25

110 12 4
                                    

"If I do this, You give me that -- such prayers are inherently complicated

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"If I do this, You give me that -- such prayers are inherently complicated.
Pray with an attitude of surrender."

***
Hindi naghihintay ang oras, wala itong sinasanto o pinipili. Alam iyon nina Aries at Leona. Sa lalong madaling panahon, ay dapat panagutan ng pamilyang Soterio's ang kasalanang ginawa nila. Kundi ay baka magtangka pang tumakas sa batas ang mga ito.

Nagtungo sila sa opisina ng Private Lawyer na si Atty. Rivera upang magtanong ng legal advice at maasikaso ang mga affidavit o salaysay ng mga witness.

Pinalad sila na makumbinsi ang pamilyang Palaina at ang sepulturero ng Heaven's Peace Memorial Garden. Naibigay na rin sa kanila ang medicol legal at nangako rin si Dr. Lambert na susulpot sa hearing kung kinakailangan. Wala na silang dapat pang problemahin bukod sa agarang mademanda sa korte ang mga akusado.

Gabi na silang nakauwi. Hapong-hapo sila nang dumating sa bahay.

"Manang Bertina?" tawag agad ni Aries sa katulong, samantalang si Leona ay dire-diretso lang ang lakad patungo sa silid nila. Sa mga nakalipas na araw ay laging gusto ng babae na mapag-isa.

"Sir Aries." Lumabas ang Ginang mula sa kusina. "Good evening po."

"Si Archie?"

"Nasa kwarto na po. Tulog na po, sir."

"Ganoon ba? Salamat ah. Sige na, pwede ka nang magpahinga."

"Salamat po," bahagyang yukod nito bilang paggalang at tumungo sa sariling silid na nasa unang palapag.

Napabuntong-hininga si Aries na umakyat na rin sa hagdan. Gusto niyang makita ang anak. Bahagya niyang inawang ang pinto ng silid ni Archie at sinilip ang bata sa loob. Salamat sa Diyos at mahimbing ang tulog nito.

Pumasok siya sa loob at umupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang ulo ng bata at inayos ang kumot nitong nakababa na sa paa. Bumalikwas ito ng higa ngunit hindi naman nagising.

"Kahit halos wala na kaming oras para sayo, hindi kita naririnig na magreklamo. Salamat, Archie. Napakabuti mong anak," aniya sa isip.

Nag-iwan siya ng halik sa noo ng bata bago lumabas sa kwarto. Maingat niyang isinara ang pinto upang hindi makalikha ng ingay. Pagkatapos ay naisipan na niyang magpahinga sa kwarto nilang mag-asawa.

Pagpasok sa loob ay napahinto siya dahil ang una niyang nakita ay ang kabiyak na nakatulala na naman sa iisang parte ng silid. Natatamaan ng mapanlaw na ilaw ng lamp shade ang mukha ng babae.

Sa lumipas na mga araw, lagi na lamang ganito ang itsura ni Leona. Tila nakalimutan na nito kung paano ngumiti. Ang lumbay sa puso nito ay bumaon sa kasukdulan.Hindi rin mapanatag ang kalooban ni Aries. Labis siyang nag-aalala sa estado ng isipan ng asawa.

"Leona," malumanay niyang tawag at tumabi rito. "Hindi ka pa ba matutulog? Magpahinga ka na." Umakbay ang isang kamay niya sa balikat nito ngunit hindi pa rin siya pinapansin ng babae.

𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝑯𝒐𝒎𝒆, 𝑩𝒂𝒃𝒚 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon