Chapter 40 (Friendship)

2K 68 1
                                    

Monique POV

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko kaya naman kahit nakapikit ako ay kinapa ko ang kama kung saan nakapatong ang cellphone ko.

'Hello.' pikit matang sagot ko.

(Monique, Where are you?) Napadilat ako at napabangon sa kama atska tinignan ang tumawag.

'Kuya....Kuya andito na ba kayo sa Pinas?' Kinakabahan kong tanong.

(Yes...Gusto kong umuwi ka na dito at hinahanap ka na nila Mom at Dad.) Atska niya pinatay ang tawag. I think alam na niya ang ginawa kong pagpapahiya kay Karen.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako kay Kuya Rain dahil halata sa boses niya ang galit.

Karen POV

Nakatulala lang ako sa sahig. Tinapik ng Kuya ni Monique ang balikat ko kaya napalingon ako dito.

'Pasensya ka na sa ginawa sayo ni Niks. Hayaan mo at pagsasabihan namin si Monique.' Tinignan ko ang mga magulang ni Monique. Naiyak na naman ako dahil hindi ko na magawang pumasok dahil sa kahihiyan na ginawa ni Monique sa akin.

'K-Kasalanan ko naman po lahat eh. K-kung hindi po ako naging inggitera at naging insecure kay Monique hindi na sa aabot ang muntik ng pagkawala ni Cheska.' Umiiyak kong sabi.

'Huwag ka ng umiyak Karen.' Nilingon ko si Cheska na nakatayo katabi ni Jay na nakaakbay sa kanya.

'I-im sorry Cheska....I'm really sorry.' Nginitian lang ako nito ng tipid. Nilingon ko si Ohrik na hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

'Salamat huh.' Ngumiti lang ito sa akin. Nilingon ko ang Lola ni Ohrik na hanggang ngayon ay masama pa rin sa akin ang loob. Hindi ko naman siya masisisi lalo na at mahal na mahal niya ang apo niya na ginamit ko lang at sinaktan.

'Naiintindihan ka namin Hija.' Napayuko na lang ako sa sinabi ng Mommy ni Monique. Lalo tuloy akong nainggit kay Monique dahil ganito ang klaseng pamilya na pinangarap ko mula ng bata pa ako.

Nakaramdaman ako ng kaba ng makarinig ako ng tunog na sasakyan.

Dustin POV

Napakunot ang noo ko ng aking makita sa website ang ginawa ni Monique. Sigurado akong hindi na makakapasok pa si Karen. Nakakainis.

Naibalibag ko ang laptop sa sahig. Paano na ang plano kong mapasa-akin muli si Monique?

'Anak...' Nilingon ko si Mommy na pumasok sa kwarto ko at naupo sa tabi ko.

'Alam ko na hanggang ngayon mahal mo pa rin si Monique. Pero anak wag ka ng umasa dahil may iba na siyang mahal.' Mas nainis ako sa sinabi ni Mommy.

'Mom, wala kang karapatan sabihin yan sa akin. I love her. At kahit anong sabihin mo mamahalin at mamahalin ko pa rin siya. Gagawin ko ang lahat mahalin niya lang ako muli.' Tumayo ako sa kama at padabog na lumabas sa kwarto ko.

Akala ba ng Ohrik na iyon ay bibitawan ko si Monique sa kanya. Napatigil ako sa pagbaba ng hagdanan ng biglang nanakit ang ulo ko at kasabay nun ang pagkahilo ko.

Napaupo ako sa hagdanan at napasigaw ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Para itong hinahati sa gitna at pinukpok ng martilyo.

Monique POV

Napakunot ang noo ko ng aking makita na tatlo ang sasakyan na nakaparada sa garahe. Dire-diretso akong naglakad papasok ng mansyon.

Napalingon ako sa may sala, napataas ang kilay ko ng makita ko ang pagmumukha ni Karen. Ng tuluyan akong makalapit ay mas tumaas ang kilay ko as if may itataas pa ng makita kong magkahawak kamay si Ohrik at Karen.

She's Falling Inlove to a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon