Chapter 42

2K 68 3
                                    

Dustin POV

Pagmulat ng aking mga mata ay umiikot ang mundo ko.

'Anak. Kamusta pakiramdam mo?' Nag-aalalang tanong ni Mom sa akin. Tinignan ko siya at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi.

'Sinabi ko naman sayo ay magpagaling ka sa US pero hindi mo ko sinunod!' Umiiyak niyang sabi. Nginitian ko na lang siya bilang sagot.

'Alam natin pareho na wala na akong pag-asa. At oras na lang hihintayin ko, nakakainis lang dahil nagising pa ako.' Tumulo ang luha sa aking pisngi at niyakap ako ni Mom ng mahigpit.

'Iuuwi kita sa US sa ayaw't sa gusto mo.' tumango na lang ako kay Mom.

Nagsingungaling ako kay Monique tungkol sa sakit ko. Ang sabi ng doktor ay sobrang malala na ang cancer ko. At dahil malala na ang sakit ko ay nagpapalit-palit ako ng desisyon.

Karen POV

Pinaupo ako ni Cheska sa sofa at binigyan niya ako ng baso na may juice.

'Oh? Bat ganyan mukha mo?' natatawang tanong ni Cheska. Pilit akong ngumiti sa kanya.

'Inaalala ko si Monique, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya lumalabas sa kwarto niya. Nag-aalala kasi ako eh, kung hindi dahil sa pagiging inggitera ko edi sana hanggang ngayon ay wala tayong problema at buo pa rin ang pagkakaibigan nating tatlo.' Hinawakan ni Cheska ang kamay ko at inakbayan niya ako.

'Okay na yun si Monique, gusto lang nun matahimik pansamantala ang kaluluwa niya. Hahahaha.' natawa ako sa sinabi niya. Baliw talaga to kahit kailan.

'Kamusta naman si Dustin? Di ko na nakikita ang mokong na yun.' takang tanong sabi ni Cheska. Napakunot ang noo ko dahil nakalimutan kong nag-eexist nga pala yun dito sa mundo.

'Di ko na alam, hindi ko na kasi siya nakikita eh. Simula nung pinahiya ako ni Monique.' Ngumuso lang si Cheska atska niya binuksan ang t.v

'Nood tayo horror!' excited niyang sabi. Okay na kami ni Cheska sana ay maging okay din kami ni Monique.

'Wait! Kukuha lang ako ng junk foods. Dyan ka lang!' tumakbo si Cheska paalis sa sala.

Sumandal ako sa sofa at ininom ang juice na binigay ni Cheska.

'Cheska!!!!' Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses na iyon. Lumingon ako sa gilid ko.

Si Monique na nakasuot ng white shirt at pantalon na may butas ang bandang tuhod. Napalunok ako ng lumingon siya sa akin.

'OMYGOD NIKSSSSSSS!!!' Nilingon ni Monique si Cheska na patakbong yumakap sa kanya.

'Ano ba!' tinulak ni Monique si Cheska palayo sa kanya at tumingin sa akin. Napalunok na naman ako.

'Anong ginagawa niyan?' mataray niyang tanong kay Cheska na naglakad palapit sa akin at naupo sa tabi ko.

'Duh! Beastmode ka pa rin? Sympre nagbobonding kami ni Karen!' Sabay irap ni Cheska kay Monique na nakataas na ang kilay.

Pinatay ni Cheska ang ilaw sa sala gamit ang remote control atska niya pinindot ang play sa remote ng dvd kaya nagsimula na ang movie.

'Horror to Niks, yung Insidious 3 baka gusto mong maupo?' Sarkatik na sabi ni Cheska. Uupo si Monique sa gilid ng hatakin siya ni Cheska paupo sa tabi ko.

Bale nasa gitna namin ni Cheska nakaupo si Monique.

'Baliw talaga.' inis na bulong ni,Monique. Nilingon ko si Monique at napatingin ako sa diamond ring niya.

'Nag-propose na sayo si Ohrik?' nakangiti kong tanong.

'Oo at wala kang pakialam!' Inis niyang sabi.

Napanguso na lang ako at nanonood na ng movie.

Monique POV

Panay ang tili ni Karen at Cheska kaya naman panay ang takip ko sa aking tenga.

'ANO BAAAA???!!!!' Tinulak ko silang pareho at pinatay ko ang dvd.

'ANG KJ MO TALAGA!' Hinampas ako ni Cheska ng unan sa ulo kaya kumuha ako ng unan at hinampas si Cheska.

'SIGE!' banta ko sa kanya ng papaluin niya ako ng unan pero nakailag ako at si Karen ang nahampas niya.

'Aba't' Gulat na sabi ni Karen. Nagkatinginan kami ni Cheska at sabay na ngumisi.

'W--ait! Walang ganyanan!' Kumuha si Karen ng unan kaya hinampas na namin siya ni Cheska.

Naghampasan kami na may kasamang tawanan. Natawa ako ng nasira ang unan na hawak ni Cheska. Napahiga kami sa carpet at sabay na nagtawanan muli.

'Salamat Monique.' Nilingon ko si Karen na humawak sa kamay ko.

'Salamat sa pagtanggap muli sa akin bilang kaibigan mo.' Naiiyak niyang sabi.

'Huwag ka ng umarte dyan Karen, kalimutan na natin yung mga nangyari. Tapos na yun.' Nakangiti kong sabi.

'Friendhug?' Nakangitin sabi ni Cheska kaya naman niyakap nila akong dalawa ni Karen.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon