Mild Warning: Read at your own risk.
Power vote and comment!
#MagiqueFortressxx pixie bliss
==========
Chapter Thirty
Good NightMagdamag akong nagkulong sa kwarto ko. Sinabi ko sa kanilang gusto kong mapag-isa. Humiga lang akong yakap-yakap si Roar na dinamayan ako sa pag-iyak hanggang makatulog ako.
Dapit-hapon na, pero ayaw ko pa ring lumabas kahit madalas nila akong katukin. Matapos mag-ayos ng sarili kaninang pagbangon ko ay bumalik ako sa paghiga. Wala rin naman akong ganang kumain.
"Attention, students. Please go to Prime Kingdom now," nagpaulit-ulit sa mirror speaker sa kuwarto ko ang boses ni Wizard Lenondale.
Lumabas na ako at mag-isang tinungo ang Prime Kingdom at natanaw ko na agad sina Kierre at Diamond sa main balcony ng kaharian. Kinabahan ako bigla sa ekspresyon ng dalawa.
Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko si Yuan na ngumiti sa akin at kumaway. Hinanap ko sina Ellie at lumingon naman sa kaliwa. Nakita ko uli si Yuan. Palipat-lipat?
Nilingon ko uli ang kanan ko at naroon uli siya. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Nasobrahan ba ako sa pag-iyak kagabi?
"Listen! Huwag kayong aalis sa mga kinatatayuan n'yo," banta ni Kierre. Kinilabutan ako lalo. Ang seryoso ng awra nila.
May inilabas na dalawang gem si Diamond at agad iyong pinagkiskis. "It's time to stop the clone invasion."
What? Clones?
Ilang sandali lang ay tila nagkabasag-basag ang labas na anyo ng katawan ng Yuan na nakita ko sa aking kanang bahagi. Para akong naestatwa sa pagkagulat nang walang-ano-ano ay naging isa itong itim na halimaw.
"Drakkises!" sigaw ng isa kaya naalarma ang lahat. Laganap ang mga halimaw at nakikipagsagupaan sila laban sa mga ito.
May kumalabit sa akin—ang clone ko. Nang maging Drakkis ito ay agad niyang hinablot ang mga kamay ko patalikod at sinakal ako. Matutulis ang mga kuko nito na once gumalaw ako . . . I would be dead.
Ngayon nagsink-in sa'kin ang lahat. Maaaring lahat pala ng mga nakasalamuha ko nitong mga nakaraang araw ay puro clones. Hindi ko alam kung sino ang tunay at hindi.
Mga peste! Sila ang dahilan ng gulo. Umigting na ang galit ko. "Penvo!"
Nabitiwan ako nito at alam kong naramdaman niya ang matinding sakit.
Nararapat lang 'yan sa 'yo! Damhin mo ang sakit na naramdaman ko!
Lumupasay ito sa lupa hanggang sa matauhan ako. Hindi ako gumamit ng wand, pero paanong gumana 'yon?
Kinuha ko ang wand ko sa bulsa. Marahil ay kahit hindi ito hawak, gumagana pa rin ang spells.
I summoned the Insignia and grouped a spell to defeat the enemies within my parameter. I held my wand and hovered it in front kasabay ng pagliwanag ng linings ng aking bagong pulso. I am so mad. "Exodoul!"
They exploded into dust. Nang dahil sa kanila, nagkandaletse-letse na. Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa mga nangyari. Kung ano ang tunay at ang kasinungalingan. Sumagi sa isip ko ang mga nangyari.
Sino ba ang nagtapat sa'kin? Ang nagpa-iyak at nanakit sa'kin? Sino ba si Valentine doon? Isa kaya doon ang totoong Val? Parehong siya 'yon? O parehong clone niya 'yon?
Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano'ng mas masakit tanggapin— na clone lang pala 'yong nag-confess sa akin o ang malamang 'yong totoong Val ay hindi naman pala talaga ako mahal? Teka! Pareho lang 'yon!
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasyPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...