Epilogue
Valentine Archangel's POVHinampas ako ng batuta ng isang babae dahil inihian ko iyong apoy sa maliit na siga.
Hindi niya ako tinantanan ng palo kaya napaharap ako sa kanya na hindi ko pa naisasara ang zipper ng pantalon ko.
Nabitawan niya ang kahoy at tumili naman. Nanlaki ang mata ko kaya isinara ko kaagad at itinago muli ang aking alagang hindi pa nga man lang tuli na nakapanggulat na sa kanya.
Gustong gusto ko nang magtawa pero pinigilan ko. Tumigil siya pagtili na ngayon nama'y umiiyak. Kinabahan ako bigla. I don't like seeing girls cry.
"Hey." Nag-alangan pa ako paglapit sa kanya. "Sa'yo ba ito? Ikaw ba ang nagsisiga?"
Tumango siyang humihikbi at pinunasan ang mga luha sa mata. Pagkakita ko nang malapitan sa kanyang mga mata ay parang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo.
There's something in her eyes that made my heart skip a beat.
"I'm sorry. I didn't know. Hayaan mo gagawa tayong bago."
Lumapit ako sa mga kahoy. Nagulat ako nang hawakan ko pa lang ang kahoy ay naramdaman ko na agad ang pag-init nito. May mga usok na lumabas sa bahaging hinawakan ko.
Doon ako nagsimulang katakutan ang aking sarili. That's when I knew I'm extraordinary. Ayokong matakot siya kaya tinigilan ko na ang atraksyon.
Pero unang pagtatama pa lamang ng aming mata, alam ko at sigurado ako na nakuha niya ako.
Kapitbahay namin ang batang iyon pero hindi pa man nakakaisang linggo ang pagiging magkalaro namin ay lumipat kami ng tirahan. Malayo sa kanya.
I told myself it's better. Dahil sa kalagayan ko, hindi ko deserve magmahal. Ang tingin ko kasi sa sarili ko noon ay demonyo dahil sa kakaibang kakayahan ko. Sino bang normal na tao ang may kapangyarihan? Matatakot siya sa akin kapag alam niyang ganito ako.
Umalis kami at simula noon ay hindi ko na siya nakita pang muli.
Before I say goodbye, she told me that her name is Cristine Aria Sylvestre.
Then fate called us the second time around. Nakita ko siya sa Magique Fortress University. Malaki man ang pinagbago pero hinding hindi ko makakalimutan ang kanyang mga matang pumukaw sa aking damdamin noon pa man.
And now, I've ended what I started.
I'm nothing but a living dead.
Naglalakad ako ngayon habang buhat-buhat siya patungo sa Golden Pavilion. Humahagupit ang hapdi ng kanyang pagkamatay sa bawat hakbang ko. Hindi iniaalis nina Kierre ang kanilang tingin sa akin dahil sa takot na baka magbreak down nanaman ako anumang sandali.
Wala akong ibang maramdaman kundi galit sa aking sarili.
Imagine my life right now. Ako ang pumatay sa babaeng mahal ko at sa aming anak. Pinatay ko sila. Pinatay ko ang pamilya ko. Hinding hindi na yata makakaalpas pa ang sakit at pighati.
Tila masahol pa nga ako sa kriminal. Ganoon ang tingin ko ngayon sa sarili ko.
Iniwan nila ako habang inaayos ko ang lupa kung saan namin siya inilibing. Pinuno ko ng bulaklak ang paligid. Panay pa rin ang pagtulo ng luha ko.
"Wala ka bang balak umuwi?" Tanong ni Kierre sa akin. Ilang araw na ang lumipas pero nandito lang ako sa tabi niya, hindi ako umaalis.
"She's my home. Hindi ko siya iiwan. Dito lang ako." Tulala kong sagot habang dinedesenyuhan pa ng iba't ibang mga bato at bulaklak ang lupa.
BINABASA MO ANG
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)
FantasyPixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peacefully live. Twenty years ago, it was devastated by the greatest power known in their land. Creatur...