Chapter 28

1.9K 74 3
                                    

Monique POV

Binaba ako ni Hambog at ang walanghiya ay binuksan niya ang pintuan ng walang pasabi.

'Kitam? Walang tao.' Dire-diretso siyang pumasok sa kubo at wala ngang tao. Sinarado ko ang pintuan at naupo sa sahig.

'Aray....' Nagulat ako ng umupo sa harap ko si Hambog at hinubad niya ang suot kong rubber shoes sa magkabilang paa.

'Anong gagawin mo?' taka kong tanong sa kanya.

'Imamasahe ko ang magkabilang paa mo.' sagot niya habang inuumpisahang imasahe ang paa ko. Impierness kay hambog masarap siyang magmasahe.

'Namimiss mo na ba yung manliligaw mo?' bigla niyang tanong.

'Hmmmmm Si Geoff namimiss ko na siya....Hindi man nakakakilig sa iba ang binibitiwan niyang salita pagdating sa akin talagang nakakakilig. Simpleng lalaki lang si,Geoff at yun ang nagustuhan ko sa kanya.' Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

'Kunwari lokohin ka din niya katulad ng EX mong si Dustin?' Napataas naman ang kilay ko.

'Psh, subukan niya lang!! Huh!! Sa pangit niyang yun magagawa niya pang lokohin ang isang tulad ko?' Natatawa kong sabi

'Kalokohan yun....Kilala ko si Nerd alam ko na magiging loyal siya sa akin. Isa pa may tiwala ako sa kanya at tapat siyang tao sa akin' Hindi na umimik pa si Hambog.

'Ikaw? Diba kayo na ulit ni Karen?' Napatingin naman siya sa akin.

'Hindi no....Pinaglalaruan ko lang yun,' Mayabang niyang sagot.

'Sus pero nung sinampal ko yun si Karen halos masapak mo na ako dati.' pang-asar ko sa kanya.

'Dati lang yun.....Isa pa hindi kita kayang sapakin kapag sinampal mo ulit si Karen.' Napakunot naman ang noo ko.

'At bakit hindi aber?' pang-hahamon ko.

'Dahil hindi kita kayang saktan. Ang lalaking nagmamahal hindi kayang saktan ang babae niyang mahal.' Nilunok ko ang sarili kong laway at nahiga sa sahig.

Nyemas na yan ang lakas ng tibok ng puso ko. Naalala ko tuloy si Nerd na sa tuwing magsasabi siya ng chessy lines lumalakas ang tibok ng puso ko.

'Oh bat natahimik ka?' Pinikit ko na lang ang mata ko.

'Shhh....Quiet.' Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin kaya naman idinilat ko ang aking mata.

'Ibang klase kang babae....Nainlove ka sa lalaking hindi biniyayaan ng magandang kaanyuan.' Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

'Pero katulad nga ng sinabi mo, hindi ka tumitingin sa panlabas na anyo lang...' Tinignan niya ako sa mata at halos maduling ako.

'Sana.....Sana ako na lang.' Napalunok ako ng ilapit ni Hambog ang mukha niya. Gusto ko siyang itulak palayo pero parang naramdaman ko sa kanya yung pakiramdam ko kapag si Pangit ang lumalapit sa mukha ko.

Naramdaman ko ang pagdikit ng labi namin. Nagising ako na hindi ako pwede lumandi dahil may Pangit na ako.

'Aissh....' Tinulak ko palayo ang noo ni Hambog at tumayo sa pagkakahiga ko.

'Hoy!!! Wag kang lalapit sa akin!' sigaw ko kay hambog ng akma niya akong lalapitan.

'Let me explain.' tinakpan ko agad ang bibig niya.

'Shhhh.....You don't need to explain, alam kong maganda ako at nabighani ka sa alindog ko pero...Sorry ka na lang taken na ako ni Pangit.' Inalis niya ang kamay ko sa pagkakatakip sa kanyang bibig.

'Tsk si pangit na naman.' Inis siyang naupo sa sahig at yumuko.

'Pagdating sa pag-ibig napaka-malas ko talaga.' pailing-iling niyang sabi. Tinabihan ko siya at hinagod ang likod niya.

'Huwag kang mag-alala makakahanap ka din ng pangit katulad ni Geoff at sigurado akong mamahalin ka nun ng tunay.' seryoso kong sabi.

'Your crazy...' di makapaniwala niyang sabi habang nakatingin sa akin.

'Aba huwag mo ko ma-crazy, crazy dyan ah!' dinuro ko pa siya ng hintuturo ko

'Yung mga pinagsasasabi mo kasi walang katotohanan.' inis niyang sabi.

'Hoy! Katotohanan yun! Anong tingin mo sa aming dalawa ni Nerd? Panaginip lang ang lahat? Na nababaliw ako ganun?' Irita kong sabi at natawa siya.

'Paano nga kung ganun?' paghahamon niya.

'Eh hayop ka pala eh, huminga ka pa eh papatayin na kita.' Sinakal ko siya sa leeg ng bigla siyang tumawa ng malakas.

'Hahahaha wag Monique may kiliti,ako dyeeennn.' Panay ang iwas niya siya namang lapit ko.

'Papatayin kita sa kiliti hambog ka!' Napahiga siya sa sahig kaya naman umibabaw ako sa kanya at kiniliti siya sa leeg.

'HAHAHAHAHA NIK- HAHAHAHA STO- HAHAHAHHAA' tawa siya ng tawa kaya naman natatawa din ako sa kanya.

-BOGGGGSSSHHHH-

Napatigil ako sa pagkiliti kay Hambog ng biglang bumukas ang pintuan.

'Lola....' sabay naming sabi ni Hambog. Nanlaki ang mata ko ng titigan kami ng masama ni Lola atska ko na lang narealize ang pwesto ko na nakaibabaw kay Hambog.
Im dead.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon