15

142 16 6
                                    

Napapangiti si Manang Bertina habang naghuhugas ng pinggan at nakikinig sa biruan ng pamilya sa hapag-kainan. Masaya siyang makitang maayos na muli ang relasyon ng mag-asawa. Hindi niya alam kung ano ang naging ugat ng away nila ngunit salamat sa Diyos nalagpasan nila ang pagsubok na iyon.

Ang pinagtataka lang niya, madaling-araw pa lang gising na ang mga ito. Maaga silang nag-almusal at nagbihis. Ibinilin din ni Aries sa kaniya na siya na muna ang bahala kay Archie dahil baka raw buong araw silang mawala.

"Why I can't go with you and papa?" Narinig niyang pagmamaktol ng bata. Sa mga nakalipas na araw ay nauubos na ang panahon ng mga ito at wala na halos matira na oras para kay Archie.

"Anak, kids have nothing to do with adult's business. You can come along when you grow older," malumanay na paliwanag ni Aries.

"Why is that?"

"Because..."

"Hay nako, dami mong tanong na bata ka!" Sumabat na si Manang Bertina habang tinatanggal niya ang apron sa baywang. "Bawal ka nga sumama eh. Kulit mo!"

"Nanay, they're not giving me a good reason. Why I'm not allowed to go with them just because I'm a kid? That doesn't make any sense." Malalaglag na ang nguso nito sa lupa dahil sa malaking simangot. Pinag-krus pa nito ang mga braso.

Natawa naman sila. Ang cute talaga ng batang ito kapag nagtatampo.

"How about... I buy you pasalubong later?" Si Leona na ang sumalo.

"You will?" Nagningning ang mga mata ni Archie at tumingin sa ina. Nawala agad ang simangot niya.

"What do you want?"

"Jollibee chicken joy with ten cups of gravy!"

Naudlot ang masayang usapan nang may nag-doorbell. "Ako na po. Teka," paalam ni Manang Bertina sa mag-asawa at naglakad palabas sa pinto. Binuksan niya agad ang gate ng bahay at ang nakita niya sa harap ay isang lalaking nakasuot ng itim na jacket.

Hindi siya pamilyar sa mukha nito. "Sino po kayo?"

Imbis na sagutin nito ang tanong niya. Nagtanong din ito. "Nandyan po ba si Leona?"

"Ah... si ma'am ba? Opo, bakit? Ano po kailangan niyo?"

"Gusto ko lang po siyang makausap. Mahalaga lang po."

"Tawagin ko po muna. Maghintay lang po kayo rito ha?" aniya bago sinara ang pinto ng gate. Bumalik siya sa dining room at sinabing, "Hinahanap ka ma'am Leona. Kilala niyo po ba iyon? Mukhang hindi po siya taga-rito. Ngayon ko lang siya nakita eh."

Nagkatinginan muna silang mag-asawa bago naisipan ni Leona na tumayo. "Sino ba iyon? Istorbo naman. Kaaga-aga eh," reklamo pa niya.

Lumabas na lang siya para makita na kung sino ang taong naghahanap sa kaniya. Binuksan niya ang pinto ng gate at nagtama ang mga mata nila ng lalaki. Nagimbal siya at ilang segundo na napatulala.

"Leona." Maamo ang asta nito at parang nagmamakaawa ang boses.

Napalitan din agad ang gulat niya ng pandidiri at pagkasuklam. "Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na dito ako nakatira?"

"Hinanap ko talaga ang address mo. Nagtanong ako sa mga magulang mo."

"Ang kapal din ng mukha mo, Lloyd."

Nagbaba lang ito ng tingin at tinanggap ang pang-iinsulto niya. Alam naman ng lalaki na matitikman niya ang bangis at galit ng babae pero nagpatuloy pa rin siya na pumunta rito.

"Ano bang kailangan mo?"

"G-Gusto ko lang... magtanong..." Naubos na yata ang self-esteem nito. Wala siyang tindig kung magsalita.

𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝑯𝒐𝒎𝒆, 𝑩𝒂𝒃𝒚 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon