Salamat kay Pau dinrawing sina Sharkie, Chinito, Whistle, at Leaflet na pinost sa group. Tsaka kay Seayah na dinrawing naman si Roar, posted on her IG. Haha effort niyo mga babes! Thankies. Try ko minsan i-drawing ang mga pets at ibang lugar sa MF. (as if sipagin ako)
'Yung mismong itsura ni Roar, pinost ko rin sa group. Totoo siya kaya lang sa real world, hindi siya gumagalaw eh. Stuffed toy kasi. Haha!
Kung anumang ginagawa niyo na related sa MF, 'wag kayo mahiya. I-tag niyo lang ako para makita ko. Flying hugs!
Tweet niyo 'ko @CristineStunner. =)
==========
Chapter Twenty Two
DrownIPINAKITA sa amin nina Bethany at Adam ang mga kinuha nilang kasangkapan para sa pagsasanay. Rocks, bow and arrow, and swords in different sizes. Hinawakan ko ang sword at sinuri.
"Rocks muna tayo. Ipakikita namin sa inyo ang dapat ninyong gawin," panimula ni Adam.
Binitawan ko ang sword at nag-focus sa kanila. Buti na lang at dumating sila kanina, dahil baka natuloy pa ang muntikan nang mangyari kanina sa amin ni Val. Lumayo muna ako sa kanya dahil naiilang ako. Muntik na kaming maghalikan. Hooo. I'm thankful na hindi iyon natuloy dahil I'm sure that I may regret it if it happened.
Ang unang lecture nila sa amin ay kung paano babalutan ng apoy ang bato nang hindi ito masisira o masusunog, at kung paano ring hindi kami mapapaso kapag hahawakan na ang mga iyon. Isinunod na rin nila ang bow and arrow pati ang espada.
Unang subok ko sa tatlong weapons ay palpak agad. Nabitiwan ko iyong bato at espada dahil sa sobrang init at hindi ko na ito mahawakan. Nakapapaso at natatakot akong malapnos ang balat ko. Noong binalutan ko naman ng apoy ang kahoy na palaso, nasunog lang ang mga ito. Ang hirap ng trick na ito dahil isinasalin na ang apoy sa solid na mga bagay kung saan magkakaroon sila ng reaction. Either magbabaga lang sa init o tuluyang masusunog ang mga ito. It's about mind control again.
Si Val ay nahirapan din lalo na at sunrays ang power niya at hindi direktang apoy na tulad ng sa akin. Nangangailangan pa siya ng karagdagang konsentrasyon para ang mainit na light rays na bumabalot sa mga weapon ay tuluyang magkaroon ng flames. Oras naman ang kalaban niya. It would take time for a source of heat like light to transform into flames.
Sinabi sa amin ng dalawa na kailangan namin itong matutuhan dahil mainam daw na gamitin ang weapons tuwing may battles.
"Ano po bang klaseng laro ang Nix Element Tournament?"
"Iyan ang hindi namin puwedeng sabihin," sabi ni Adam.
"Kahit mechanics at goal?" dagdag ni Val habang umiinom ng tubig.
"Kahit gusto naming sabihin para manalo kayo, that would be a violation on our part. Cryst levels are prohibited to spill the beans. Royalties are wise," sabi ni Bethany sabay akbay kay Adam.
"Pero anong element ang nanalo last year?" tanong ko.
"Water team ang defending champion. Three consecutive years na silang panalo. Tayo naman, wala pang panalo ni isa," tugon ni Adam.
Nagulat kami ni Val. Malakas naman ang elemento namin, ah?
"Our element is the most destructive element among the four, isn't it?What happened?" ani Val.
"Fire can be the most destructive element, but it can also be the weakest," sagot ni Bethany. "Naku, don't stress yourself too much about that. Malalaman n'yo rin ang sinasabi namin. Kaya nga ang mahalaga ngayon, itodo ang pagsasanay."
"Dismissed na tayo. Ito muna sa ngayon. Ang weekends, ilaan n'yo naman sa pag-aaral," sabi naman ni Adam.
"Pag-aaral?" duet namin ni Val.
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasyPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...