Monique POV
Arghh!! kakainis! at talagang sa pangit na iyon ako nakapaglabas ng sama ng loob!, kasalanan ito ni dustin eh. nang makalabas ako sa elevator, kamalas-malasan pa talaga dahil kung sino pa yung mga taong ayaw ko makita ngayon ay makakasalubong ko pa.
Oh monique,buti at nakabalik ka pa. sabay ngisi niya ng nakakaloko at yumakap sa bewang ni dustin.
Ayaw mo yun? mas lalo ka papangit?! nilapitan ko siya at nakita ko ang pag ngiti ng kanyang labi.
Whatever you say. and can you please give me some space. tumaas pa ang kilay niya.
Hmmm.. you need space? tumango pa ako sa kanya at nginitian sya bat,di ka pumunta ngayon sa NASA at sabihin mong willing ka magvolunteer pumunta sa mars.
Hahahahaha funny monique, funny pangasar nyang sabi.
Atleast natawa ka. tsk pangit mo,talaga super. sakit mo sa mata. naglakad ako ulit at sinadya siyang banggain nakakairita siya. arghhh.
pagkapasok ko sa room nahiga agad ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. walang mangyayari sa akin kung palagi akong iiyak at iisipin ang nakaraan namin ni Dustin. kailangan ko na talagang magmove on.
Cheska POV
bago pumasok ng hotel si Nerd agad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Anong nangyari doon kay Niks ah? tanong ko sa kanya.
Di ko alam eh. Nagyaya lang siya maglakadlakad. sabay lakad niya papasok sa hotel.Nanlaki ang mata ko di utal magsalita si Nerd.
Napailing iling na lang ako at napagdesisyunang pumunta sa room ni Niks. Kinatok ko yung pintuan, Niks.. Pde ba tayo magusap? kinatok ko ulit yung pintuan. Sakto naman ang dating ni Nerd.
Kanina ko pa,yan kinakatok pero di niya binubuksan. Hayaan na lang muna naten siya. sumandal siya sa pader at yumuko.
Bat di ka na nauutal magsalita? Himala. sarkastik kong sabi at nilingon niya ako.
Nahihiya kasi ako magsalita ng diretso lalo na sa mga taong di ko gaano kakilala. sabay ngiti niya. Nakanguso akong nilapitan siya.
So ibig sabihin hindi ka na nahihiya sa akin? tumango siya bilang sagot. Eh kay Niks? umiling iling naman siya. Napabuntong hininga ako at sumandal din sa pader.
Alam ko na hanggang ngayon di pa rin tanggap ni Niks na wala na talaga sila ni Dustin. Pero kailanman di siya nag open sa akin, kaya naman kahit na gustuhin ko siyang tanungin di ko magawa kasi alam kong di siya magoopen sa akin. Kahit bestfriend pa niya ako. Napaupo ako hallway at nangalumbaba.
Magbibirthday pa naman din siya, bago ang beauty contest. Hay. Di na muling nagsalita pa si Nerd.
Dustin POV
Sinilip ko si Karen na sobrang himbing ng pagkakatulog.Agad akong tumayo sa kama at lumabas sa veranda. Ano kaya nangyari kay Monique? Di ko mapigilan ang mapaisip at magalala ng sobra para sa kanya. Gusto ko sana siyang kamustahin kanina pero nagaalangan ako dahil magkasalubong ang magkabilang kilay niya lalo na nung nakita niya kami kanina ni Karen.
Napatingin ako sa langit, malapit na ang birthday niya. Napangiti ako ng maalala ko ang hiniling niyang regalo sa akin.. Gusto niyang ipagbake ko siya ng cake.
Minabuti ko ang pumasok muli sa kwarto at lumabas. Habang naglalakad ako sa hallway saktong napatigil ako malapit sa room nila Monique. Andun si Nerd at Cheska na halatang seryosong naguusap. Maya maya biglang lumabas si Niks kaya napangiti ako pero agad din iyon nawala ng saktong magkatinginan kami.
BINABASA MO ANG
She's Falling Inlove to a Nerd
JugendliteraturMonique Chene Vega. Ang babaeng nainlove sa taong kasalungat ng ideal guy niya.