanila ang tila nagtataka at nagdududa ang mga ekspresyon. Bakit kaya? Katulad nila ang itsura ng mga Royalties ngayon na nasa likuran namin. Lahat sila ay tila tulala at hindi maipinta ang mga mukha. Hindi ba sila masaya dahil nakita na nila kaming mga anak nila?

Nagtama ang mga mata namin ni Diamond, nangungusap, parang may gustong sabihin pero hindi alam kung paano ipararating.

Ibinaling ko na lang ang atensyon kong muli sa harapan. Tuwing maaalala ko ang sagutan namin noon ni Diamond ay nagi-guilty ako, lalo na't malaki ang posibilidad na siya pala ang tatay ko.

Maraming matang nakatingin sa amin-nanunuri, masaya, malungkot, at mataman. Mahirap piliin sa mga nakatingin kung ano ang gusto kong tanggapin. Dahil maging ako, hindi ko ba alam kung dapat kong ikatuwa na nakita na ang Four Legends. At kasama pa ako.

Buong paglilibot namin magmula kanina pa ay hanap-hanap ko kung nasaan kaya si Valentine. I was trying hard to connect our minds pero ayaw gumana. Where is he?

Hudyat na ang pagbabalik namin sa paglaganap muli ng takot at panganib sa buong lugar. Bakit ngayon ka pa nawala sa tabi ko? Valentine, nasaan ka na ba?

Natigil ako sa pag-aalala nang may biglang tumakbo patungo sa akin at pilit akong inaabot dito sa kabayo. "Prinsesa! Prinsesa! 'Wag kayong magagalit! 'Wag na 'wag kayong magagalit!"

Inawat siya ng mga sumunod sa kanya, hinawakan siya sa mga braso. Tinignan ko ang mga mata niyang malalim ang kahulugan kaya bigla akong kinilabutan.

"Prinsesa 'wag! 'Wag na 'wag!"

Pinigilan pa siya ng mga guardians. "Paumanhin prinsesa. Kalimutan niyo na ang sinasabi niya. May sakit siya sa pag-iisip, walang dapat ikabahala." tumungo ito sa akin at tsaka humarap sa babae. "Dalhin na natin siya at iuwi na."

Hinila siya ng mga kawal habang umiiyak at pilit pa rin akong inaabot. Kinausap ko ang black guardian na humihila sa kabayo ko. "Sino po siya? May sakit ba talaga siya?"

"Siya si Sapphire Cindroso, isa ng ulila. Opo kamahalan, matagal na siyang wala sa katinuan."

Totoo ba? Pero bakit pakiramdam ko... hindi? Bakit niya kaya paulit-ulit na sinasabing 'wag akong magagalit?

"Honeybar," lumingon ako kay Yuan. "Huwag mo nang isipin 'yon. Cheer up." Ngumiti ako. Siguro nga. Masyado na akong nag-iisip ng mga bagay-bagay.

"Baby Tine!" pagtawag sa'kin ni... "Ellie!" Luminya agad ang ngiti sa labi ko. Nagpumilit siya sa guardian na siya na ang maghawak ng tali sa aking kabayo.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon