24

117 11 5
                                    

Nagsisilabasan na ang mga estudyante mula sa Mataas na Paaralan ng Lakandula. Ang mga bata'y nakangiti, masigla at nilalagpasan lamang si Leona na nakatambay sa gate. May mga magulang na sumusundo sa mga malilit na mga bata. May ilang tricyle na nakaparada sa tapat at doon din naka-park ang kotse nilang mag-asawa.

Nanatiling walang imik at nakatingin si Leona sa entrance building ng paaralan. Mabagal ang kaniyang hakbang at tila walang lakas habang paunti-unti siyang lumalapit doon. Lumapat ang mga palad ni Aries sa kaniyang likod. Binibigyan siya ng suporta at lakas ng kabiyak.

Napalingon siya sa lalaki.

"Bilisan natin Leona. Sabi ng guard, labasan na rin ng Senior-High, baka hindi na natin maabutan sila Queenie," paalala nito.

Magkahawak-kamay silang pumasok sa loob ng gusali.

***

Ala-singko na ng hapon ngunit hindi pa rin umuuwi ang apat na anak ni Reina. Pabalik-balik siya ng lakad at hindi mapakali. Nag-aalala siya kung saan na nagpunta ang mga ito.

Nahihilo na si Baron sa ginagawa niya at hindi rin makapag-focus sa pagkain ang lalaki. Iritadong kinuha nito ang remote sa gilid at pinatay ang maingay na telebisyon. Pabagsak nitong nilapag ang mangkok ng sopas sa mesa.

"Ano ba Reina? Nahihilo na ako sa kakalakad mo sa harap!" sita nito sa kaniya.

"Hapon na kasi wala pa ang mga bata! Late na naman sila ng uwi!" bulyaw niya sa asawa at huminto sa paglalakad.

"Eh baka nagkayayaan lang. Alam mo naman ang mga anak natin."

"Baron, sinabi ko na sa kanila na umuwi ng maaga at huwag maglalaboy ngayon! Alam mo naman ang mga nangyayari 'di ba?"

Natigilan si Baron at napaisip. Naalala nito ang mag-asawang Soterios. Noong nakaraang linggo ay kinausap sila ng mag-asawa at sinabihan na huwag makikipag-usap kahit kanino ukol kay Andrea.

"Nag-aalala ako," hapo na pabagsak na umupo si Reina sa tabi ng lalaki. "Nang nakaraan may detective na nagpunta rito tapos pinahukay pa ang bangkay ni Andrea. Nagsisisi tuloy ako dapat talaga hindi ko na lang kinausap sina Leona at Aries."

"Anong pinag-aalala mo?"

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan?" dabog ng babae. Napasuntok siya sa dalawang hita. "Pwedeng madamay ang mga anak natin sa gulong ito! Inaalala ko lang naman ang kapakanan nila." Natigilan si Reina sa pagsasalita nang tumunog ang phone ng asawa.

Kinuha ni Baron ang phone na nakapatong sa mesa at binasa ang mensahe. "Nako, Reina... text message galing sa guidance counselor. Pinapatawag tayo sa office."

"Ano?!" singhap niya. Namilog ang mga mata niya at agad na kinabahan. "Bakit daw?"

"Ewan. Wala namang sinabi pero pinasu-summon tayo sa paaralan ngayon. May ginawa yatang kalokohan ang mga anak natin," buntong-hininga ni Baron.

"Impossible! Hindi pa naga-guidance ang mga anak--- ay si Pharaoh nga pala!" napasapo si Reina sa ulo. "Iyong baklang anak natin baka nanabunot na naman ng kaklase."

"Kung si Pharaoh lang bakit sina Queenie, King, at Prince naiwan din sa guidance office?" nagtatakang tanong ni Baron.

"Ay ewan! Basta puntahan na lang natin!" desisyon niya na tumayo at hinila ang asawa na kakain pa sana. "Tayo na!"

"Ano? Sasama pa ako? Sino magbabantay sa—"

"Princess!" tawag ni Reina sa anak na babae na agad namang sumulpot mula sa kusina.

"Po?"

"Ikaw muna magbantay sa mga kapatid mo ah! Pupunta lang kami ng papa mo sa paaralan!"

"Sige po, nay," pagpayag nito at muling bumalik sa paghuhugas ng pinggan.

𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝑯𝒐𝒎𝒆, 𝑩𝒂𝒃𝒚 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon