Monique POV
Tinitigan ko sa malaking salamin ang kabuuan ko. Ang ganda-ganda kp talaga.
'OMG Niks. Kinakabahan na naman ako.' taas kilay kong tinignan si Cheska na panay ang paypay sa kanyang mukha gamit ang kanyang kamay.
'Bakit? Dahil ba sa matatalo ka na ngayon?' ngumuso naman siya at naupo sa silya, magkasama kaming dalawa sa dressing room at mga ilang minuto na lang ay magsisimula na ang pageant.
Ano kaya itsura ni Nerd ngayon? Sure akong walang magbabago sa itsura niya pero sana naman ay di siya pumorma ng pang-baduy.
'Psh, as if naman.' mayabang niyang sagot sa akin.
'Lumabas na kayo at luminya sa pila. Maguumpisa na ang pageant.' pagpapaala ng president. Kaya naman tumayo na si Cheska at nagsimula na kami maglakad palabas. Nakita ko si Karen na sobrang haba ng hiwa sa bandang gilid ng hita niya.
'Taas noo ang gaga oh.' bulong ni Cheska. Ngumiti na lang ako dahil kahit gaano pa kasexy ang suotin niya para sa akin ay di siya mananalo. Wala siyang ganda eh.
'Yaan muna.' Iginala ko ang paningin ko at napakunot ang noo ko ng makita ko si Nerd na hapit na hapit sa kanya ang tuxedong suot niya. At ang buhok niya na parang magulo pero nakataas. Wag lang talaga siyang ngingiti.
'Mukhang tao na si Nerd. Yieeee kinikilig yan.' sinundot ni Cheska yung tagliran ko kaya naman tinampal ko ang kamay niya.
'Ikaw na rarampa.' tinulak ko siya ng mahina at tinignan pa ako ng masama bago umakyat sa stage at rumampa. Nang ako na ang susunod ay napakunot ang noo ko dahil pag-apak ko pa lang sa hagdanan paakyat sa stage ay nawalan na ako ng balanse.
'I got you.' nanlaki ang mata ko ng sobrang lapit ng mukha ni Nerd sa akin. Agad akong umayos ng tayo at umakyat sa stage para rumampa,
Ngumiti ako ng tipid at naghiyawan ang mga kalalakihan. Tumabi ako kay Cheska at pinanood ang pagrampa ng mga lalaki.
Inaamin ko na nahihiya ako kay Nerd sa sinabi ko sa kanya.
Flashback
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa hindi aasahan na mapapaamin ako sa mismong harap niya. Magsasalita pa lang siya ng takpan ko ang bibig niya.
'Ang baho ng hininga mo. Umalis ka na at baka masakal pa kita.' Inalis ko ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig niya at agad tumayo. Naglakad agad ako papasok sa banyo ko at nilock iyon.
Pinakinggan ko sa pintuan kung lalabas na si Nerd sa kwarto ko at nakahinga ako ng maluwag ng marinig kong sumara at sumarado ang pinto.
Tumingin ako sa salamin at napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Ang pula-pula ng mukha ko.
End of Flashback
'Niks,rampa na!!' bulong ni Cheska kaya naman rumampa ako papunta sa kapartner ko na si Nerd. Ikinawit ko ang kamay ko sa braso niya at amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango.
'Up next is The Talent Portion.' Nagpalakpakan ang mgamanonood at rumampa ulit ako kasama si Nerd pabalik sa backstage. Napasandal ako sa pader at tinabihan ako ni Nerd.
'Iniiwasan mo ba ako?' mahinang bulong niya. Di ako makatingin sa kanya lalo na at ramdam ko na nakatingin siya sa akin.
'Bat naman kita iiwasan? May malala ka bang sakit para iwasan kita?' mataray kong sagot sa kanya.
'Eh bakit hindi ka makatingin sa akin?' tumaas ng kilay ko at tinignan siya.
'Oh ayan, nakatingin na ako sayo.' sertoso kong sabi pero ngumiti lang siya. Psh sana hindi na lang siya ngumiti, nakakapangit sa kanya. Umirap ako at tinap ang daliri ko sa braso ko.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, bakit parang kinakabahan ako? Saktong napalingon ako kay Karen na nakangising nakatingin sa akin. Nginitian ko na lang siya dahil mas maganda naman ako kumpara sa kanya.
'Niks,panoorin mo ako huh?' nakangiting sabi ni Cheska, tumango na lang ako bilang sagot. Nagsimula na ang talent portion at si Cheska na ang susunod kasama si Red.
Natawa ako ng mahina ng maapakan ni Cheska ang paa ni Red, kahit kailan talaga loka-loka. Paano ko kaya naging bestfriend si Cheska? Eh hindi naman ako loka-loka. Bully lang pero maganda.
Natapos na ang talent portion niya at ako naman ang susunod. Inilahad ni Nerd ang kamay niya sa akin na tinanggap ko naman. Aaminin ko na may naramdaman akong kilig. Psh -.-
Naupo ako sa silya at ganun din si Nerd. Nag-umpisa ng tumugtog yung kakantahin namin.
'Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw, ang iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig ng puso.... tumingin ako kay Nerd na seryosong nakatingin sa akin Ikaw ang pinangarap-ngarap ko simula ng matanto na balang araw iibig ang puso..'
'Ikaw, ang pag-ibig na hinintay puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na...Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng maykapal biyaya ka sa buhay ko ligaya't pag-ibig ko'y ikaw.' Tumigil ako sa pagkanta at hinawakan ni Nerd ang kamay ko. Napalunok ako ng mapatingin ako sa mga mata niya na parang hinihigop ang buong pagkatao ko. Wala akong marinig na kahit ano at tanging boses niya lang ang hinihintay ko.
'Humihinto sa bawat oras ng tagpo ang pag-ikot ng mundo, ngumingiti ng kusa aking puso. Pagkat nasagot na ang tanong nag-aalala noon na may magmamahal sakin ng tunay.' Halos hindi na ako masyado makahinga dahil sa ganda ng boses niya. Mapektusan nga ito nung nagpapraktis kami sintunado siya kumanta tas ngayon? Parang may sarili siyang concert.
Hindi ko na alam kung kelan siya natapos sa part niya dahil bigla na lang niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tumitig sa mga mata ko.
'Mahal kita Monique.' bulong niya sa akin at hindi ko mawari kung bulong nga ba talaga iyon dahil nakarinig ako ng sigawan.
'KYAAAA!!! ANG SWEET MO PANGIT!!!' lilingunin ko sana yung sumigaw nun ng biglang hawakan ni Nerd ang baba ko paharap muli sa kanya at hinalikan ako sa labi ko.
Ang lambot ng labi niya at halos manlaki ang mata ko sa gulat, hindi ko aasahan na hahalikan niya ako sa maraming tao at nanonood sa amin ngayon.
Tanging malakas na tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Napahawak ako sa baton niya at naipikit ang nga mata ko. Why? Because im kissing him back.
BINABASA MO ANG
She's Falling Inlove to a Nerd
Ficção AdolescenteMonique Chene Vega. Ang babaeng nainlove sa taong kasalungat ng ideal guy niya.