EPILOGUE

185 9 26
                                    

***

After 6 months....

Natigilan si Aries sa pagmumuni-muni sa terrace. Napunta ang atensyon niya sa tumatawag. Sinagot niya 'yon at agad nakilala ang boses.

"Hello? Aries, si Jarvis 'to."

"Oh?"

"Okay na. Wala na kayong dapat alalahanin pa," pagpapahinahon ni Giordani. "Si Lilibeth ay nasa custody na ng kaniyang mga lolo at lola. Hindi mapupunta sa orphanage o DSWD ang bata."

Nakahinga nang maluwag si Aries. "Mabuti naman, inuusig kasi ng konsensya si Leona. Kahit pa anak siya ng mga may-sala, hindi pa rin tamang madamay siya sa gulo."

"Maayos na ba si Leona?"

Dumako ang paningin ni Aries sa may-bahay na nag-aayos ng sarili sa tapat ng stand-up mirror. Nakabihis ng white fitted dress ang babae, nakapuson ang buhok. Naglagay rin siya ng kolorete sa mukha. Napakaganda ng asawa niya.

"Maayos na siya. Okay lang kami rito. Salamat Jarvis, goodluck sa date mo mamaya," natawa niyang sabi. Halatang nang-aasar. Nireto niya ang co-worker niyang babae para kay Giordani.

"Ewan ko sa 'yo," balik-asar nito. "Sige na, marami pa akong gagawin. Bye."

Bahagya siyang natawa at nailing. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari, natutuwa siyang naging magkaibigan silang dalawa. Bukod kay Giordani ay, marami pang tumulong sa kanila upang maabot ang hinahangad.

Anupa't sila ang nanalo at pinanigan sa korte dahil sa matibay na ebidensyang inihain ng mga anak ni Reina at Baron. At dahil wala namang makuhang witness sa panig ng mag-asawang Soterios, kaya madaling nakausad ang kaso.

Nanalo sila... Nasa kulungan na ang mga kriminal.

Naalala ni Aries na tinulungan din sila ng hurado para maipasa agad ang karapatan ng bangkay ni Andrea sa kanilang mag-asawa.

Napabuntong-hininga na lumapit siya sa likod ni Leona at malambing na yumakap dito. "We did it..." bulong niya. Ipinikit ang mga mata at sinubsob ang mukha sa balikat ng babae.

Humarap at yumakap sa leeg niya si Leona. "Yes," ngiti nito na inilapat ang noo sa noo ng asawa. "Nakamit na rin sa wakas ni Andrea ang hustisya. Nasa atin na rin ang karapatan sa bata."

"Hindi mapupunta si Lilibeth sa bahay-ampunan. Wala ka nang dapat alalahanin," sagot ni Aries.

Tumango si Leona. Lumapit siya upang halikan sa labi ang asawa pero naudlot dahil may kumatok sa pinto.

"Mama! Papa!Please hurry!" pagmamadali sa kanila ni Archie. "Naiinip na ko e. You said we're leaving at 7am but it's already passed 7am!"

Nagkatinginan sila at natawa dahil sa anak nilang masyadong excited na umalis. Kumalas si Leona sa pagkakayakap at binuksan ang pinto.

Nakasimangot ang cute na mukha ni Archie. Naka-krus pa ang mga braso. Preskong presko ang dating nito dahil sa suot na formal attire.

"O sige na, aalis na tayo," ngiti ni Leona na ginulo ang buhok ng anak.

"Bilis na!" nagmamadaling hinila nito ang kamay ng ina at kinaladkad palabas sa bahay.

Sumunod si Aries sa likod ng mag-ina.

Kung dati ay halos malanta na lahat ng halaman na naka-display sa tapat ng bahay. Ngayon ay namumukadkad na ang mga bulaklak. Buhay na buhay ang paligid dahil sa iba't ibang kulay nito. Sumakay silang tatlo sa loob ng kotse. Hindi pa rin matigil ang kadaldalan ni Archie habang nasa byahe.

𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝑯𝒐𝒎𝒆, 𝑩𝒂𝒃𝒚 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon