22

112 16 14
                                    

Minsan naiisip ni Aries na itinadhana ito ng langit. Hindi ang pagkamatay ng bata ang tinutukoy niya, kundi ang mapagtanto nila ang sinapit ni Andrea upang mabigyan ng hustisya ang kawawang paslit.

Hindi naghahangad ng masama ang Diyos sa mga nilalang Niya sa mundo. Sa pananampalataya niya'y hindi siya naniniwala na sinadya ng May-kapal na mapunta sa masamang kamay ang bata. Sa paningin niya'y isa itong maling pagkakamali ng mga taong nakapaligid kay Andrea.

"Andrea's death is the result of all the adults' failures around her. All of them are at fault, from her birth parents to the Montero Family, the Al-Saud Family, the orphanage, and sadly, the Palaina Family too. They all failed the child, miserably," nasabi ni Aries sa sarili.

"Despite knowing the girl's situation, the Palaina Family did not haul over the coals; out of fear to the Soterios Family." Hinimay-himay ni Aries sa utak ang lahat ng nangyari at ito ang lumabas na konklusyon niya. Walang nagligtas sa bata. Kahit sina Baron at Reina na tumulong kay Andrea ay nagawang magtakip-tainga at takip-mata sa abusong natitikman ng bata sa kamay ng umampon dito.

Napabuntong-hininga si Aries at napagdesisyunan na niyang umalis sa terrace upang bumalik sa kwarto nilang mag-asawa.

Malamig ngayong gabi, kasing lamig ng damdamin ni Leona na ngayo'y nakatulala sa gilid ng kama. Nakadama siya ng awa nang makita ang asawa. "And now, Leona has been in a blue funk. What the heck can I do?"

Muli siyang huminga nang malalim bago maisipan na tumabi rito.

"What the hell is your plan, Leona? Habambuhay ka bang magmumukmok d'yan?" untag niya rito. Wala naman itong sinagot sa kaniya at nakatitig pa rin sa iisang parte ng silid.

"Kaninang umaga ay dinala namin si Andrea sa St. Luis Mortuary para ipa-autopsy sa kaibigang pathologist ni Jarvis," pagkwekwento niya.

Narinig iyon ni Leona at bahagya siyang napakislot sa pagkakaupo. Nagkaroon din ng liwanag ang mga mata nito.

"Bukas, babalik ako roon para malaman ang resulta ng examination. I obliged you to come along. Sumama ka sa 'kin, Leona. Sa una at huling pagkakataon sa buhay mo, makikita mo na ang anak mo."

Nanlalaki ang mga mata ni Leona nang tumingin sa kaniya. "Nababaliw ka na ba, Aries?!" iritadong sabi, "Tingin mo kaya kong tignan ang anak ko sa ganoong estado? Saka sigurado ka bang si Andrea iyon? Hindi ako naniniwala na bangkay niya iyon!"

"Tumigil ka na sa denial mo, Leona!" panenermon niya. Kumunot ang noo niya dahil sa inis. "Hanggang kailan ka magiging gan'yan?! Hindi kita mahihintay na tanggapin ang sinapit ni Andrea. Matatagalan ako sa paghihintay sayo. Walang oras na dapat masayang dahil pinaglalaban ko ang hustisya para sa anak mo."

Nakabuka lang ang mga bibig ng babae na tila nabigla ito sa mga narinig.

"Leona," pagkuwa'y nag-iba ang tono ng boses niya. Naging malambing siya sa asawa. Hinawakan niya ang mga kamay nito, pinisil, at malambot ang mga titig na nagpaliwanag. "I'm not angry, okay? Gusto ko lang sabihin sa 'yo na, ngayon ka mas kailangan ng anak mo."

"M-Mas kailangan?" Kumikislap ang mga mata ng babae dahil sa luhang unti-unting lumilitaw.

"Oo," tumango siya, "Ngayon ka mas kailangan ni Andrea. Ako lang ba ang lalaban para sa kan'ya? Hindi ba dapat, kasama kita?"

Hindi niya sigurado kung tumalab ang mga salitang iyon upang magising ang natutulog na determinasyon ng asawa. Gayuman, kumapit ang mga kamay nito sa likod niya, sinubsob ang mukha sa dibdib niya, at mahigpit siyang niyakap. "Aries, I don't know what to do. Mamatay na yata ako sa sobrang sakit kapag nakita ko ang bangkay ng anak ko!" Walang pakundangan na nilabas nito ang mga luha sa bisig niya.

𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝑯𝒐𝒎𝒆, 𝑩𝒂𝒃𝒚 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon