Gabi na, ngunit wala pa rin si Leona sa bahay.
Kanina pa pasulyap-sulyap si Aries sa wall clock na nasa dingding ng sala at binibilang ang minutong dumadaan sa paghihintay sa asawa. Kunwari'y nagbabasa siya ng Nobody's Child na sinulat ni Pat Warren ngunit nakalihis naman ang diwa niya kahit nakatingin sa librong hawak.
Pagkatapos ng trabaho ay nagpaalam ito sa kaniya na may dadalawin daw ulit na kaibigan. Sa una ay natahimik siya pero pinayagan na lang niya ang asawa. Napagtanto niya na hindi dapat siya pumayag, nagdudusa tuloy siya ngayon sa kakahintay.
Hindi siya makapagpokus kahit sa trabaho dahil ang nasa isip niya buong maghapon ay: Nasa'n ba ang asawa ko?
Hindi naman siya mahigpit kay Leona. Naiintindihan naman niya na may sarili ring buhay ang minamahal bago niya ito pinakasalan. May mga kaibigan din naman ito at nauunawaan niya kung nais nitong makita muli ang mga iyon. May mga magulang din ang asawa na dapat dalawin paminsan-minsan.
Hindi siya ang tipo ng lalaki na kumokontrol sa buhay ng isang babae. Hindi siya nananakal ng karelasyon at bukal ang loob niya sa mga opinyon ng ka-partner.
Basta ba'y may tiwala sila sa isa't isa at ginagampanan nila ang responsibilidad nila kay Archie.
Napabuntong-hininga si Aries na isinara na ang libro at inilapag sa side table.
Pero sa mga lumipas na araw nagtataka siya sa kinikilos ni Leona. Parati na lang kasi itong umaalis at laging bukambibig ay dadalaw kay ganito, dadalaw kay ganiyan.
Ayaw niyang magbintang ng walang pruweba ngunit 'di niya maisawalang bahala ang pagdududa. Tinawagan niya ang mga kaibigan at mga magulang ni Leona kanina. Hindi raw dumalaw ang babae sa kanila ngayong linggo.
Habang tumatagal ang panghihinala niya ay lumalaki, palaki ito ng palaki at hinihintay niyang sumabog. Ito ang pangit sa ugali niya, nagkikimkim siya ng sama ng loob at kapag naipon na, saka lang niya ilalabas.
Inabot niya ang tasa ng kape sa gilid at tumikim niyon habang nakatutok ang mga mata niya sa kamay ng orasan. 10:30 pm na.
Sa wakas, narinig na rin niya ang tunog ng kotse nila sa garahe. Nandito na rin sa wakas ang asawa. Hindi siya tumayo sa kinauupuan, hinintay na lang niya ang babae na dumaan sa sala.
"Oh, ba't gising ka pa?" Iyon ang bungad nito sa kaniya nang buksan nito ang pinto. Tinatanggal nito ang suot na sapatos sa doormat.
Wala siyang tinugon at tinitigan lang ito habang pinapalitan ang sapin sa paa ng pambahay na slippers.
"Si Archie? Tulog na ba?"
"He is." Simpleng tugon niya, nanlalamig ang mga mata at boses.
"I see. Did you eat already?"
Hindi siya sumagot ulit.
"Have you eaten dinner?" ulit nito. Akala naman ni Leona ay 'di niya narinig ang tanong. "Gusto mo bang sabay na tayo?"
Lumapit ito sa kaniya at akmang hahagkan siya sa pisngi ngunit bago pa man ito magawa ni Leona, agad siyang tumayo at lumayo sa babae. Sa ginawa niyang iyon, nagulantang si Leona at nagtatakang tumingin sa kaniya.
"W-Why? What's wrong?" Tila nasaktan ito sa biglang pag-iwas niya pero hindi na niya mapigilan pa ang damdamin at panghihinala sa asawa. Iniiputan ba siya nito sa ulo? May ginagawa ba itong malagim sa likod niya?
"Where did you go today?" Tanong din ang sinagot niya rito.
"Ha? I told you kanina 'di ba? Pupunta lang ako kay Bea--- "
BINABASA MO ANG
𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝑯𝒐𝒎𝒆, 𝑩𝒂𝒃𝒚 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒂
SpiritualLabing-pitong taong gulang siya nang maagang nabuntis. Dahil sa hirap ng kaniyang buhay, napagtanto niya na hindi pa siya handang maging isang ina. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ibigay si Baby Andrea sa mga taong alam niyang magbibigay rito ng...