Monique POV
‘ARGHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!’ inis kong pinagtatadyakan yung basurahan na nasa gilid ko. Yung mga estudyante mga nakatingin lang sa akin kaya naman tignan ko sila ng masama na agad nilang ikinataranta kaya umalis na lang sila sa bulletin board.
‘Niks! Relax.’ Hinagod pa ni Cheska yung likod ko.
‘Relax?!!! Paano ako rerelax! Pangit ang kapartner ko Cheska! For pete’s sake! Kelan pa nagkaroon ng Ugly Pageant huh? Hello! Beauty Pageant ang sasalihan ko! BEAUTY hindi UGLY!’ inis kong tinignan yung mga listahan ng mga contestant. Nakakaimbyerna talagang si Dustin kapartner niya si Karen! Akala ba nila magpapatalo ako? In their dreams. Bullshit!
‘Tara…Hindi ako papayag na matalo ako! Sisiguraduhin kong AKO ang mananalo.’ Hinatak ko si Cheska papunta sa room sana andun na si Pangit. Pagkarating namin good thing dahil andun nga siya agad akong naglakad papunta sa pwesto niya at umupo sa tabi niya na ikinagulat ng mga estudyante.
‘Hoy pangit….Ikaw ang magiging partner ko sa beauty pageant! Kahit wala kang looks meron ka namang brain! Pwede ka na.’ nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.
‘Bukas magkita tayo dito sa University dahil magkakaroon daw tayo ng photoshoot sa batangas, tapos magkakaroon din ng kaunting bakasyon para sa araw ng kompetisyon fresh na fresh tayo. Okay?’ tumango-tango siya bilang sagot.
‘Gusto ko ikaw ang katabi ko sa Bus okay? Don’t worry walang mang-bubully sayo! Subukan lang nila papatayin ko sila ng buhay.’ Tumayo na ako at umupo sa tabi ni Cheska yung mga estudyante nakatingin sa akin.
‘ANONG TINITINGIN-TINGIN NIYO?!” sigaw ko at agad silang nagbalikan sa mga ginagawa nila na kanina ay hindi naman nila ginagawa mga hinayupak.
Karen POV
Haay! Ang ganda ng gising ko kaya naman niyakap ko yung braso ni Dustin. Kanina pa kami andito sa University at inaantay na lang namin yung iba pang contestant na kasali sa beauty pageant. Inikot ko ang paningin ko wala pang anino ni Monique. Don’t tell me nagback-out kagad ang gaga? Tsk. Kung sabagay kahit naman ako magbaback-out kung pangit lang din naman ang magiging partner ko eh.
‘Oh Andyan na pala si Ms. Monique eh! Kasama niya si Nerd.’ Narinig kong sabi ng isang lalaki na kasali rin sa contestant.
‘Grabe no? Taas ng confidence ni Monique na mananalo sila ng kapartner niya. Pero sigurado akong si Monique masusungkit niya ang korona pero paano yung kapartner niya? Kawawa.’ Sabi naman ng isang babae na feeling maganda. Letse to AKO ang makakasungkit sa korona at sisiguraduhin ko na yun !
BINABASA MO ANG
She's Falling Inlove to a Nerd
Teen FictionMonique Chene Vega. Ang babaeng nainlove sa taong kasalungat ng ideal guy niya.