13

150 19 4
                                    

Nakatingin lamang si Leona sa folder na inilapag ni Mr. Hernandez sa desk. Nanguliglig yata ang tainga niya sa katotohanan na binulgar ng executive director. Nakanganga siya habang nakatitig sa folder na iyon.

Umupo naman ang director sa office chair niya, tinungkod ang dalawang siko sa table at nagpalumbaba. Kapansin-pansin pa rin ang kulot nitong bigote at bilog na bilog na salamin sa mata. Seryoso itong nakatitig kay Leona. "Four years ago, Soterios Family adopted her," ulit nito sa sinabi niya kanina.

Naramdaman na naman ni Leona ang turok sa puso. Wala na si Andrea sa lugar na ito. They were four years too late.

Kinuha naman ni Inspector Giordani ang folder at binuksan. Sinuri niya ang mga papel sa loob niyon.

"Xerox copy lang 'yan pero p'wede ni'yong kunin kung gusto niyo," sabi ni Mr. Hernandez. Sa tono ng pananalita nito, alam nilang masungit ang matanda. "At alam niyo naman ang batas 'di ba? Hindi niyo p'wedeng kunin ang bata sa adoptive parents niya."

Napabuntong-hininga si Leona bago siya sumabat. "I'm aware of that. Hindi ko naman po intensyon na kunin si Andrea. Alam ko po na iyon ang pamilyang kinalakihan niya. Gusto ko lang po makita ang bata."

"Really? Hindi ka matutukso na kunin siya?" May naglalarong ngiti sa sulok ng labi nito. Halatang hindi ito naniniwala kay Leona.

Hindi alam ni Leona kung bakit hindi siya makasagot. Siguro dahil hindi rin siya sigurado sa sarili.

"It's mother's instinct, Mrs. Castillo. P'wedeng hindi sa umpisa pero sa paglipas ng panahon, matutukso kang kunin ang bata roon."

"Kung maayos naman po ang pagpapalaki nila kay Andrea, bakit ko po siya kukunin?"

"It's her right to see and meet the kid, since she's still the biological mother. Kung sakali man po na magkaroon ng problema or issue about the custody, then let the court handle it," iyon ang kumpiyansang sabi ni Giordani.

Saglit na inisa-isa ng tingin ni Mr. Hernandez ang mukha ng mga tao sa loob ng opisina. Seryoso lang din ang titig ng mga ito sa kaniya. Napabuntong-hininga na lamang siya. Nagbaba siya ng tingin at inayos ang mga papel niya sa mesa. "I already gave the papers and the information. May kailangan pa ba kayo?"

Nagkatinginan silang apat. Wala na silang maisip na tanong.

"Wala na?" untag naman ng director. "Then all of you can go now."

***

Lumabas silang apat sa loob ng opisina ng masungit na director. Nang maisara ang pinto, natatawa na bumaling si Rebecca sa kanila. "Sungit talaga n'yon sa mga tao pero mabait naman siya sa mga bata," sabi pa nito.

"Matanda na kasi eh," biro ni Aries.

"Anyway, Leona," tawag nito sa babae na agad namang lumingon. "Sa pagkakatanda ko, si Mother Emmaline ang nag-alaga kay Andrea dati. Gusto mo bang sumama sa 'kin para makausap siya? Nasa Girl's Room yata si Mother ngayon."

Tumango siya.

"Hindi p'wede ang lalaki sa Girls Room kaya okay lang ba na maghintay muna kayo rito?" baling ni Rebecca kina Giordani at Aries.

Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki. Nakaramdam na naman sila ng pagkailang.

Inalis muna ni Aries ang bara sa lalamunan. "Ehem.. s-sige. Walang problema."

Mukhang lutang naman ang utak ni Leona dahil hindi niya napapansin ang dalawa. Mukhang nagising lang siya sa malalim na pag-iisip nang maramdaman niya ang kamay ni Rebecca sa braso at hinila siya patungo sa hagdan.

𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝑯𝒐𝒎𝒆, 𝑩𝒂𝒃𝒚 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon