After 7 months.....
Monique POV
Napakagat ako sa ibabang labi ko ng maramdaman kong kumikirot ang tyan ko.
'Ohrik!!!!!!! Ohrik!!!!!' sigaw ko. Agad naman lumapit sa akin si Ohrik habang may apron siyang suot.
'Okay ka lang ba?' natataranta niyang tanong.
'M-manganganak na ako!' pinanlakihan ko siya ng mata dahil pumutok na ang panubigan ko. Agad naman niya ako inalalayan makalabas ng bahay at sinakay niya ako sa kotse.
'Monique hold on okay? Malapit na tayo.' sabi niya habang hawak-hawak ang kamay ko. Naiyak naman ako bigla. Putcha ang sakit talaga ng tyan ko. Feeling ko natatae ako at kailangan ko ng ilabas.
Nang marating namin ang hospital ay inasikaso agad ako ng mga nurse.
After 1 week.....
Pinagmasdan ko si Ohrik na buhat-buhat si Alexia.
'Matulog ka na....Ako na bahala kay Baby.' niyakap ko si Ohrik ng patalikod. At kumalas din ako agad ng ibaba niya sa kuna si Alexia.
'Ang ganda-ganda ng anak natin.' nakangiti niyang sabi sabay halik sa noo ko.
'Mana sa akin eh.' mayabang kong sabi. Tinignan naman niya ako ng masama sabay halik sa labi ko.
'Tsk! Namamanyak ka na naman.' pinitik ko ang noo niya at tinulak na siya palabas ng kwarto ni Alexia.
'Mamayang madaling-araw ay gigising ako para alagaan si Alexia.' tumango ako kay Ohrik bilang sagot at naupo sa sofa. Nakangiti kong pinagmasdan ang anak namin na mahimbing ang pagkakatulog.
Sana ay lumaki siyang katulad kong matapang. Natawa ako ng maalala ko ang pagiging bully ko nun. At dahil sa pambubully ko ay nainlove ako kay Ohrik.
Buong gabi ay halos hindi ako nakatulog dahil pinagmamasdan ko lang si Alexia. Napatingin ako sa pintuan na bumukas.
'Magpahinga ka na, ako naman ang bahala kay Alexia.' tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sofa at niyakap si Ohrik.
'Mahal na mahal kita Ohrik.' bulong ko.
'Mas mahal din kita.' nakangiti akong kumalas sa pagkakayakap at lumabas na ng kwarto. Pero napakunot ang noo ko ng may mga rose petals ang nakakalat sa sahig.
'Ohrik.' tawag ko habang nakatitig sa mga rose petals.
Nanlaki ang mata ko ng aking makita sila Cheska at Karen na todo ngiti.
'Niks! Syet ka talaga!' kinikilig na sabi ni Cheska.
'Bakit ka nandito? Diba sabi ko sayo ayokong mahawaan mo ng kabaliwan ang baby ko?' pagtataray ko sa kanya. Bigla naman siya ngumuso sabay dila niya.
'Monique Chene Vega.' napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Ohrik na seryoso ang mukha.
'Ano bang meron?' taas kilay kong tanong sa kanya.
'Matagal ko ng gustong itanong ito sayo pero hindi ko magawa dahil wala akong maisip na magandang plano para sa maganda mo ring isasagot sa akin, pero kasi kailangan ko na tong gawin.' nanlaki ang mata ko ng bigla siyang lumuhod.
'I DO NIKS! SAY I DO!' sinulyapan ko si Cheska na agad tinakpan ni Karen ang bibig niya.
'Monique Chene Vega. Will you marry me?' napalingon naman ako kay Ohrik, may hawak siyang singsing at nakatitig siya sa mata ko.
'Ohrik......' naluluha kong tawag sa kanya.
'Will you marry me?' tanong niya ulit. Tumango-tango ako at tinakpan ang aking bibig dahil umiiyak na ako sa saya.
Nakangiti naman siyang kinuh ang kamay ko at sinuot ang singsing sa daliri ko. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod niya sabay halik sa labi ko.
'I love you Monique.' bulong niya.
'I love you too.' sagot ko sa kanya.
The end.....
Authors Note: Hi po! Alam ko na wala masyadong effort ang Last Chapter pero pinaplano kung iedit ang istorya na to para naman mas maganda siya. Salamat po sa lahat ng bumasa!
BINABASA MO ANG
She's Falling Inlove to a Nerd
Подростковая литератураMonique Chene Vega. Ang babaeng nainlove sa taong kasalungat ng ideal guy niya.