26

110 10 3
                                    

Madilim ang balintawtaw ng binata nang makita ni Aries ito nang harapan. Mailap ang alik-mata, 'di makatingin nang diretso kaya nakababa lang sa lupa. Inabot nito ang Photo Journal na binigay niya noong nakaraan.

"Nandito po ako para ibalik lang ito."

Tila nagdadalawang isip pa si Aries na bawiin iyon. Inangat niya ang kamay at kinuha ang binibigay nito. "Lloyd," mahina niyang bigkas. May tono ng pag-aalala. "Binasa mo ba lahat?"

Marahan itong tumango.

"I'm sorry... I feel so bad for you but---"

"Sir Aries." Tumingin ito sa kaniya. "Sinabi mo sa 'kin na pinaglalaban mo ngayon ang hustisya para sa anak ko."

"Yes," amin niya.

"Gusto ko sanang pumunta sa korte. Gusto kong mapanood. Gusto ko rin... m-makita si Andrea." Mungkahi niya na dala ng pighati sa nalamang balita. Dala ng galit sa sarili at sa mga kumokop sa bata.

Napabuntong-hininga si Aries. Naaawa talaga siya sa lalaki. "Pero iyang hinihiling mo ay hindi nakabase sa akin. Yes, the court's hearing is open to the public, but seating is limited. Isa pa, I don't think Leona will be pleased if I allow you there."

Parang binagsakan ng langit ang naging reaksyon ni Lloyd.

"H-Hindi ko rin ba pwedeng makita ang bangkay ng anak ko?" Nagniningning sa lungkot na tingin nito kay Aries.

"Isa pa 'yan sa inaasikaso ko. Sa ngayon, nasa Mortuary pa rin ang bangkay ng bata. Kapag nanalo kami sa korte, ilalaban din namin ang custody kay Andrea para magkaroon ng karapatan si Leona sa bangkay."

Bumigat lalo ang damdamin ni Lloyd. Napayuko siya. "Hanggang sa bangkay... wala pa rin ba akong karapatan?"

"Mayroon Lloyd." Pinatong niya ang kamay sa balikat ng lalaki. "Pero sa ngayon, maghintay ka muna."

Napalingon si Lloyd sa kaliwa nang may maaninag sa gilid ng mata. Luminga rin si Aries sa tinitignan ng lalaki. Pareho silang naestatwa at nanigas sa kinatatayuan nang makita sa pinto si Leona.

Nakatayo lang ang babae roon. Naka-krus ang mga braso at tumatagos sa kaluluwa ang titig sa kanila.

"L-Leona," ninerbiyos na lumakad palapit si Aries sa asawa. "Gising ka na pala."

Hindi tumugon ang babae at malaki pa rin ang simangot na nakatingin lang kay Lloyd. "Bakit nandito ka na naman?"

Hindi alam ng binata ang isasagot. Dinalaan lang nito ang sariling labi dahil sa kaba, saka nagyuko ng ulo.

"Leona, hindi siya nandito para manggulo. Ibinalik lang niya sa 'kin ito," pagtatanggol ni Aries na pinakita ang hawak na Photo Journal. Tumingin lang sa kaniya ang babae, tapos ay bumalik ang mga mata kay Lloyd.

"Bahala na kayo d'yan," malamig na sabi ni Leona, nag-iwan ng irap, bago pumasok muli sa loob ng bahay.

Ilang segundo na napanganga silang dalawa. Nagkatinginan sila at nagtaka. Wala yatang sanib si Leona ngayon at naging mahinahon ang pakitungo kay Lloyd. Akala nila'y magbabato na naman ito ng kung ano-ano sa binata.

"Sige po. Aalis na ako. Marami pong salamat."

"Pagpasensyahan mo na si Leona."

Malungkot na ngumiti si Lloyd. "Naiintindihan ko naman kung saan nag-uugat ang galit niya. Malaki ang nagawa kong kasalanan. Sana tinanggap ko sila noon...Dapat inaruga ko ang mag-ina ko... kung 'di sanay..." Natigilan siya sa pagsasalita nang makita ang emosyong lumabas sa mukha ng kausap.

"Kung 'di sana ay ano?" untag ni Aries.

Nagkatingin sila at nabasa ang isa't isa.

"Kung 'di sana'y ikaw ang kasama ni Leona ngayon?" pagtatapos ni Aries.

Hindi agad nakasagot si Lloyd. "Sir Aries, hindi--- "

"Kung tinanggap mo sina Leona at Andrea noon, walang Aries at Archie rito ngayon."

Sinubukan ni Aries na kontrolin ang bibig pero 'di niya pa rin napigilan. Nagpapasalamat ba siya na tinakwil ni Lloyd si Leona noon? Pero kung 'di iyon ginawa ni Lloyd, hindi magdurusa si Andrea. Ang hirap isipin.

Ang paghihinayang, ang pagkalito, ang nakaraan... nilalamon silang lahat niyon. Gusto na talaga ni Aries na matapos na ito para lahat sila'y makalimot na.

"I'm sorry. Hindi ko dapat sinabi iyon," depensa ni Lloyd.

"Hindi. May punto ka," iling ni Aries.

Nakakailang. Kapwa na silang natahimik at hindi na alam kung paano iuusad ang pag-uusap. Si Lloyd na ang nagkusang umalis sa sitwasyon. Bagsak ang mga balikat na tumalikod siya at naglakad palayo.

Sinundan ni Aries ng tingin ang lalaki.

Pumasok na siya sa loob ng bahay at naabutan ang asawa na nakatingin sa kaniya mula sa bintana.

"Anong sinabi niya?" salubong nito at lumapit sa kaniya.

"Dapat siguro kausapin mo na siya," suhestyon ni Aries.

Bahagyang napangiti si Leona. "Ikaw lang yata ang tanging lalaki sa mundo na tinutulak ang asawa niya sa ex niya."

Pagbibiro pa nito ngunit nawala ang ngiti nang makitang malungkot ang mukha niya.

"Aries? Bakit?" May pag-aalala na yumakap ito sa baywang niya. "I'm just joking."

"Do you regret the past? Inisip mo ba na sana hindi ka tinakwil ni Lloyd noon?" tanong nito.

Bahagyang napanganga si Leona. This is the first time; she saw her husband's vulnerability and insecurity. "No! I'm so blessed that I've found you," iling niya, "Swerte ako na ikaw ang napili ko at hindi si Lloyd."

"Pero kung si Lloyd ang nakatuluyan mo noon at 'di ka niya tinakwil, maaaring buhay pa si Andrea ngayon," pagtatapat nito. Malambot ang tingin sa kayakap.

"Silly!" tanggi ni Leona. "Hindi mo masasabi iyan. We don't know, okay?" Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at naglapat ang kanilang mga labi. Ipinikit nila ang mga mata at hinayaang maging mapayapa ang mga puso sa ganitong pagkakataon.

"Leona, can you forgive Lloyd for me?"

Namulat ng paningin ang babae. Naghahanap ng rason ang mga mata nito.

"If you really love me, handa kang kalimutan ang nakalipas 'di ba? At kasama sa paglimot sa nakaraan ang galit na dala-dala mo."

Napaiwas ito ng tingin. "Handa naman akong magpatawad. Alang-alang kay Andrea..."

"Kung gano'n papayagan mo ba siyang sumama sa korte?"

"Pag-iisipan ko pa." Iyon lamang ang sinagot niya bago hinalikan sa bibig ang asawa. "Pero sa ngayon, let's enjoy each other's company. Week end ngayon, pareho tayong libre."

Kumurap-kurap ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala. "Are you seducing me?"

Natawa ito. "Nalungkot ako nang magising ako na wala ka sa tabi ko. I miss you and your touch. I want you right now."

Matamis siyang napangiti bago muling inangkin ang mga labi ng babae. Banayad lang sa una ngunit sa huli ay nagliyab. Giniya niya ang asawa sa pabalik sa silid nila. Sa loob ay hindi na siya nagtimpi.

***

𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝑯𝒐𝒎𝒆, 𝑩𝒂𝒃𝒚 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon