"Embrace reality. Keep the memories of those you have lost. Continue and move forward."
***
Mabibigat ang mga paa ni Leona habang magkahawak-kamay sila ni Aries na lumabas sa loob ng Justice Hall. Kasunod nila sa likod sina Baron at Reina at ang mga anak nito. Naglalakad ding kasabay nila ang walang imik na si Giordani. Mukhang malalim din ang iniisip ng binata."Sa susunod na lang ulit, Sir." Huminto sila sa paglalakad nang magsalita si Baron. "May susunod pang mga hearing pero sisiguraduhin po naming makakadalo kami."
Tumango si Aries at pilit na ngumiti. "Mag-iingat sana kayo sa pag-uwi."
"Maraming salamat po sa inyo," baling ni Leona sa mag-asawa. "Lalo na sa 'yo, Queenie, napakatapang mong bata." Sulyap niya sa dalagita na nakayakap sa braso ng ama. Ngumiti lamang ang dalaga.
"Leona, magpakatatag ka," paalala ni Reina na lumapit at yumakap sa kaniya. Gumanti siya ng yakap at hinagod ang likod ng babae.
"Salamat, Reina."
"Paano? mauna na kami," huling paalam ni Baron.
"Sige, ingat po kayo," kaway ni Aries.
Sinundan nilang mag-asawa ng tingin ang pamilya hanggang makalabas ang mga ito sa gate ng Justice Hall.
Napabuntong-hininga si Leona.
"Everything goes well," sambit ni Inspector Giordani nang silang tatlo na lang ang natira. "Matibay na salaysay ang testimonya ni Queenie. Although there's no assurance of winning or losing inside the court, malaki ang tsansa natin."
"I guarantee it, mabibigyan na rin ng hustisya si Andrea," sagot ni Aries.
Tumango ang imbestigador. "Let's pray for the best. Kapag may kailangan kayo, one call away lang ako," aniya at nakipag-kamay kay Aries. "Leona..." pansin niya sa babae.
Pilit na ngumiti si Leona, "Take care of yourself, Jarvis. Salamat sa lahat."
Hindi nito alam kung anong isasagot. Mukhang nanlambot na naman ang puso ni Giordani nang makita ang ngiti ni Leona. Lumapit sa kaniya ang babae, at walang pasubali na binigyan siya ng mainit na yakap.
Nabigla si Giordani at hindi agad nakakilos, pero kusa ring umangat ang mga braso niya para gumanti. Mahigpit niyang niyapos si Leona, pinikit ang mga mata, at inihilig ang ulo sa balikat nito.
Hinayaan ni Aries ang dalawa. Hindi siya nagseselos. Sa totoo lang, nalulungkot siya para kay Giordani. Kahit anong pagmamahal ang ibigay niya kay Leona. Alam nilang tatlo, na walang maitutugon sa pag-ibig nito. Mahirap magmahal ng taong hindi mo pwedeng mahalin.
Kumalas si Leona sa pagkakayakap at ngumiti muli.
"I need to go..." sabi lang ni Giordani.
"Ingat, Jarvis," paalala ni Leona.
BINABASA MO ANG
𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝑯𝒐𝒎𝒆, 𝑩𝒂𝒃𝒚 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒂
SpiritualLabing-pitong taong gulang siya nang maagang nabuntis. Dahil sa hirap ng kaniyang buhay, napagtanto niya na hindi pa siya handang maging isang ina. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ibigay si Baby Andrea sa mga taong alam niyang magbibigay rito ng...