19

162 16 2
                                        

"She's dead?!" Nagimbal na sigaw ni Inspector Giordani. Halos mabingi naman si Aries sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya. Bahagya siyang lumayo sa phone.

"Aray naman. Mabibingi naman ako sa 'yo eh."

Nagulat talaga ang imbestigador sa isinalaysay niya. Ikinuwento niya ang buong pangyayari ngayong araw.

"Jarvis, please investigate the cause of her death. Alamin mo lahat, lalo na ang tinatagong baho ng Soterios Family. Nakalagay sa journal ni Queenie na may business silang bato."

"Bato? That means..."

"Yes. I'm sure drugs ang tinutukoy niya roon. It might be the cause of Andrea's fate," napabuntong-hininga si Aries. Awang- awa siya sa yumaong bata.

"Akala ko ba may screening interviews ang mga adoptive parents. What the f*** is this? Drug dealers and pushers ang umampon kay Andrea?" napapailing na lang si Giordani sa kabilang linya.

"I don't know. Lagpas isang taon din na tumira si Andrea sa pamilya na iyon. Only Andrea knows the truth but she's dead now. We don't have any choice but to find out, ourselves."

"Of course. Pupunta muna ako roon sa Soterios Residence." Ini-loud speaker ni Giordani ang phone habang sinusuot ang jacket niya.

"Huwag kang masyadong magpahalata. Baka tumakas ang mag-asawang iyon."

"Don't worry. I won't talk to them yet. Uunahin kong kausapin ang Palaina Family, tapos pupunta ako sa sementeryo. I'll check kung doon nga nakalibing ang bata. Pahukay natin ang bangkay ni Andrea para ipa-autopsy."

"Ha? P'wede ba 'yon? Paano kung matagal nang na-autopsy ang bangkay?"

"Aries, p'wede naman ulitin iyon. Magpa-second-autopsy."

"Pero Jarvis, tatlong taon na 'yong patay."

"Okay lang 'yon. Injuries and many other forms of death may be evident for many years. Saka may mga bangkay nga na thousands of years nang patay pero nalalaman pa rin ng mga forensic scientist kung paano namatay 'di ba?"

"Makes sense," aniya. "Pero may permit ka ba para maghukay? Hindi ba bawal iyon?"

"Eh 'di , kukuha ng exhumation's permit sa Local Health Officer. Wala ka bang tiwala sa 'kin?"

"Wala," biro niya.

"Come on man."

Natawa siya nang kaunti sa dismayadong boses nito. "Kapag nagawa mong pahukay 'yon. I'll double the payment."

"You said that ah. Walang bawian."

"Call me before you excavate the corpse. Pupunta ako roon."

"Sige. Kapag nakuha natin ang resulta ng autopsy at napatunayan nga na pinatay siya, gagawa tayo ng salaysay para mag-file ng demanda sa korte," paliwanag ni Giordani.

"Okay."

"Kapag napatunayan sa court na ang adoptive parents ang pumatay kay Andrea, pwede n'yo nang akuin ang karapatan sa bata kahit patay na siya."

"Ang sakit pakinggan pare," nasambit ni Aries.

Nakakatuwa na may posibilidad na maputol ang kontrata ng adoption at sa kanilang pamilya mapunta ang custody ni Andrea. May magiging ate si Archie. Tatanggapin niya ang batang babae at ituturing niyang tunay na anak. Iyon nga lang... sobrang sakit. Sayang. Huli na sila dahil hindi naabutan na buhay ang bata.

"I'm sorry, Aries. Kahit ako nanghihinayang..." sabi ni Giordani. Nakahanda na siya sa pag-alis. Puputulin na sana niya ang usapan nang maalala niya si Leona. "Uh... s-si Leona nga pala? Kamusta na?"

𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝑯𝒐𝒎𝒆, 𝑩𝒂𝒃𝒚 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon