Chapter 37(Miracle)

2.1K 76 3
                                    

Karen POV

Taas noo akong naglalakad sa campus at napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng bulungan ng mga estudyante.

'Ayy grabe nakakaawa naman si Campus Queen Cheska.'

'Sinabi mo pa, aksidente siyang nalaglag sa hagdanan tas na-coma pa.'

'Kaya nga eh, nako siguradong hindi titigil si Ms. Monique sa paghanap ng katotohanang nangyari kung aksidente lang talaga o may sumadya.'

'Tama...Pero kung sinadya ang Nangyari kay Campus Queen Cheska sino naman kaya ang may gawa nun?'

'Malay ba natin. Tara na nga at baka andun na ang professor natin.'

Napataas ang kilay ko atska ako naglakad papunta sa Building ng B.A tinignan ko ang hagdanan kung saan ko tinulak si Cheska.

Napangiti ako ng hindi iyon abot sa may baba kung saan may CCTV Camera.

'Napadalaw ka sa Building ng B.A?' Napalunok ako ng malaman ko kung kaninong boses iyon kaya dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran.

'Masama na bang dumalaw dito?' Nakangiti kong sabi. Asa taas si Monique ng hagdanan atska siya bumaba para magkaharap kami.

'Hindi naman...Pero bakit parang inaalam mo kung may CCTV Camera sa parte ng hagdanan na ito kung saan tinulak mo si Cheska.' Napalunok ako sa sinabi niya.

'Sinasabi ko na nga ba at ako ang pagbibintangan mo eh. Natawa ako sa kanya at kita ko ang galit sa kanyang mata. Monique mortal tayong magkaaway at alam ko yun pero sana wag mo kong pagbintangan sa bagay na hindi ko kayang gawin.' Nakangisi kong sabi. Napangiti naman siya.

'Talaga? Kaya pala nagawa mo akong itulak dati no? Sarkastik niyang sabi kaya nawala ang ngisi sa aking mukha. Hinding-hindi ko yun makakalimutan Karen...At alam ko naman na kayang-kaya mo yun gawin, Ikaw na nagsabi...Nilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha Na mortal tayong magkaaway.' Hinawakan niya ako sa aking panga at tinitigan niya ako ng masama

'Kapag nalaman ko na ikaw ang may dahilan ng pagkalalag ni Cheska sa hagdanan.....Nanlaki ang aking mata ng maramdaman ko na bumabaon ang kuko ni Monique sa balat ko Papatayin kita gamit ang pagtulak sayo sa hagdanan hanggang sa mawalan ka ng dugo at hininga.' Atska niya ako tinulak ng mahina.

Muntikan na ako mawalan ng balanse buti na lang ay nakakapit ako sa hawakan.

Nilingon ko si Monique na bumababa ng hagdan. Hindi niya dapat malaman na ako ang tumulak kay Cheska sa hagdanan.

Pero paano kung magising si Cheska? Paano kung mag-sumbong siya kay Monique?

Monique POV

Pagkarating ko sa kwarto ni Cheska ay natutulog si Jay sa tabi nito. Tinapik ko ang balikat ni Jay kaya naalipungatan ito ng gising.

'Nagising na ba siya?' tanong ni Jay sa akin. Tinignan ko si Cheska na natutulog pa rin.

'Hindi pa rin...Sige na at magpalit ka na para mai-discharge na kita dito sa hospital,' Nilingon ko si Jay na nakatitig lang kay Cheska.

'Ako na muna ang bahala sa kanya, nakapagpaalam na ako sa mga professor ko tungkol kay Cheska. Parating na rin si Ohrik para masamahan ka sa condo mo.' Atska niya ako nilingon sabay hawak niya ng mahigpit sa kamay ko.

'Salamat Niks ha?' Nakangiti niyang sabi.

'Hindi na iba sa akin si Cheska, para ko na siyang kapatid kaya sige na.' Tumango siya atska siya lumabas ng kwarto. Naupo ako sa upuan at hinawakan ang kamay ni Cheska.

'Si Karen.....Nararamdaman kong siya ang may gawa nito sayo Cheska...Sa oras na malaman kong siya talaga ang may kagagawan nito papatayin ko siya.' Gigil kong sabi. Kumuha ako ng saging atska ko binalatan yun at kinain.

'Namimiss na kita Cheska.....Namimiss kitang utusan...Sigawan..Tarayan at sabihan ng baliw.' natawa ako ng mahina atska ko pinagmasdan si Cheska na mahimbing pa rin natutulog.

'Hindi ako sanay na hindi ka naririnig na sumisigaw. Miss na miss kita Cheska. Gising na.' Hinawakan ko ang kamay niya at diniinan iyon.

Napabuntong-hininga ako dahil kahit anong sabihin ko ay hindi pa rin siya gigising. Napatingin ako sa pintuan na bumukas.

'Kamusta na si Cheska?' Inakbayan ako ni Hambog at hinalikan niya ang pisngi ko.

'Ganun pa din, Sleeping beauty.' Malungkot kong sabi. Kinurot ni Hambog ang pisngi ko kaya nginitian ko siya ng tipid.

'Si Jay inaantay ko mag-bihis, ang isang yun mahirap ang pinagdadaanan niya lalo na at mahal na mahal niya si Cheska.' Si Jay...Ang pinsan kong yun na laging nasa tabi ko at natatakbuhan ko.

'Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin o sabihin kay Jay...Gusto ko siyang ikomfort pero hindi ko alam kung sa anong paraan.' Hinawakan ni Hambog ang kamay ko atska niya hinalikan yun.

'Ang pagiging nasa tabi ka ni Jay at pagbabantay mo kay Cheska ay malaking tulong na yun.' Nginitian niya ako na siyang nagpapalakas ng loob ko. May bumukas ng pintuan at saktong si Jay ang pumasok na nakabihis na.

'Niks....Ikaw na muna bahala kay Babe ko ha?' Hinalikan ni Jay ang noo ni Cheska atska niya ako niyakap.

'Kapag nagising siya tawagan mo ako agad.' Ngumiti ako bilang sagot. Hinalikan ako ng mabilis sa labi ni Hambog atska sila lumabas ng kwarto ni Jay.

Napatitig ako kay Cheska. Feeling ko nasa magandang palasyo siya, dahil nung bata pa kami ay mahilig siya sa fairytale. Lagi niyang sinasabi sa akin na gusto niyang tumira sa magandang palasyo kasama ang prinsipe niya.

Naramdaman ko na tumulo ang aking luha sa pisngi ko.

'Natandaan mo ba Cheska noong bata tayo noon?' Naupo ako sa tabi ni Cheska at hinawakan ang kamay niya.

'Lagi tayo naglalaro sa garden habang nakasuot tayo ng fairy dress. Ako pa ang pinakamaganda sa ating dalawa kasi bungi ang ipin mo sa bandang harapan.' Pilit akong ngumiti kahit mukha na akong tangang umiiyak.

'Ang sabi mo sa akin gusto mo tumira sa magandang palasyo kasi napakaaliwalas ng lugar at parang walang kaproble-problema.' Pinunasan ko ang kabila kong pisngi.

'Pero, Cheska.....Hindi ka pwedeng tumira sa magandang palasyo ng mag-isa ka lang..' Napahagulhol ako ng iyak. Atska ko inilagay ang kanyang kamay sa pisngi ko.

'Cheska.....Wag mo kong iiwan, Pinangako natin sa isa't-isa na tayong dalawa ang gagawa ng magandang palasyo na pinangarap natin noon.' Pinikit ko ang aking mata.

'Gumising ka na..' Mahina kong bulong. Napatigil ako sa pag-iyak ng maramdaman ko ang paggalaw ng kamay ni Cheska.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon