Monique POV
'Niks...Magiging okay din si Cheska at Jay.' Hinawakan ni Hambog ng mahigpit ang kamay ko. Napakunot ang aking noo, napakaimpossibleng malaglag ng ganun si Cheska sa hagdanan.
Kilala ko ang babaeng yun kung nagmamadali man siya paakyat ng hagdan kahit nakasuot pa siya ng heels hinding-hindi yun malaglag.
Kahit nga itulak ko siya ng naka-heels pababa nagagawa niyang ibalanse ang sarili niya dahil nung nasa highschool kami gymnastic siya.
'Malalaman ko din kung sinong hayop ang may gawa nyan kay Cheska.' Nanggigil kong sabi.
'Ano ang ibig mong sabihin? Aksidente ang nangyari.' Nilingon ko si Hambog.
'Kilala ko si Cheska...Baliw siya oo pero pagdating sa hagdanan napaka-normal niya, Oo nakasuot siya ng heels at nagmamadali siyang umakyat ng hagdanan pero ni minsan hindi yun nalaglag o nadapa.' Inis kong sabi sa kanya at inirapan ko siya.
Napatingin ako sa doktor na lumabas kaya napatayo ako.
'Kayo ba ang pamilya ng pasyente?' tanong nito.
'Opo.' sagot ko kaagad.
'Okay naman na si Jay dahil nawalan lang siya ng malay. Pero si Cheska.....' Kinabahan ako ng banggitin niya si Cheska.
'Im sorry but she's in coma.' Nagsasalita pa din yung doktor pero hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya.
Coma....
Coma....?
Naramdaman ko ang panghihina ng,tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig.
'Niks!' Hinawakan ni Hambog ang magkabilang balikat ko.
'Hindi......Hindi pwede ma-coma si Cheska.' Naiiyak kong sabi.Inalalayan ako makatayo ni Hambog at niyakap niya ako ng mahigpit.
'Ohrik hindi....Hindi siya pwedeng ma-coma.' Pailing-iling kong sabi.
Geoff Ohrik POV
Nasa tapat na kami ng kwarto ni Cheska at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Niks sa kamay ko.
'Pwede bang ako na muna ang pumasok?' Nginitian ko si Niks atska ko binitawan ang kamay niya. Nauna siyang pumasok sa loob kaya naupo muna ako dito sa labas.
Napahawak ako sa bibig ko. Kung aksidente ang nangyari kay Cheska sino naman ang gagawa nun sa kanya?
Pumasok kaagad sa isip ko si Karen...Ang mortal na kaaway ni Cheska at Monique. Pero paano niya nagawa ang bagay na iyon?
'Ohrik...' Napalingon ako kay Jay na nakaupo sa wheel chair. Kaya naman tumayo ako at nilapitan siya.
'Totoo ba?' Naluluha niyang tanong sa akin. Yumuko ako at niyakap siya.
'Ang b-babe ko......Hindi pwede....Impossible....' Umiiyak niyang sabi. Naluluha na rin ako dahil iilan lang sa aming mga lalaki ang naglalabas ng sama ng loob sa kapwa niya lalaki.
'Kinakausap ni Niks si Cheska...Tol huwag kang mag-alala matatag si Cheska alam kong hindi ka niya iiwan.' Tinapik-tapik ko ang likod niya para tumahan siya.
Monique POV
Naramdaman ko na tumulo agad ang luha sa aking pisngi ng makapasok ako sa kwarto ni Cheska. Naupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.
'Ches....Alam k-kong naririnig m-mo ako.' Pagsisimula ko.
'Gising na...Please g-gumising ka.' Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya habang umiiyak. Hindi ko na kayang magsalita pa lalo na at ang sakit-sakit sa akin makita ang bestfriend ko na para ko ng kapatid na nakahiga sa kama at nag-aagaw buhay.
'Natandaan mo b-ba ang pangako m-mo sa akin?' Hinawakan ko ang pisngi ni Cheska na may sugat.
'Na hanggang sa g-gumaraduate t-tayo ng kolehiyo...H-hindi mo ako i-iwan? Huminga ako ng malalim bago muli magsalita Alam ko na lagi akong m-masungit sayo...Lagi kitang s-sinasabihan ng baliw...Natawa ako ng mahina sa tuwing naalala ko na lagi siyang ngumunguso sa harap ko. Pinunasan ko ang magkabilang pisngi ko na may luha. At parati kang ngumunguso sa harap ko...Sana w-wag mong isipin na wala akong pakialam sayo...Kinagat ko ang ibabang labi ko Kasi....Mahal kita Cheska....Mahal na mahal bilang bestfriend at kapatid.' Hinalikan ko ang kamay niya atska ako humagulhol ng iyak.
Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang may gawa nito kay Cheska.
Jay POV
Nakatingin lang ako sa kwarto ni Cheska at rinig ko ang iyak ni Niks. Nilingon ko si Ohrik na nakapikit ang kanyang mata.
Halatang ayaw niyang marinig ang iyak ni Niks. Maya-maya lumabas si Niks sa kwarto at nagkatinginan kami.
Napahikbi siya atska niya ako niyakap ng mahigpit.Nag-umpisa na naman mamuo ang luha sa aking mata.
'Jay......' Tawag niya sa akin habang umiiyak.
'I know....Malakas si Babe ko alam ko na hindi niya ako iiwan lalo na't marami pa kaming kalandiang gagawin sa harap mo Niks,' Nakangiti kong sabi kahit tumulo na ang aking luha.
'Bwisit ka...' Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin atska siya naupo sa tabi ni Ohrik na agad siyang niyakap. Tinulak ko ang gulo ng wheel chair papasok sa kwarto ni Cheska.
Pagkalapit ko kay Cheska ay hinawakan ko ang kanyang kamay.
'Babe....Kanina pa kita hinihintay sa campus dahil miss na miss na kita....Gising na.' Pinilit kong huwag maiyak sa harap niya dahil ayokong malaman niyang nalulungkot ako dahil siguradong malulungkot din siya.
'Alam mo ba Babe nakakatawang nahimatay ako kanina ng makita kitang walang malay at nagdudugo ang iyong ulo.' Natatawa kong sabi at hinaplos ang kanyang pisngi.
'Marami pa tayong bansang pupuntahan Babe....Dadalhin kita sa lugar kung saan mas sasaya ka..Kapag nakikita kitang masaya, sumasaya din ako Babe...' Hinalikan ko ang kamay niya at pinatong yun sa mukha ko.
'Andito lang ako Babe sa tabi mo, naghihintay sa muling pag-gising mo. Mahal na mahal kita Babe.' Pinikit ko ang aking mata atska nahiga sa kama ni Cheska.
BINABASA MO ANG
She's Falling Inlove to a Nerd
Fiksi RemajaMonique Chene Vega. Ang babaeng nainlove sa taong kasalungat ng ideal guy niya.