23

115 13 11
                                    

"Anger is part of the healing process

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anger is part of the healing process.
The more you feel it, the more your senses will accept reality."

***


Ano bang dahilan kung bakit siya nagpunta rito? Nandito lang ba siya para umupo at tumunganga habang ang tatlong lalaki sa harap niya'y masinsinang nag-uusap? Tinatanong ni Leona ang sarili kung anong klase siyang ina, kung anong klase siyang babae? Hanggang ngayon ba'y magiging duwag siya para kay Andrea?

Tumagiktik ang ilang segundo sa relong nakakabit sa braso. Nagsasayang siya ng oras sa pagtulala rito. Malalim muna siyang napabuntong-hininga bago tumayo at naglakad palapit sa kanila.

"Excuse me, Doc." Nang magsalita siya mula sa likod ni Giordani, nahinto sa pagsasalita ang doktor at napatingin silang lahat sa kaniya.

"Am I not allowed to listen to what you're saying?" aniya.

Hindi naka-imik ang tatlo. Napanganga lang sila.

"Leona—" Magsasalita sana si Aries ngunit pinutol niya ang sasabihin ng asawa.

"Gusto ko rin marinig kung anong resulta. May karapatan akong malaman 'di ba?" Buong tapang niyang sinabi. "Gusto kong marinig," ulit niya na tumitig nang diretso sa doktor.

Tinanggal muna ng Pathologist ang bara sa lalamunan, umiwas ng tingin, at nagtanong. "Are you sure you can handle it?"

"I'll c-cope," pumiyok siya,"I have to..."

Ilang segundo na tumitig lang sa kaniya ang lalaki. Tila sinisita pa kung kaya nga niyang tanggapin ang lahat ng sasabihin nito. Napabuga ito ng malalim na hininga at nagpasya na magtapat na lang.

Pagkuwa'y tumalikod ang doktor. May hinagilap ito na brown envelop sa lamesa. Nang makita ang mga dokumento, bumalik ito sa kanila at binigay iyon kay Leona.

Nagtataka man ngunit, binuksan niya ang inabot na envelop. Ang unang nailabas niya ay ang autopsy record ni Andrea. Lumapit si Aries sa tabi ng asawa at binasa ang laman ng papel.

"Hindi na-autopsy ang bata bago nilagay sa kabaong. Wala akong nakitang traces ng embalming fluid or stiches from postmortem examination sa katawan niya. Sa madaling salita, ito ang kauna-unahang pagkakataon na na-autopsy siya." Simula ni Dr. Lambert. "Labas mo ang mga litrato. Kaya mo bang tignan?"

Natigilan si Leona at napatingin sa doktor. Nagkatinginan naman sina Giordani at Aries, nag-aalala sila sa magiging reaksyon ng babae.

Gayuman, buong tapang na pinasok muli ni Leona ang kamay sa loob ng envelop at naglabas ng isang litrato. Tumalbog ang puso nina Leona at Aries sa imaheng naroon.

Nanlaki rin ang mga mata ni Giordani nang makita ang likod na bahagi ng patay. Buo nga ang katawan ng bata kahit medyo iba na ang kulay ng balat. Ngunit kung susuriin nang maiigi hindi normal ang pagkaitim ng likod nito.

𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝑯𝒐𝒎𝒆, 𝑩𝒂𝒃𝒚 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon