2

200 29 5
                                    

Umiihip ang malakas at malamig na hangin mula sa bakuran ngunit hindi iyon nararamdaman ni Leona. Manhid na siya sa paligid. Nanatili lamang siyang nakatunganga roon at ginugunita ang mga naganap pagkalipas ng sampung taon.

***

Pagkatapos niyang iwan si Baby Andrea sa basa at malamig na espaltong lupa na nag-iisa, umuwi siya sa kariton niyang tahanan. Buong araw siyang umiyak at ang tanging nasa isip niya ay ang kaniyang anak ngunit hindi siya bumalik sa bahay. Hindi niya binalikan ang sanggol.

Isang linggo ang lumipas nang matagpuan siya ng mga magulang.

"Leona, ang tagal ka naming hinanap ng papa mo!"

Naalala pa niya ang mukha ng ina niya na tila tumanda yata ng dalawampung taon. Niyakap siya nito nang mahigpit. Kahit anong galit pala ng magulang, lumalambot pa rin ang puso kapag nakita ang kalagayan ng anak.

Sa huli, hindi pala siya natiis ng mga magulang. Hinanap siya ng mga ito ngunit hindi siya makita hanggang sa may nakapagturo sa kanila na kapit-bahay. Nakita siya na nagtutulak ng kariton at isa raw na basurera.

Iyak nang iyak ang mama niya nang makita ang kalagayan niya. Nagsisi rin ang papa niya.

"Patawarin mo kami, Leona. Dapat inintindi ka namin," iyon ang mapagkumbabang sabi ng kaniyang ama. "Nang mawala ka sa amin ay 'di ka mawaglit sa isip ng nanay mo. Gabi-gabi siyang nangungulila. Gusto ka naming tulungan."

Anupa't muli siyang inuwi sa bahay. Binihisan at pinakain siya ng mga magulang. Nang nasa tahanan na sila ay nag-umpisa nang magtanong ang mga ito.

𝑾𝒆𝒍𝒄𝒐𝒎𝒆 𝑯𝒐𝒎𝒆, 𝑩𝒂𝒃𝒚 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon